"Well that sucks." rinig kong sabi ni Theia. "Tama lang din pala yung desisyon mong hiwalayan yang fiancé mo. Why staying in a one-sided relationship anyways? Ang dami namang iba dyan na mas deserving sa pagmamahal mo."

"Exactly." sagot ko.

"Pero bakit mo pa pinatagal ng limang taon?"

I slightly bit my lip. "I was hoping that she would change. But sadly wala. Naubos na lang lahat ng chances na ibinigay ko, wala pa ring improvement na nangyayari. Sino bang hindi mapapagod niyan?"

"I can relate." Helaena tapped my shoulders. "Ganon din ako sa ex-boyfriend ko dati. Ang pinag-kaiba lang, babaero yun at yung sayo hindi."

"Pero wala sa lugar yung pagiging marupok mo dati Helaena." dagdag na sabi ni Theia. "Kita mo ng harap-harapan ka ng sinasaktan ni Dylan, binabalikan at binibigyan mo pa rin ng chance. You deserve what you tolerated."

"I know. But at least, may maganda outcome naman yung hiwalayan namin. I have Sue now."

"Yeah, and i got broken hearted because of it. Salamat sa ka-traydoran nyong dalawa." ani Theia na tinawanan lang ni Helaena. "Buti nalang talaga at dumating si Maggie sa buhay ko. My wife is the best thing that ever happened to me."

Umangat isang kilay ko. "I still don't like you for my little sister, Theia."

"Whatever sis-in-law." she rolled her eyes at me.

"What if ireto na lang kita sa mga kakilala ko, Maui?" biglang suggestion ni Helaena. "Most of them are single bachelorettes that surely fits your taste."

"No thanks, i'm still healing from my breakup. Hindi pa ako handang makipag relasyon sa ngayon."

"Come on it's just a date, hindi mo naman gawing girlfriend yung irereto ko e."

"Nope, not today." muli kong ibinalik ang atensyon sa trabaho ko.

"Just give it a shot. I'm sure she meet your standards."

Nag-angat ako ng tingin. "Sino ba yan?"

"Czarina Guidecelli."

Nag-salubong pareho ang kilay ko. "The celebrity?"

"Yup." she nodded.

"Heck no, ayukong ma-involve sa grupo nila. Puro ka-toxican yang mga yan."

"Well some of them are problematic pero okay naman silang paki-samahan."

"Still a no. I don't like to be associated with celebrities, hindi yan ang mga type ko. Give me other names, yung kasing edad ko lang."

"Hmm let me see." Helaena scrolled something on her phone. "Ah eto pinsan ko, si Dr. Lovely Federico. She's currently single right now. She's smart, rich & beautiful, definitely your type."

"No. I don't like doctors."

"Ano ba yan, ang choosy mo naman."

"Kakasabi ko lang na ayoko munang makipag date o makipag relasyon sa ngayon diba? I'm serious, I want to stay single for a while, at least for now."

"Fine. Basta huwag mong kalimotan ang tungkol sa grand opening, ha?"

"Don't worry i won't."

Tumayo na ito. "I guess that would be all for today. Yun lang talaga sadya namin dito."

Tumayo na rin si Theia. "Mauna na kami."

"Mag-ingat kayong dalawa." tugon ko sabay beso sa kanilang pisngi. Nag-paalam na sila at lumabas na nang opisina.

Muli kong ipi-nag patuloy ang trabaho ko, I need to start all over again.

Pagsapit ng alas tres, hindi parin ako tapos sa aking ginagawa. Napagdesisyunan kong huwag ng pumasok sa klase. Pupunta lang ako mamaya para ihatid ang mga printed questionnaires sa student assistant na siyang mag-distribute sa papalapit na final exams.

A Taste of Bliss (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon