Requiem #53

123 4 0
                                    

Chapter 53

(The Other Side of the Past)


Nagpatuloy sila sa pang-aasar sa isa't isa kahit pa may kaseryosohan at may kaakibat na kirot sa puso ang kanilang usapan. Nag-aasaran sila sa isang seryosong paraan kung saan walang gaanong bahid ng tawa o ngiti. Hindi mapagkakailang unti unti silang nakakapag-adjust sa kanilang sitwasyon. Hindi maipagkakailang unti unti nilang nababawi ang dati nilang relasyon.


Nang humupa ang kaniyang ngisi ay napailing si Valter habang nakatingin sa sahig. Ramdam niya ang titig ng kakambal sa kanyang harapan at alam niyang nanatili ang paghanga nito sa kanya sa kabila ng lahat ng nangyari. Kinuha niya ang pagkakataong ito upang makapag-usap na nang maayos sa wakas. Sa nakalipas na araw ay puro problema pa rin ang kinakaharap ni Clade at Ariadne kung kaya't hindi siya makakuha ng tiyempo upang kausapin ang kapatid.


Nagpapasalamat tuloy siya kina Aleksandar sa maagang pag-alis ng mga ito upang bigyan sila ng pagkakataong makapag-usap bilang magkapatid.


"I feel like you have a lot to say, Valter." Mababang boses na saad ni Clade sa kanyang harapan.


Tila nagbalik siya sa realidad at nag-angat ng tingin. Bahagyang umangat ang gilid ng kanyang labi habang nakatitig kay Clade. "You can still read me so well without fail, huh?"


Wala namang naging reaksyon si Clade. Muli siyang napailing nang mapagtantong mas naging kaugali na niya ito kaysa sa ugali nito noon. Sa pagkakatanda niya ay malumanay at palangiti si Clade noong mga bata pa sila. Hindi niya maiwasang sisihin ang kapalaran dahil sa pagnanakaw nito sa kasiyahan ng kanilang pamilya noon... na siya ring rason kung bakit ganito kadilim ang buhay at pagkatao nilang dalawa ngayon.


"Spill it," seryosong saad ni Clade.


Bumuntong-hininga siya at walang nagawa kundi mag-umpisa na sa mga sasabihin. Napakarami noon. Halos buong buhay nila ay hindi sila nagkasama. Mas maraming taon pa ang magkahiwalay sila kaysa magkalapit. Kung maaaring buong magdamag sila rito para lang makwento sa isa't isa ang lahat ng hindi nila naranasan ng magkasama ay gagawin nila ng walang pag-aalinlangan. Lahat ng nakaligtaan nila sa buhay bilang magkapatid ay pareho nilang kinasasabikan.


"First of all... I would like to properly apologize for everything that I've done to you and your family before. I know I already explained it to you, that I did all of those things to actually help you. Still, I realized that it was such a crazy idea to do that to my own brother. I should've just thought of a better plan to help you. To test your capabilities..."


Saglit siyang natahimik nang mapansin ang hindi natitinag na seryosong titig sa kanya ni Clade. Hindi niya makuha kung bakit siya biglang nakaramdam ng lamig. Dati nama'y siya ang mas nakakatakot na tumingin sa kanilang dalawa.


"I've already heard your apology and explanation before. I just didn't want to open my heart to listen to you because of my anger and grief. But I understand everything now, Brother... You don't have to ask for forgiveness anymore, especially that you already made it up to your mistakes by taking care of my family after I disappeared and by saving me from the enemies. That's good enough for me as an apology." 


Pilit niyang itinago ang tuwa sa kanyang mukha dahil hindi siya sanay sa ganoong pakiramdam. Ayaw niyang magpakita ng positibong emosyon sa ibang tao... maging sa kapatid niya mismo dahil doon siya nasanay. Sa nakalipas na ilang dekada ay puro negatibo lamang ang nararanasan niya. Mas kaunti ang mga positibong bagay. Ngunit... ang mga sinabi ni Clade ay sapat na para basagin ang yelong bumabalot sa kanyang pagkatao.

Russian Requiem (Book 2 of RR Trilogy)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن