MHIH 36

29.3K 1.1K 57
                                    

Sinubukan ko na huwag intindihin ang sinabi ni Hannah kanina. Pakiramdam ko ay may iba siyang ibig sabihin roon. Or maybe, I am just overthinking because I’m jealous of her. Pipilitin ko na huwag ‘yon bigyan ng ibig sabihin. Lalawakan ko ang pag-intindi ko at hindi hahayaan na mag-isip ng hindi maganda.

“Congrats! Didn’t see it coming, huh?”

Mabilis akong napalingon sa gilid nang marinig ‘yon. Gabriel was sitting beside me, a smile was attached on his lips. Ngumiti ako pabalik.

“Thanks. But what do you mean by that?”

“That I didn’t see it coming?” natawa siya. “The marriage thing. I thought you two are still enjoying the boyfriend-girlfriend thingy but it seems that my cousin already want to chain you with him.”

My lips stretched out into a soft smile. “It’s a mutual understanding, Gabriel. Ginusto ko na rin ang pakasalan siya. I can’t see myself falling in love with another man…”

Tiningnan ko si Hellios mula sa malayo. Naroon pa rin siya, nakikipag-usap sa isang matandang negosyante.

“I have never prayed for a man like him. Wala naman sa isip ko ang magkaroon ng nobyo. I was too focus on my family and serving the Lord. Kaya nga nung unang beses na sabihin sa akin ni Hellios na gusto niya ako ay hindi talaga ako naniniwala,” sabi ko habang nangingiti.

“I can’t blame you. Sa aming dalawa, siya ang madalas na sinasabing hindi gagawa ng matino. He is always the one who doesn’t take things for serious. The badass. But he’s not. If you get to know that man, you will see the kindness behind his cold eyes.”

Lumawak ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya. I couldn’t agree more with him. Iniisip ng iba na hindi mabuting tao si Hellios lalo na at marami itong tattoo sa katawan.

From the very start, I knew that he’s a kind person. When he helped me from the bad guy in the coffee shop, I already thought of him as my angel. As I get to know him better, mas lalo ko napapagtanto na ako ang masuwerte na nakilala ko siya… na minahal niya ako.

“The devil is already coming.” Gabriel said while laughing.

Sa lalim ng iniisip ay saka ko lang napansin na tama siya. Papunta na nga dito si Hellios habang titig na titig kay Gabriel at salubong pa ang makakakapal na kilay.

When he’s already nearing us, I smiled at him. Tumayo si Gabriel, saktong dating ni Hellios. Mula sa akin ay bumaling siya sa pinsan niya at matalim itong tinitigan.

Gabriel raised his hand and chuckled. “What? I was just congratulating your wife. Stop being like a jealous fucker-”

“Your mouth, Gabriel.” sita ko sa mahinang boses.

Sabay na tumingin sa akin ang magpinsan. Si Gabriel, nangingisi habang kagat ang ibabang labi at si Hellios, mas lalo pang dumilim ang titig.

“Sorry. Won’t happen again when you’re around.” Gabriel smiled.

“Go away and find someone else to talk to.” masungit na sabi sa kaniya ni Hellios na mas lalo niya ikinatawa.

Naupo si Hellios sa tabi ko at ipinulupot ang kamay sa aking bewang bago ako marahang inilapit sa kaniya. Gabriel smirked when followed where his cousin’s hand is.

“Possesive,”

Nilingon ko si Hellios at nahuling nakataas ang gitnang daliri niya. He caught me glaring at him. Binaba niya ang kamay at inirapan ang pinsan.

I didn’t know that he was serious when he said that he’s jealous of his cousin. Wala akong nakikitang dahilan para magselos siya. He knows that I’m friends with him. Hindi ba dapat ay hindi niya na ito pagseselosan lalo pa at asawa niya na ako?

Suarez Empire Series 1: My Heaven In HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon