IT #07

7 1 0
                                    

Natapos ang buong araw na halos hindi ako natuto dahil sa red days ko, plus the fact that I'm getting bored.

"Whoa!" Prente ko lang tiningnan si Maverick na nandito na naman sa loob ng classroom ko.

"Trespassing ka ng room." Sabi ko at tsaka siya inirapan.

Inilahad niya ang kamay niya kaya ibinigay ko sa kanya ang backpack ko.

"Ang gaan, ah." Natatawang sabi niya bago inisukbit sa balikat niya 'yung isang strap ng bag.

Tumayo ako, pero parang gusto ko ulit maupo kaya wala na akong nagawa kundi mapakapit na sa braso niya.

Inalalayan niya ako kaagad hanggang sa makarating kami sa parking.

"Ano pa bang masakit sa'yo, Mimbo? Puson mo na naman ba?" Tanong niya habang pinagbubuksan ako ng pintuan ng kotse niya.

Pumasok ako sa backseat na ikinakunot niya ng noo. "Bakit ka---"

"Shh! Gusto ko humiga!" Pagputol ko sa dapat na sasabihin niya. "Tara na."

Umikot siya para maupo na sa driver's seat and started driving.

"Saan---"

"Condo mo muna." Sabi ko pagkahiga. "Basta huwag kang maingay. Matutulog muna ako."

I saw him nod, so I made myself comfortable until I finally get the sleep that I want.

Nagising nalang akong may yakap na akong sobrang lambot. "Hi, Baby B!" Niyakap ko pa lalo 'yung stuffed toy na iniwan ko talaga rito. "Namiss kita."

"Stuffed toy lang talaga namiss mo rito?" Napabaling ako kay Maverick na nakahiga sa tabi nung stuffed toy habang may dino-drawing.

"Araw-araw kitang kasama, Bambi." Umupo ako't maya-maya'y dumiretso sa banyo para makapagpalit ng damit at napkin na rin. May iniwan kasi akong damit ko sa closet niya kaya magsi-six na't naka-pajama na ako.

Paglabas na paglabas ko, hindi niya ako binati o kung anuman dahil busy pa rin siya sa ginagawa niya.

I go near him and sit beside him even if I don't have enough space to sit in. "Ang gandang bahay naman niyan." Ngiting puri ko dahil nagkukulay na pala siya.

Tiningnan niya ako. "Are you sure?"

Tumango ako habang nakangiti pa rin. "Yes! Feel ko na magpatayo ng ganitong bahay o kahit anong bahay basta ikaw 'yung architect at tsaka 'yung makakasama ko ro'n."

Nagkamot siya ng batok at tsaka ibinalik ang tingin sa ginagawa. That gesture.

I faked a laugh. "Jo-joke lang na-naman." Tumayo ako't lumabas ng kuwarto niya't dumiretso sa sala.

Ang sakit lang pala na makita siyang gano'n. Na parang pinapamukha niya na hindi niya talaga kaya.

I am staring at the door until the doorbell rang, but I don't have any strength to go up and look for what's behind that door.

Lumabas si Maverick sa kuwarto niya at tsaka pinagbuksan 'yung delivery boy na may dalang mga box at paper bags na mukhang pagkain ang laman.

Inilapag niya 'yon sa harapan ko bago siya umupo sa tabi ko. "Kain ka muna, Mimbo."

Tumango ako habang nakatingin sa box ng pizza ng Greenwich. "Wala akong gana."

I Tried (HIATUS MUNA)Where stories live. Discover now