Ilang beses ko man sabihin sa sarili na hindi ako magagawang lokohin ni Hellios, ipaglaban na ako lang ang babae sa buhay niya, alam kong ilang beses rin akong matatalo.

“Ang daya mo naman. ‘Di ba sabi mo hindi mo ako sasaktan? Sabi mo ako lang ang babae sa buhay mo…” humikbi ako, panibagong luha ang umagos. “N-Nangako ka, e.”

Kumuyom ang mga kamao ko habang nakalapat ito sa sahig. My heart is burning off, leaving me in symphony of pain. Ramdam ko ang matinding kirot sa balakang at tiyan ko pero hindi ko ‘yon binigyan ng pansin. There’s nothing more painful than my heart crying for explanation.

Hellios suddenly knelt down in front of me as he tried to take my hand. I refused and shook my head repeatedly.

“Paano mo nagawa sa akin ito?” muli ay tanong ko bag nag angat ng tingin sa kaniya.

Tear fell down his cheek. His eyes were dark, jaw clenching tight while staring at me. Walang sagot na namutawi sa mga labi niya na mas lalong nagpakirot sa puso ko.

“Bakit, Hellios? Bakit mo ako kailangan lokohin?” Tumungo ako, patuloy na tumatangis habang pilit na sinuntok ang dibdib niya kahit pa nagsisimula na akong mawalan ng lakas. “Nagtiwala ako sa’yo. Sobrang nagtiwala ako sa’yo. Alam mong hindi ako handa sa ganito. Pero g-ginawa mo pa rin. Sinaktan mo pa rin ako.”

Ilang beses ko siyang pilit na sinusuntok sa dibdib kasabay ng malakas na hagulgol ko. Sinubukan niya akong yakapin kahit pa halos magpumiglas na ako. He didn’t dare to let me go no matter how many times I was hurting him.

Nang makaramdam ng panghihina ay kusa na akong huminto at hinayaan na lang ang sarili na umiyak. I let him embrace me. The kind of embrace that is soul breaking and painful.

“Why is this happening to us…” he whispered.

Ikaw lang ang makakasagot sa mismong tanong mo. Ikaw lang ang may kakayahan sagutin kung ano na ba ang nangyayari sa atin. Ikaw lang dahil mismong ikaw rin ang nagsimula nito.

He placed a kiss on top of my head unti he stood up. I didn’t had the chance to ask where he’s going for the pain in my lower back intensified. Na sa sobrang sakit ay hindi ko na napigilan pa ang sumigaw.

“Ah!” impit na sigaw ko habang nakahawak sa aking tiyan, ang hininga ay habol-habol na. “H-Hellios!”

I heard him let out a curse. Mas lalong tumindi ang sakit sa aking tiyan paikot sa balakang ko. Horror filled me when I saw blood crawling down my thighs. Nanginig ang mga kamay ko nang hawakan ang mismong dugo at makita ito sa aking palad.

Bumuhos ang luha mula sa mga mata ko. Binuhat ako ni Hellios mula sa pagkakasadlak sa sahig at nang tingnan ko siya, tila isang delubyo ang namumuo sa mga mata niya.

Another wave of pain rolled through my body that I almost felt dizzy. Mabilis ang bawat hakbang ni Hellios habang papalabas kami ng bahay. I saw Mama Empress talking to her phone and when she saw us, panic immediately washed her face and ran towards us.

“What happened?!” she asked while roaming her eyes all over me. Nanglaki ang mga mata niya nang huminto ito sa mga hita ko. “You will give birth in no time, Chloe.”

“There’s a blood, Mama. Will she be fine?” that question slipped out of Hellios’ lips. Nang subukan ko siyang tingnan ay pansin ang takot sa mga mata niya.

“That’s just normal. Hurry and we’ll go to the hospital. I’ll drive.”

Sa biyahe ay walang ginawa si Hellios kung hindi ang hawakan ang kamay ko at pakalmahin ako sa tuwing hihilab sa sakit ang tiyan at balakang ko. Hindi ko maiwasan ang umiyak sa pinaghalong sakit na naranasan. At sa tuwing pupuslit sa isip ko ang katotohanang niloko niya ako ay mas tumitindi ang kirot na nararamdaman.

Kaya kong tiisin ang pisikal na sakit. Pero ang katotohanang pinagtaksilan niya ako… hindi ko alam.

Nakarating kami sa hospital hindi kalaunan. Sinalubong kami ni Dra. Angelique dahil sa biyahe pa lang ay tinawagan na siya ni Hellios.

“Calm down, Chloe. You and your baby will be fine.” sabi niya sa akin habang nakasakay ako sa wheel chair.

Pumasok kami sa loob ng delivery room, naiwan si Hellios sa labas. I was already wincing in pain and I feel like I will be out of air anytime soon.

“You are now 9cm. We can get the baby out,” she told me after we had an internal examination. “I already felt her head.”

Sa kabila ng hirap na nararamdaman ay tumango ako. Ilang sandali lang at inihanda na nila ako para sa panganganak kay Embry. Mula sa pintuan ng delivery room ay tanaw ko si Hellios na nakatingin sa akin. Ang sabi ng nurse ay kanina pa daw ito nagpupumilit na pumasok para samahan ko.

The moment I found out that I’m pregnant, I have been imagining different scenarios in my head like what his reaction might be when I am already giving birth.

Ang sabi ko pa noon, gusto kong nasa tabi ko siya habang iniluluwal ko ang anak namin, hawak ang kamay at paulit ulit na sisisihin sa harap ng mga Angelique at ng mga nurse dahil sakit na dulot ng panganganak kagaya ng mga napapanood ko sa mga palabas sa tv. Kung paanong isumpa na ng mga misis ang kanilang mga asawa dahil binuntis nila ito.

Pero sa huli, papayag pa rin ako magpabuntis ulit dahil pangarap namin parehas ang malaking pamilya.

Ngunit sa isang pitik ng mga daliri, ang pagkasabik na ‘yon ay napalitan ng pagkamuhi.

“Ma’am, gusto po talagang pumasok ni Sir para samahan kayo.” putol ng nurse sa pag-iisip ko.

“You know we can let him in, Chloe. You need your husband for moral support.” segunda ni Dra. Angelique.

Hindi ko inalis ang tingin kay Hellios. Sa huli, marahan akong umiling at tiningnan ang mga tao sa paligid ko.

“Kaya ko... kahit na wala siya.”

Suarez Empire Series 1: My Heaven In HellWhere stories live. Discover now