MHIH 33

30.8K 1.4K 120
                                    

I am so much aware of what would happen next after a couple got married. At sa totoo lang, nakakaramdam ako ng kaba ngayong nasa veranda kami ng kwarto ni Hellios. Sa kwarto niya.

Normal lang naman na gawin namin ‘yon, hindi ba? Lalo na at kung may basbas na ng Diyos. We got married in the church. Wala man ibang nakasaksi bukod kay Raphael, matatawag ko pa rin na sagrado ‘yon lalo na at narinig ko ang mga salita Niya.

“Are you happy?”

Hawak ang aking kamay habang pinagmamasdang ang nagliliwanag na mga gusali sa malayo, tahimik akong ngumiti.

“More than you could ever imagine. Pakiramdam ko ay masiyadong mabilis ang lahat sa atin,” sabi ko nang hindi siya tinitingnan. “Pero pakiramdam ko, tama lang din dahil doon naman tayo pupunta ‘pag hindi nagtagal.”

“Nang tanggapin mo ang alok ko pakasalan ka, wala akong ibang naisip kung hindi ang dapat ‘yon matuloy kahit na ano’ng mangyari. I pulled some strings to give you a wedding I knew for sure you’d be happy. Hindi man kita tanungin, alam ko na sa simbahan mo gusto ikasal.”

Nilingon ko siya. The cold night breeze was blowing his hair dramatically.

“How did it happen? Kagabi lang ako pumayag sa alok mo. Naikasal na kaagad tayo. I have so many questions in my mind right now.”

He chuckled and glanced at me. Sa tuwing lalapat ang mga mata ni Hellios sa akin, simpleng tingin man o titig, pakiramdam ko ay nagagawa niyang pasukin ang buong pagkatao ko.

“Ask away.”

I breathed out and looked at the burning city lights.

“How did you manage to do that all in a just a day? Si Raphael, kinuntsaba mo siya?”

“Yes. I told him my plans when you were already sleeping last night. Your brother was damn ecstatic about the news,” he chuckled. “The the venue, it’s a memorable place for me. Naisip ko na magugustuhan mo rin ang simbahan na ‘yon. Sorry I didn’t ask for your permission.”

“No, it’s fine. You are right. I love the church. Iba ang ambience niya kumpara sa ibang simbahan na napuntahan ko.”

“Hmm. About the Priest, he’s a family friend.”

Tumango-tango ako. “Nang alukin mo ako ng kasal, aaminin kong inisip ko na kaagad kung saan tayo puwedeng magpakasal na kumportable ka at hindi lang ako. Sure I wanted a church wedding but I know that you’re not really comfortable going inside. Sabi ko, kahit saan. Wala namang pinipiling lugar ang Diyos. At saka, basta ikaw ang pakakasalan ko ayos na kahit hindi sa simbahan.”

I felt him kiss the back of my hand. Nilingo ko siya at ngumiti. He was already staring at me with his dark hooded eyes.

“Do you want to know why I don’t believe Him?”

Napukaw ng tanong na ‘yon ang atensyon ko. Noon pa man, iyan na palaging tanong sa isip ko. Kung bakit tila galit na galit siya sa langit. I did not dare to ask him that because I don’t want him to think that I am meddling with his life.

Tinitigan ko siya nang maayos. He was now serious but his reaction wasn’t really hard. He exhaled and looked ahead of us like whatever he will be saying makes him uncomfortable.

Suarez Empire Series 1: My Heaven In HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon