“I’m pretty sure the result won’t come out positive. I have never touched a girl aside from you.”

Nilingon ko siya at malungkot na pinagmasdan.

“Paano… kung positive ang resulta? Paano kung ikaw ang lumabas na ama ng batang dinadala niya-”

“That’s not going to happen-”

“Paano, Hellios? Paano na ang pagsasama natin?”

Umiling siya, dumilim ang mga mata. At kahit ang kaunting liwanag lang mula sa lampshade ang mayroon sa buong kwarto namin, malinaw ko pa rin natanaw ang pag igting ng mga panga niya.

“Walang mangyayari sa pagsasama natin, Elizabeth. The truth will always prevail. You know I’m always honest with you. Kung may nangyari sa amin, ako na mismo ang magsasabi sa’yo,” umiling siya at bumuntonghininga. “Pero wala.”

“Wala kang maalala…”

Iyon ang totoo. He was drugged, that’s what you believed. Kung totoo man ‘yon, imposibleng may matandaan ka.

Natapos na ang pag-uusap namin sa ganoon. I was the one who sleep first. Lumabas pa siya ng kwarto namin dahil narinig ko ang mahinang kalabog ng pintuan.

Knowing Hellios, I know he’s hurting too. Pero kung totoo man ang lahat ng ibinibintang sa kaniya… may karapatan ba siyang masaktan?

This is not what I wanted in my marriage life. How come we ended up like this?

“Are you sure you don’t want to come, anak?” si Mama Empress na ngayon ay nasa bahay para kausapin ako.

Umiling ako. “I don’t think my presence is needed there, Mama. Pakisamahan n’yo na lang po si Hellios at siguraduhin na magiging maayos ang lahat.”

Gumihit ang lungkot sa mga mata niya. I forced a smile to let her see that I’m alright but deep inside, I was really breaking down. Maging ako ay nauubusan na ng paraan para kumbinsihin ang sarili ko na ayos lang ako. Na kaya ko pa. Na aasa pa rin ako kahit na malinaw na sa akin ang kahihinatnan ng lahat.

“I’m sorry, Chloe. I’m really sorry that this is happening to you right now. Inakala kong perpekto ang relasyon n’yong mag-asawa kahit pa alam kong wala naman talagang perpektong relasyon. I even thought you two would never experience difficulties throughout your marriage life because your personalities fit with each other…”

Tumungo siya. A pear shaped of tear streamed down my eyes. Maging siya ay unti-unti na rin humikbi hanggang sa daluhan siya ni Mama. She was staying for the mean time. Kahit anong oras ay puwede na akong manganak at kakailanganin ko nang makakasama na may alam sa kung ano ang dapat gawin.

Maging si Hellios ay hindi na rin pumapasok sa trabaho para samahan ako. Nga lang, hindi rin naman ako gaanong nakikipag-usap pa sa kaniya. For the first time since we two had a relationship, I became cold towards him.

“Pagsubok lang ang lahat, Empress. Lahat ay may dahilan. Ano man ang pagdaanan ng mga bata, siguradong may dahilan. Siguradong malalampasan.” sabi ni Mama saka tumingin sa akin.

Nagpatuloy ako sa tahimik na pag-iyak. Ilang sandali pang nanatili si Mama Empress hanggang sa lumabas na rin siya kung saan naghihintay si Hellios sa kaniya.

As soon as they’re gone, I’m constantly praying that things would fall into its places. Pero kung ano man ang maging resulta, tatanggapin ko… kahit na alam kong magiging dahilan para mawasak ako… at ang pagsasama na mayroon kami.

Hindi ako lumabas ng kwarto habang hindi pa dumadating si Hellios. I know I should have come with them but I know I would just only stress myself out if I get to see Hannah.

Suarez Empire Series 1: My Heaven In HellOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz