"Ahm, sorry. 'Yong lalamunan ko kasi. Anyway, nagugutom na ako. Mabuti pa kumain na tayo baka ma-late ka pa sa trabaho mo."

After the breakfast with Cosmer's family ay bumalik na kami sa kuwarto ni Cosmer. Good thing I survive the meal. Wala naman kasing interogation na nangyari, konting tanong lang about us thinking the church wedding since walang nangyaring ganoon. Habang paakyat kami ng hagdan, Cosmer opened a conversation. It's about Collin. He looks so aggitated thinking that Collin is here and I am staying here too.

Cosmer requested if puwede ko raw bang iwasan si Collin, para na rin sa katahimikan niya at katahimikan ng lahat. I felt so unfaithful dahil kailangan pa talaga sabihin ni Cosmer ang ganitong bagay. I am married with him when that kissed with Collin happened but I am not awared of what happened. In guiltiness, I answered yes.

PAGKAALIS ni Cosmer ay dumiretso ako sa kuwarto niya. Magkukulong na lamang ako rito para mas effective at hindi awkward ang pag-iwas ko kay Collen. Isang oras pa lang ang lumilipas ay hindi ko na matagalan ang apat na sulok ng kuwarto.

Lumabas ako ng kuwarto at dumiretso sa kuwarto para mag-ayos. I am planning to go out. Pupunta na lang ako sa cafe ni Jana rather than staying at the mansion while trying to avoid Collin and Cosmer's parents.

Nasa kotse na ako nang maisipan kong bisitahin muna si Cosmer sa office niya. Sa pagkakaalam ko nasa main branch ng hotel ang office niya at kung saan siya naglalagi. Sobrang focus ako sa pagmamaneho nang biglang may narinig akong malakas na busina sa likuran ng kotse. Parang busina ng malaking truck. Parang naging isang malaking trigger iyon sa akin.

Napa-preno agad ako habang habol habol ang hininga. Sobrang bilis ang tibok ng puso ko kaya naipatong ko ang ulo ko sa manibela nang bigla ay may mga imahing lumalabas sa isipan ko.

It was me laying on my bed while busy on my laptop. Isang social media application ang nasa screen ng laptop ko. I was enjoying the alone time when suddenly a notification bell of my phone hugged the silence of the room. Nasa tabi ko lang ang cellphone ko kaya agad kong kinuha iyon. Pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang isang Telegram message. The user is anonymous.

Thinking that it was just a meme video, plinay ko iyon. Magulo ang lugar, I guess nasa bar ang setting. Maingay masyado ang music at hiyawan ng mga tao.

Biglang nag-zoom ang camera at nag-focus iyon sa babae na nakaupo sa hita ng lalaki. Is this rated 18? Paharap ang upo niya sa lalaki kaya hindi ko kita kung sino ang babae at lalaki. Puno ng hiyawan ang paligid. Biglang gumalaw ang camera palapit sa right ang dalawang bida kuno sa video. Gusto ko mang patayin na ay nangibabaw ang curiousity ko lalo na at pamilyar ang mga boses na naririnig ko.

I was clueless the whole time but when a familiar face of Cosmer show on the screen. Saka ko lang din nakilala ang babaing nakapatong sa kaniya. It was Jona, Jana's sister. Napabalikwas ako ng bangon at muling inulit ang video. It was indeed Cosmes and Jona. Cosmer cheated on me.

Nasa isang familiar na kuwarto ako habang tulalang umiiyak pagkatapos panuorin ang video. Parang wala ako sa sariling tumayo ay kinuha ang car key at lumabas sa condo? I do have a condo? Is that even my condo? Dumiretso ako sa elevator hanggang bumiyahe ako. Dito na ba ako maaksidente?

Lumipas ang ilang minuto hanggang sa huminto ang sasakyan sa pamilyar na hotel, ang main branch ng Carreon Hotel. Dumiretso ako hanggang sa marating sa isang opisina. Nadatnan kong kausap ni Cosmer ang sekretarya niya and he was shocked to see me. Ano ba ang ginagawa ko rito?

Pagkatapos palabasin ni Cosmer ang sekretarya niya ay agad siyang lumapit sa akin pero bago niya pa ako mahawakan ay dumapo na ang kanang kamay ko sa pisngi niya. Malutong at matunog...

She's The Billionaire's Obsession Book 1Where stories live. Discover now