MHIH 57

26.8K 1.1K 101
                                    

Chapter 57

Hellios didn’t let me escape him for the past years. Like a sinner who is indebted to the devil, he was always around no matter how far I go.

Unang taon pa lang namin ni Embry sa Palawan ay sinundan niya na kaagad kami. I don’t have to ask how he found out our new place because I was sure that it was my family who told him.

Nagulat ako noong una. Naroon pa rin ang matinding galit lalo na at sariwa pa ang mga pangyayari sa akin noon. Kaya nga ako nagdesisyon na hiwalayan na siya at iwan ang buhay ko doon kasama siya ay dahil hindi ko maatim ang ginawa niyang pangloloko sa akin.

But then he only gave me a short time to move on. Sa mga lumipas na taon, nagpabalik balik siya ng Manila at Palawan. Nakiusap siya sa akin kung puwede niyang lapitan ang bata. Hindi ako gano’ng kasama para ipagkait sa kaniya ang anak namin pero hindi ibig sabihin ay papayag na akong bumalik kami sa dati.

Hindi na mangyayari ‘yon.

I let him visit our daughter. I let him take care of her. But we never talk about us. Ni hindi niya ako nilapitan para magtangka na kausapin ako. Masaya ako na alam niya ang limitasyon niya. He can be with Embry as long as he wants but there will be no more chance for us to get back to each other even though I am still in love with him.

Pero hanggang doon na lang ‘yon. Unless a proof will come out that Hannah’s baby isn’t his. Kung mangyari ‘yon, ako mismo ang lalapit sa kaniya para makiusap na magkabalikan kami. But the situation doesn’t revolve around that. Nariyan na ang DNA test.

Dinaya? I doubt that. Family friend ng mga Suarez ang doktor na nagtest kay Hellios at Hannah. Siguradong walang pagkakataon si Hannah para dayain o suhulan ang doktor na ‘yon.

“Masama ang tingin sa akin ng asawa mo.” humalakhak si Kenneth pagkalabas mismo ni Hellios.

“Dating asawa, Kenneth. Hindi na kami nagsasama-”

“Pero kasal pa rin kayo. Unless you two both want to file an annulment then there’s a chance na mawalan ng bisa ang kasal n’yo. Have you tried to ask him that?”

“Isang beses. Hindi siya pumayag.”

Itinuon ko ang atensyon kay Embry na ngayon ay abala sa pagbubukas ng kahon ng barbie doll niya. Napupuno na ang kwarto namin ng mga laruan na binibili sa kaniya ni Hellios. Hindi ko na alam saan pa ilalagay ang mga bagong laruan niya.

“If I were your husband, I surely won’t let you break up with me, too.” Kenneth chuckled.

Bumuntonghininga ako. Sa sobrang galit ko noon ay minsan ko nang hiniling kay Hellios ang diborsyo pero kagaya ng inaasahan ay hindi siya pumayag. Ano pa raw ba ang gusto ko? Lumayo na kami ng anak niya at lahat... bakit pati daw ‘yon ay hinihiling ko?

Oo nga at lumayo kami. Pero sumunod siya. Nakikita ko pa rin siya. At imbes na makalimutan ko na siya at ang pagmamahal na mayroon ako sa kaniya, hindi tuloy nababawasan kahit na kaunti.

“Pipilitin mo ang babae kahit na ayaw na sa’yo?” tanong ko, bahagyang nakataas ang kilay.

Bahaw siyang natawa.

“Galit ka lang pero mahal mo pa rin, Chloe. Ganiyan talaga sa isang relasyon. May pagsubok at hindi ‘yon mawawala. It just happened that the kind of challenge that was thrown on you was too much.”

Huminga ako nang malalim. I looked at Embry. Habang lumalaki ay nagiging kamukha ko siya, salungat sa itsura niya nung sanggol siya. She looked so much like Hellios when she was young. Nakakamangha na nag iba na ‘yon sa paglipas ng panahon.

Suarez Empire Series 1: My Heaven In HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon