Pinalis ko ang luha sa mga pisngi ko bago nagdesisyon nang tumalikod at lumabas ng kwarto. With a heavy heart, I pulled the door and glanced at the room a little more. Huminga ako nang malalim bago ito tuluyang isinara.

Bumaba ako ng hagdan. Nakaabang na sa akin sina Papa at Mama kasama si Raphael at Embry. Sinamantala ko na wala si Hellios dito dahil mas lalo lang bibigat ang sitwasyon sa aming dalawa kung aalis ako na narito siya.

I don’t want to bid my goodbye personally. Sa sulat ko na lang dinala ang pamamaalam ko. Iniwan sa tabi ng picture frame kung saan kaming dalawa ang naroon.

“Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Chloe? Ayaw mong hintayin muna siya bago kayo umalis?” tanong ni Papa sa akin nang nasa sala na ako.

Tipid akong ngumiti. “Hindi na po. Mahihirapan lang ako.”

“Kung mahirap pala para sa’yo ang iwan ang asawa mo, bakit mo pa gagawin?” si Mama.

“Hindi po ako sigurado kung kaya ko pa manatili sa pagsasama namin, Mama. Kung mali man po itong gagawin ko, hayaan n’yo po akong pagsisihan ito pagdating ng panahon. Pero sa ngayon, ito po ang gusto ko.”

“Miss, how much is this Mama Mary bracelet?”

Mabilis na bumalik sa kasalukuyan ang isip ko nang marinig ang tanong na ‘yon. Pinilit kong huwag hayaan tumulo ang luha mula sa mga mata ko at tumayo para harapin ang customer na babae.

I walked towards her. She’s busy looking at the bracelets I made.

“These are so good. Ikaw ang gumawa?” dagdag na tanong niya pa.

“Yes, Ma’am. I personally made all the items here. And about this bracelet po, this is 760 pesos comes with a gift box.”

“Ang galing-galing mo naman. No wonder this shop is the talk of town here in Palawan. Tamang tama dahil magpapasko at puwede ko itong ipang regalo pag uwi ko ng Manila.”

“It’s a perfect gift for the people you love, Ma’am. Mayroon rin po kaming para sa mga lalaki. Naroon po sa bandang ‘yon.”

Itinuro ko ang estante malapit sa entrance. Sinundan niya ‘yon ng tingin bago ngumiti.

“I’ll check that one later. For now, please help me choose the perfect stones according to their personalities. Okay lang ba?”

Ngumiti ako. “No problem, Ma’am. It will be my pleasure to help you.”

Maraming naging tanong ang customer sa akin. Sa kabila no’n ay nag enjoy naman ako dahil gusto ko ang ginagawa ko.

For the last three years, this is what I do. Nagtayo ako ng sariling shop kung saan ipinagpatuloy ko ang pagbebenta ng mga rosary bracelets. Tinulungan ako nina Mama at Papa makapagsimula ng bagong buhay dito sa San Vicente Palawan kung saan mayroon kaming lupain na nasa malapit lang rin sa dagat.

Pinalad ako at madaling nakilala ang maliit na negosyo. Siguro ay dahil wala akong kaparehas at kilala ang San Vicente sa mga magagandang lugar dito sa Palawan. I worked hard to earn a living. Dito ako kumukuha ng panggastos para sustentuhan ang pamumuhay namin ni Embry kahit na hindi na kailangan dahil sa mga bigay niya.

Hindi ako umaasa doon. Kahit na sinong tao ay hindi ko hiningian ng tulong dahil nangako ako sa sarili kong kakayanin ko kahit na lagi siyang nakaalalay sa akin.

Bagay na hindi ko inasahan simula nang lumayo kami.

Lumipas ang maghapon. Masaya ako sa naging benta ngayong araw. Maraming turista ang dumadayo kahit pa hindi naman summer at nalalapit na ang pasko. Kung sa bagay. Kahit naman hindi tag init ay dinadayo talaga ang Palawan. Lalo ang El Nido at ang long beach ng San Vicente.

“Hi, Chloe!”

While computing the sales for today, I lifted my head as soon as I heard that voice. Ngumiti ako nang makita si Kenneth na papasok ng main door ng shop bitbit ang isang box.

“I got your orders.” He smiled.

Binitawan ko ang hawak na calculator at mas lumawak pa ang ngiti dahil sa presensya niya.

“Mukhang may pa-sobra na naman ‘yang dala mo, Kenneth. Ang laki na ng utang ko sa’yo!” natawa ako.

“Utang? Wala akong matandaan na ipinapautang ko ang lahat ng ito,” aniya at ibinaba ang box sa ibabaw ng mesa ko. “You’re paying me for these, right?”

“Oo nga pero masiyadong malaki ang discount. Tapos palagi pang may dagdag.”

“Tss. I don’t mind. Huwag mo na isipin. It’s not like my business will go down because of the discounts I’m giving you.”

Ngumiti ako, hindi na sumagot pa. Kenneth dela Rosa is an elite businessman based on Manila. May ari siya ng pabrika ng pagawaan ng mga perlas pero mas madalas siya dito sa Palawan dahil nandtio ang main branch nila.

I met him a year ago in El Nido. Nasa isang boutique ako at tumitingin ng mga miraculous medal para sa mga bracelet na gagawin ko. I saw a necklace made of pearl and was surprised by its amount. Inisip ko na masiyadong mahal pero nang kilatisin ko ang perlas ay nalaman kong tunay ang mga ito.

I didn’t know that Kenneth was behind me, watching me as I caressed the pearls. He was curious why I have knowledge about it. Nagkaroon siya ng interes dahil sa ganoong larangan umiikot ang negosyo niya.

He offered to be my business partner. Sa kaniya ako kumukuha ng mga tunay na perlas at ang nakakatuwa ay sa murang halaga niya lang ito ibinigay sa akin.

He is a good man. He became my friend and a good companion. Kahit sila ni Embry ay magkasundo rin. Sa tuwing uuwi siya galing Maynila ay palagi siyang may pasalubong dito.

“Ikaw talaga. Kumain ka na ba? Nagluto ako ng carbonara kaninang tanghali. Baka gusto mo?” ngumiti ako sa kaniya.

He shrugged his shoulders. “You know I won’t say no-”

“Mommy! We’re here!!!”

Sabay kaming napalingon ni Kenneth sa main entrance nang pumailanlang ang matinis na boses ni Embry. She was jumping with a gigantic smile on her pinkish lips. Nakabuka pa ang mga kamay habang dala ang isang pink na paper bag sa kamay niya.

“Hi, Tito Kenneth!” kumaway si Embry sa kay Kenneth.

“Hello, pretty Embry!”

Itinuon ni Embry ang tingin sa akin bago itinaas ang paper bag.

“I got a new barbie, Mommy! Look what Daddy bought for me.”

Binuksan ni Embry ang paper bag at sinubukan kunin ang laman noon. Hindi pa man siya natatapos ay awtomatiko akong nag angat ng tingin sa pinto nang matanaw ang matangkad na bulto ni Hellios.

Matiim siyang nakatitig sa akin bago inilipat ang tingin kay Kenneth. For a moment, I saw how his menacing eyes darken.

He moved his gaze back to me. “Hinatid ko na ang bata.”

Isang beses akong tumango. “Salamat.”

We still had an staring match contest before he darted his eyes back to Kenneth. Ilang sandaling nagtagal ang tingin niya doon bago tumalikod at walang salitang nilisan ang shop ko.

Suarez Empire Series 1: My Heaven In HellWhere stories live. Discover now