MHIH 6

37.8K 2K 518
                                    

Binalot ako ng matinding hiya habang nasa mahabang mesa kami Raphael kasama ang pamilya ni Lola Carmina at kumakain. Hindi naman ganito ang pakiramdam ko kanina nung dumating pero ngayon ay tila nakalubog ang mga paa ko sa lupa.

“Are you okay, ate?” Raphael whispered that question on my ear.

Pasimple ko siyang tiningnan at tipid na ngumiti. “Yup. Don’t worry about me.”

Someone was staring at me, I could feel it. Masiyadong mabigat ang tingin at tila ba hinahatak ako noon para tingnan siya pabalik. So when I raised my eyes to see who it was, I met Hellios’ piercing gaze. He’s sitting across me, beside his girlfriend.

Simula nang dumating sila ay napapansin ko palagi siyang nakatingin sa akin. Alam ko dahil palagi rin naman akong nakatingi sa kaniya. Kapag sinusubukan kong ngumiti, mag-iiwas lang siya ng tingin. Pakiramdam ko tuloy, hindi niya gusto na nandito ako. Maling ideya nga ata na narito kami ni Raphael.

“Please feel at home, Chloe and Rafael. Huwag kayong mahihiya. Espesyal na bisita ko kayo.” Si Lola Carmina dahilan para maputol ang titig ko kay Hellios.

I smiled at her. “Thank you po, Lola.”

“Nga pala. Ayan na si Hellios. Hindi ba at hinahanap mo siya nung huling kita natin?”

Halos bumagsak ang lahat ng dugo sa talampakan ko nang sabihin ‘yon ni Lola Carmina. My eyes blinked repeatedly, couldn’t be able to search for an answer. Nanglalamig ang mga kamay ko nang tingnan si Hellios at nakitang nakataas ang isang kilay nito habang nakatingin sa akin. At nang si Florence naman ang tingnan ko, pansin ang iritasyon sa mga mata niya habang nasa akin rin ang atensyon.

Naku, huwag naman sana niya bigyan ng malisya ang sinabing ‘yon ni Lola Carmina. Baka isipin niyang may kung ano kaya ko hinahanap si Hellios.

Puno ng alinlangan akong tumingin pabalik kay Lola Carmina at ngumiti.

“Uh, wala naman po, Lola. Naitanong ko lang po dahil siya po ang madalas na sumusundo sa inyo kapag natatapos na misa.”

“He’s usually busy with our company that’s why he can’t be with his grandmother most of the time.” sagot ni Mrs. Empress na sinuklian ko lang ng ngiti.

“Plus Hell isn’t really a religious person. Mabuti nga, Ma, at napapapasok mo ‘yan sa simbahan. Kapag kay Empress ay todo tanggi iyan.” si Mr. Steve naman ang nagsabi no’n, ang Papa ni Hellios.

Why do they keep on calling him Hell? Hindi naman siya mukhang demonyo.

“Nako, ang anak niyong iyan ay parang pusang hindi mapaanak kapag nasa loob ng simbahan. Hind mapakali. Parang masusunog!”

Natawa ako sa naging sagot na ‘yon ni Lola Carmina. Ganoon rin kasi si Hellios nung nasa kwarto ko, parang takot na takot sa mga santo at tila ba masusunog nga.

Tiningnan ko siyang muli at naabutan na namang nakatitig sa akin. This time, sarcasm was laced with his eyes as if he’s silently asking me why I am smiling.

“That’s why he needs someone that will change him and make him believe that God truly exists.” Si Mrs. Empress.

“Mama. Nasa harap mo si Florence.” sita ni Hellios.

“What? Did I say something offensive? Nagsisimba ka naman siguro, Florence, hindi ba? Baka puwede mong impluwensyahan ang anak ko na bumalik sa Diyos—”

“What’s with you and your crazy beliefs about Him? Does not believing in religions invalidates me as a person? Kalokohan—”

“Hellios,” tawag ko sa kalmadong paraan. “Nasa harapan tayo ng biyaya ng Panginoon. Huwag mo sanang mamasamain pero kumalma ka.”

Suarez Empire Series 1: My Heaven In HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon