“Sino ang taong gustong kumausap sa atin, Gabriel? At bakit?” tanong ko.

Nasa biyahe na kami patungong San Vicente airport. Ngayon ko lang naisipan magtanong sa kaniya dahil kanina pa siya tahimik at tila malalim ang iniisip.

“How long has she been staying there?” he asked instead of answering me and I know he was referring to Angelique.

Itinuon ko ang atensyon sa medyo lubak-lubak na kalsada ng San Vicente. Nakasakay kami sa isang pampasaherong van at kaming dalawa lang ang pasahero.

“Kagabi ko lang siya nakita sa shop. Ang sabi niya ay nung isang araw lang siya dumating mula sa States at dito na dumiretso para... magpahinga.” Sandali ko siyang nilingon.

Walang reaksiyon ang mukha niya. Hindi na ako nagsalita pang muli dahil ayaw kong makadagdag pa lalo na’t mukhang si Angelique ang laman ng isip niya.

Nababalot man ng kuryosidad ang isip ay minabuti ko na mamaya na lang itanong sa kaniya kung sino ang gustong kumausap sa aming dalawa. I really don’t have any idea in my head. Imposibleng isa sa mga kamag anak niya.

Ibang tao? Pero sino?

Mabilis ang naging biyahe. Gabriel bought me a ticket and in just a matter of time, we are already back in Manila. How the smell of polluted air suddenly made me remember those times that I was here.

“Here, Chloe.” sabi ni Gabriel nang ituro sa akin ang itim na Sedan.

Sumunod ako nang walang imik. Inilagay niya ang travelling bag sa back seat at pinagbuksan ako ng pintuan. I went inside and watched him jogto the other side with furrowed brows.

Hinintay ko siyang makasakay sa driver’s seat at nang naroon na ay huminga ako nang malalim.

“May I ask you now who we are going to talk to? Kanina ko pa gustong malaman pero mukhang malalim ang iniisip mo.”

He was already maneuvering the steering wheel when he gave me a quick glance. Nagbuntonghininga siya.

“I’m sorry. I just didn’t expect to see Angelique back there...” he answered. “Doctor Larey Clemente, a Medical Geneticist, wants to talk to us. His wife called me yesterday. She was asking for the wife of Samael... that her husband needs to talk to you. Maging ako ay gusto rin kausapin. I asked her what the reason is all about but she didn’t tell me anything.”

A Medical Geneticist? Anong kailangan niya sa amin ni Gabriel? At bakit gusto niya kaming makausap?

“He’s a family friend. Kaibigan sila ni Lola Carmina. May katandaan na rin at hindi ko naman na gaanong nakikita.”

Hindi ako nakapagsalita. Pilit kong hinahanap sa isipan ko ang sagot sa mga katanungan ko.

“He’s the one who performed the DNA test between Hannah and Samael, Chloe.”

Nanigas ako sa kinauupuan ko nang marinig ang huling sinabi na ‘yon ni Gabriel. Biglang nanuyo ang lalamunan ko saka salubong ang kilay nan nilingon siya. His jaw was clenching while staring darkly at the road.

“W-What does he n-need from us?” I asked, my voice almost drowned from the ocean of curiosity.

“We need to find out...”

Tila bumilis ang tibok ng puso ko. Nanglamig ang aking mga kamay lalo na dahil sa kaalaman na ito ang doktor na nagsagawa ng DNA test ni Hannah at Samael.

May dapat ba akong malaman? Kung mayroon... may kinalaman ba ‘yon kay Hellios at Hannah?

Sa isang village sa Makati kami dumiretso ni Gabriel. Halos maghabulan ang pintig ng puso ko kahit na wala pa mang nakakausap. I don’t know but I have a strong feeling that something isn’t going on right.

Suarez Empire Series 1: My Heaven In HellWhere stories live. Discover now