Si Papa? Kung gano’n ay siya ang dahilan kung bakit nasa kamay na ng mga Suarez ang isa sa mga tauhan ni Jaime? Nakakatuwang isipin na kahit sa ganitong paraan ay sinusubukan niyang makabawi kahit na wala naman siyang kasalanan.

Natapos ang pag-uusap ni Hellios at Papa Steve. Naglakad siya palapit sa akin, mataman akong pinagmamasdan. He sat beside me and placed a soft kiss on my forehead.

“Are you alright?” I asked him.

He nodded and smiled a little. He didn’t say anything. His mind is obviously wandering around.

“What are your plans with that man? Ikukulong na lang? Hindi pahihirapan?” tanong ng isa sa mga kapatid nina Mama Empress.

“We can’t put the justice in our hands, Albert! May mga pulis na hahatol sa kaniya-”

“At kapag nakatakas?” putol nito sa sinasabi ni Tita Erica.

Sa kanilang magkakapatid, si Tito Albert ang masasabi ko na mailap sa tao. Bihira siya makipag-usap at halatang hindi mahilig makisalamuha. Nang ipakilala ako ni Hellios sa kaniya, isang tango at matipid na ngiti lang ibinigay niya sa akin.

However he is still a good person. Sa burol ni Lola Carmina, ni minsan ay hindi ko siya nakitang umalis para iwan ito. Aalis man pero sandali lang at babalik rin kaagad.

“Hindi ko hahayaan na makatakas, Albert. I’ll make sure he has a tight and double security.” maaawtoridad na sagot ni Papa Steve.

Marahas na bumukas ang pintuan. Sabay-sabay kaming napatingin roon at gano’n na lang ang kalabog ng puso ko matapos itulak papasok ang isang lalaki. Nakagapos at may busal na panyo sa kaniyang bibig. Isang lalaki ang sumunod sa kaniya, nasisiguro ko na tauhan nina Papa Steve.

Fear crept on my heart when I saw the man in the floor groaning in pain.

“Hellios…” may takot na tawag ko.

“I’ll bring you to the room upstairs. Doon ka muna-”

“No, I’m okay. What happened? Why is he in pain? Siya ba ang tauhan ni Jaime?” sunod-sunod ang tanong ko nang hindi inaalis ang tingin sa lalaki.

“Yes. I don’t think you need to witness this, Elizabeth. Ihahatid kita sa kwarto.”

Nilingon ko siya at nakitang titig na titig siya sa akin. Kumunot ang noo ko.

“Kung balak mo lang rin pala ako iwan sa taas, sana ay hindi mo na ako isinama pa dito.” kalmado ngunit mariin ang bulong ko sa kaniya.

His jaw clenched. “I just don’t want you to see this-”

“Are you gonna kill him?”

His eyes darkened. “You think we are those kind of people?”

“Then what is it that you don’t want me to see?”

Muling gumalaw ang mga buto sa panga niya. Hinawakan niya ang kamay ko, tila may gustong ipaintindi sa akin. He breathed a sigh and pulled me closer to him.

“That man is tied up, Elizabeth. Ayaw kong nakakakita ka ng ganiyan dahil alam ko ang prinsipyo mo pagdating sa mga masasamang tao,” huminga siya nang malalim. “I am worried that if you asks me to set him free, I would obey you. And you know that man will be the key to find Jaime. You’re right. I shouldn’t have asked you to come with me.”

“Sana nga iniwan mo na lang ako. At mali ka, hindi ko hihilingin sa’yo na pakawalan n’yo ang lalaki na ‘yan dahil malaki ang kasalanan niya kay Lola Carmina.” sagot ko at inis na inalis ang tingin sa kaniya.

Suarez Empire Series 1: My Heaven In HellWhere stories live. Discover now