Ang boring. Ang tagal na din di namin naguusap ni Zseph. Test namin today. Half day kami. Naisip nilang maginuman after the test. Hayy may test pa bukas guys. Baka nakakalimutan nyo. Pero okay lng matutulungan din ako neto maging masaya ng kahit papano pati makalimot.
Sa bahay ng friend ko magiinuman kami kami ni Elisha, King, Raymond, Fia. The bar apple vodka yung binili namin. Rounds ang ginawa namin so isang baso lang. Sinamahan ng chaser. At yun na.
Nagsimula sakin. Dinamihan nila ng sobra, since ako nga yung sobrang problemado tapos sundo sunod na. Si Elisha hindi nainom. Tumatakas sya. Ang daya. Hanggang nagsuka na si Raymond. Tas ako na yung last shot. Sobrang tipsy nako. Tapang eh. Binuhos kase nila lahat ng ntitira eh madami pa. Tas sobrang onting chaser. So yun nagsuka ako sa Cr nila ng mga three times hanggang di ko na talaga kaya. Nagpahinga muna ako ng onti. Tas nung uuwi nako, hilong hilo ako.
Pagdating ko sa bahay sakto walang tao. Kung sino sino din yung mga tinawagan ko. Hanggang natawagan ko yung Kuya nya kase dati pinantawag nya sakin yun. Akala ko sya yung sasagot pero yung kuya nya yung sumagot. Nagusap kami na parang sya yung boyfriend ko. Yung tipong inalagaan nya ko that day na kinakantahan nya pa ko para lang maging okay ako.
After ng paguusap namin ng kuya nya that day lagi na kaming naguusap na parang wala lang pero madalas din kaming nagaaway. Pinagselosan na nga ako ni Jane eh. Tas ang kapal nya pa. Winarningan nya pa ko na baka magkagusto ako sakanya. Syempre hindi noh. Ex ko yung kapatid nya eh. Hanggang kuya lang talaga yung tingin ko sakanya.
YOU ARE READING
Long Distance Relationship
Teen FictionThis is a story about Long distance love. Bakit ba may nagtatagal sa gantong love? Ano ba ang pinaka mahirap na long distance relationship? Pano pa kaya ang love na ang nagseseparate na sa kanila ay Langit at lupa. Mismong si God. May magagawa ka pa...