“It’s not really a problem. I’m even thankful that you told me about it. Thank you for not following his orders,” he breathed out as his jaw clenched again. “I wouldn’t know what to do if you happened to follow him... knowing that you are my wife’s parents.”

Shiver ran deep down my spine. Paano nga kaya kung nagkataon na sinunod nina Papa ang utos ni Jaime na patayin si Lola Carmina? Ano’n gagawin niya oras na malaman niyang mga magulang ko ang pumatay sa lola niya? Siguradong maging ako ay kamumuhian niya. Kahit gaano niya pa ako kamahal, nasisiguro ko na hindi ‘yon magiging dahilan para manatili siya sa tabi ko.

“Hindi namin gagawin, Hellios. Inayawan man kita, hinding-hindi ‘yon magiging dahilan para patayin namin ang isa sa mga mahal mo sa buhay.”

Hellios didn’t say anything. He just nodded and glanced at me.

“Can we leave now? I have to discuss this with my family.”

Sunod-sunod ang naging tango ko, aminadong nakakaramdam ng takot sa kaniya. I have never wanted to see his dark side. I don’t wanna see him get mad. Hangga’t maaari, gusto ko na masaya siya palagi. At ginagawa ko ang lahat para mangyari ‘yon.

But worst things happen when you least expect it.

Nagpaalam na kami kina Papa at Mama. Nangako akong babalik ako sa makalawa kasama si Raphael. They keep on thanking Hellios. Nararamdaman kong nagpapasalamat sila dahil hindi ito nagalit sa kanila.

Wala naman silang kasalanan kung tutuusin. Biktima lang rin sila ng mapangontrol na kamay ni Jaime. Pero hindi ko rin sila lubusang kakampihan dahil mas pinili pa rin nilang gumawa ng kasalanan para lang maisalba ang bagay na kakayanin naman sanang resolbahin kung ipinagtapat lang sa amin. Naniniwala akong walang problema na hindi malulutas basta sama-sama ang pamilya.

Tahimik si Hellios sa buong biyahe namin pauwi sa bahay. At kahit nang makauwi na, wala rin siyang imik. Hindi na ako nag-abala pa na kausapin siya kahit na gustong-gusto ko. Alam kong magulo ang isip niya mula sa mga rebelasyon. I even saw him holding his phone as if he’s talking to someone. Nasisiguro ko na pamilya niya ang kausap niya.

I was emotionally exhausted. Kaya naman matapos maligo ay hindi ko namalayang nakatulog na ako. Nang makitang pasado alas nuebe na ay dali-dali akong bumangon.

“Hindi pa ako nakakaluto ng hapunan.” wala sa sariling sabi ko habang isinusuot ang tsinelas pang bahay.

Wala si Hellios sa kwarto kaya naisipan kong sa library siya puntahan para sana ayain kumain. Kung nagugutom siya ay puwedeng um-order na lang kami ng pagkain.

I knocked on the library’s door thrice but nobody answered. Sinubukan kong pihitin ang door knob at buksan ito. My eyes blinked when the vacant swivel chair greeted me.

“Nasaan na siya?”

Maayos ang mga gamit sa office table, tila hindi nagalaw simula pa kanina.

Lumabas ako ng library habang abala sa pag-iisip kung saan siya puwedeng nagpunta. Habang pababa ng hagdan ay awtomatiko akong natigilan nang mapansin na madilim ang buong sala at tanging sa bar counter lang ang may ilaw.

My heart ached at the sight of Hellios sitting on the high stool. Nakatungo siya, nakatuon ang mga siko sa marmol na counter habang ang bote ng alak ay nasa harapan niya.

Tahimik akong bumaba at nilapitan siya. Nag-aalangan pa ako kung tama bang iparamdam ko sa kaniya ang presensiya ko o hayaan na lang siya dahil baka gusto niyang mapag-isa.

Sa huli, ang kagustuhan na makausap siya ang nanaig sa akin.

Naupo ako sa high stool sa tabi niya. He slowly opened his eyes and glanced at me. Mapungay ang mga mata niya, halatang pagod bago niya nagawang ngumiti sa akin ng tipid.

“Naalimpungatan ka?” he asked. His breath was in a mixture of toothpaste and expensive alcohol.

“Oo. Naalala kong hindi ka pa kumakain ng hapunan, pati na rin si Raphael. Magluluto sana ako.”

“No need. I already ordered dinner for you. Kumain na rin si Raphael.”

Tumungo ako, malakas ang pintig ng puso sa hindi malamang dahilan. Pakiramdam ko ay ibang Hellios ang kaharap ko. Parang hindi ang asawa ko. O, siguro ay natatakot lang ako dahil alam ko na may kuneksyon ang mga magulang ko sa taong nagpapatay sa lola niya.

“Gano’n ba? Ikaw, kumain ka na?” Lumipat ang tingin ko sa bote ng alak sa tabi niya.

“I’m not hungry,” he said and drank the amber liquid inside his shot glass.

“Masama ang umiinom ng alak nang walang laman ang tiyan.”

Maingat niyang ibinaba ang baso na naglikha ng kaunting kalansing sa tahimik na paligid. Tumungo siyang muli, pansin ang pag-igting ng panga at mariing pumikit. He didn’t say anything and that made me feel like I should stop bothering him.

“I’m sorry. Alam ko na nagagalit ka ngayon dahil sa mga sinabi ni Papa. Walang kapatawaran ang ginawa ni Jaime at naiintindihan ko kung magagalit ka rin sa mga magulang ko.”

He slowly unlocked his eyes and breathed out. He raised his head and looked at me. Bahagya siyang umayos ng upo saka iniabot ang kamay sa akin.

“Come here.”

Tumayo ako mula sa upuan at walang alinlangan na lumapit sa kaniya. He jailed me inside his comforting arms and let me lean on him. Habang nakatayo at nakatalikod sa harapan niya at siya ay nakaupo sa likuran ko, ipinulupot niya ang mga kamay paikot sa bewang ko saka ipinatong ang baba sa aking balikat.

“Wala akong makitang dahilan para magalit sa mga magulang mo, Chloe. I actually appreciate their honesty. I’m grateful that they told me the truth. Even my family understand the situation. Iisa lang ang pinupuntahan ng galit namin ngayon. Iisa lang ang gusto naming mangyari.”

Tumango ako, alam ang ibig niyang sabihin.

“We will seek revenge. We have to give our grandmother the justice she deserves. I hope you understand me about this.”

Muli ay tumango ako. “Naiintindihan ko.”

“I want you to stay out of this.”

Muling nagsikip ang dibdib ko.

“Paano ang mga magulang ko… oras na gumanti kayo, Samael? Siguradong babalikan sila ni Jaime.” Naroon ang takot sa boses ko.

Humigpit ang yakap niya sa bewang ko. “You think I’ll make the first move without thinking about their safety first? Magulang ko na rin ang magulang na tinutukoy mo, Chloe.”

Marahan ko siyang hinarap. Hindi sinasadyang naglapat ang tungki ng mga ilong namin dahil sa sobrang lapit ng distansiya namin.

“Ano’ng ibig mong sabihin?”

“I already asked our lawyer to pull them out of the prison as soon as possible. Also bought a house for them to live in once they’re already. Hindi na sila puwede tumira sa dati n’yong bahay. Masiyado nang delikado kung babalik pa. But if you wish to let them stay here-”

Hindi niya na natapos pa ang sinasabi nang idiin ko ang labi ko sa mismong labi niya. My tears were falling uncontrollably down my cheeks as I realized how lucky I am to have him.

Hindi ko sukat akalain na sa gitna ng pananahimik niya at pag-iisip ko na baka matindi ang galit niya sa mga magulang ko, heto at gumagawa na siya ng paraan para mailabas sila sa kulungan. Sa kabila ng kagaspangan na ugali na ipinakita ni Papa sa kaniya, walang alinlangan pa rin niya itong tinutulungan kahit pa alam niyang may kuneksyon ito sa taong pumatay sa lola niya.

Naramdaman ko ang marahang haplos ng mga kamay niya sa likod ko na mas lalo kong ikina-hagulgol ko. I leaned my forehead against mine and bit my lower lip to stop myself from crying hard.

“Thank you, Hellios. Thank you for helping them. For your kindness. For being you.” I said through my cracked and trembling voice.

He brought his hands on my cheeks and cupped them both. Pinatakan niya ako ng marahang halik sa noo, sa tungki ng aking ilong... at sa labi.

“It was you who taught me to be kind, Chloe...” he whispered those words as he stared intently into my eyes. “And I promise to protect you and your family as much as I can. I’m here for all of you. Always.”

Suarez Empire Series 1: My Heaven In Hellحيث تعيش القصص. اكتشف الآن