0 ~ awake from nightmare

69 11 0
                                    

Prologue : "awake from nightmare"

✿✿✿

Joy's Point of View

(6 years ago)

   People come and go, that's how life works.

   "May bago dito?" naririnig ko na naman ang bulungan ng mga nurse.

   "Oo, dalawa. Mabuti nga at may kasama na ulit si Joy, kakaalis lang nung isang bata dito." pinipilit kong pumikit, pinipigilang umiyak.

   "Kaawa naman si Joy, halos pagkabata niyan dito na nanirahan sa hospital."

   "Kaya ayun, hindi na nagawang makipagkaibigan."

   "Walang magagawa, kada surgery palpak," niyakap ko ang unan ko ng mahigpit.

   Pinipilit kong hindi makagawa ng kung ano mang tunog dahil ilang segundo nalang ay maari akong humagulgol.

   Alam kong.. palpak ako. Nagiging dagdag lang ako sa problema nina Mama at Papa. Dapat kasi... dapat kasi..

   "Dapat kasi hinahayaan nala—" nagulat ako ng biglang tumigil ang pagsasalita ng mga nurse at isang malakas na tunog ng pinto ang tumunog.

   Lumabo ang panrinig ko sa usapan ng dalawang nurse dahil sa harang ng pinto.

   Pinunasan ko ang mga mata ko bago bumangon sa pagkakahiga.

   Habang kinukusot ko ang aking mata na kunwaring kakagising lang, tumingin ako kung anong nangyari sa pinto.

   Madilim..

   Ang tanging ilaw lamang sa malaking glass sa pinto ang pinagmumulan ng liwanag.

   Pagkakita ko ay may taong nakatayo sa pinto habang hawak-hawak ang doorknob nito at nakatingin sa'kin.

   "A-anong meron?" aking pagkukunwari na kakagising lang at kinukusot ang aking mga mata.

   Kahit madilim ay kitang kita ko ang pagngiti niya,
"Wala.." sabi niya na parang pinepeke niya lang rin.

   Hinila niya ang pangbukas ng lampara sa tabi ng kama ko kung kaya't lumiwanag. Kitang-kita ko ang mukha niya.

   "Ako si Ash, bagong kasama mo rito." ngumiti siya at ipinakita niya ang kanyang kamay para makipagshake hands sa'kin.

   Hindi pa 'to nakakatagal sa hospital, laki ng iningingiti niya e.

   Suminghot ako bago hawakan ng basa kong kamay ang kamay niya.
"J-joy.."

✿✿✿

When will I wake up from this nightmare?

   Nakita kong lumabas sina mama sa office ng doctor.
"Ma.." nakangiti kong bati kay Mama kasabay ng yakap ko sa kaniya.

   Sa pagkakayakap ko na iyon ay narinig ko ang hagulgol ni Mama sa likod ko. 

   "M-ma ano raw po.. o-okay na ba ako?" nagsimulang tumulo ang luha ko.

   Nanatiling humahagulgol si Mama kaya't tumingin nalang ako kayna Kuya.

   "S-sabihin niyong okay na ako.." pinilit kong ngumiti habang tumututol ang tumutulong luha ko.

   Tinanggal ni Mama ang pagkakayakap niya at tumingin sa'kin na namumula ang mata kakaiyak, 

   Ngumiti ito saka tumango. Agad akong nabigla.

   "G-galing ka na 'nak.." nanlaki ang mga mata ko at lalong umagos ang mga luha sa aking mata.

   "n-nakayanan mo ang lahat, mahal na mahal kita 'nak. H-hindi ka na maghihirap."

   Hindi ako makapaniwala at idinaan nalang ang lahat sa iyak.

✿✿✿

I guess I woke up...

   Tatakbo akong pumunta sa room ko. Pagkabukas ko, nakita ko si Ash kasama si Arielle na naglalaro ng mga barbie doll.

   Ngumiti si Ash nang makita ako, tumayo agad siya at niyakap ako.

   "Anong balita..?" nakangiting tanong nito at tinitigan ako.

   Isang taong mahigit, nakakayanan niya pa ring ngumiti.

   Humagulgol ako sa kaniyang mga yakap,
"M-makakaalis na ako dito.."

   Tinanggal niya ang pagkakayakap niya at nakita ang nagluluha niyang mata,
"Tunay?!"

   Pinunasan ko lang ang luha ko dahil kanina pa akong umiiyak,
"Makakauwi ka na! 'Di ba pangarap mo yun?" tinapik tapik niya ang dalawa kong braso at tumalon-talon.

   Halos isang taon na kaming naging magkaibigan, sabay nagtiis na makita araw-araw ang puting dingding tuwing gigising, kasama si Arielle.

   Tumango-tango ako,
"B-bibisita ako sa inyo palagi, promise."

✿✿✿

I late realized, 
I didn't really wake up at all..


   I lie on my bed. 

   Seeing the white ceiling makes me already sick.

   "Ate.." mabilis akong napaupo sa kama ko at tiningnan si Arielle.

   Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil-pisil ito. Kasama ang mga namamaga niyang mata. She was already in her puberty that cause her to have little acnes.

   She's still here in hospital, it was.. six years passed.

   "You'll no longer be lonely again." I tried to fake my smile.

   She started to tear up, a bitter smile twisted in her lips.
"Bakit ngayon ka lang?"

✿✿✿

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 2 hours ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

sweet nightmare; well spentWhere stories live. Discover now