Chapter 2

180 1 0
                                    

Tainted Hearts

Ms Sapphire 

Chapter 2

"You're mine"

Iyan ang mga katagang hindi maalis-alis sa isip ni Rachael. Isang linggo na ang nakalipas mula nang may naganap sa kanila ni Tyler. She never thought she'll give in to a seductive stranger like Tyler. 

Maisip lang niya ang pangalang iyon ay parang nag-iinit na ang kabuuan niya. His luscious wet lips, his lean shoulders, his tight buttocks and his masculine scent.....

"ENOUGH!!!!" Sigaw niya na ikinalingon ng ilan niyang ka opisina.

"Ha hihihi sorry sorry" hingi niya ng paumanhinn sa mga kasamahan niya.

"Phew!" Napabuga siya ng hangin sabay pasalampak na upo sa swivel chair niya.

"Hanggang kelan ka ba mananatili sa utak ko?" Daing niya sa sarili habang nangalubaba.

“TULONG!” sigaw ng isang lalaki na nakatali ang dalawang kamay sa likuran nito. 

May dugong dumadaloy sa noo nito sanhi ng pagka-untog sa makina ng sasakyan. Kanina pa ito nagpupumiglas makawala sa pagkakagapos rito, pero sadyang matibay ang pagkakatali ng lubid. Ang kuwartong kinalalagyan nito ay walang bintana at may isang pintuan lamang. Ang tanging ilaw na nagbibigay liwanang sa buong kuwarto ay nagmula sa isang flourescent light lamang. At dahil sa kalumaan, minsan ay pumapatay sindi pa ito.

Maya-maya lang ay may naririnig siyang ingay mula sa labas ng pintuan. Naririnig din niya ang yabag ng isang nilalang na papalapit sa kinaroroonan ng kinalalagyan niya. Nakita niya ang paggalaw ng seradura at ang pagbukas ng pintuan. Ganun na lang ang kaniyang pagkagimbal ng mapagtanto kung sino ang pumasok.

“Vanessa?” gulantang na sabi ni Briggs.

“Hello Briggs. Kumusta?” nakakalokong bati nito.

Nagpupumiglas si Briggs sa pagkakatali nito. “Vanessa stop this craziness!” pagmamaka-awa nito “pakawalan mo na ako!”

“Whoaaahh! Hold your horses, Briggs. Bakit naman kita pakakawalan?” nang-uuyam na wika ni Vanessa “since you came back here in the Philippines, ay naging threat kana sa mga plano ko.”

“Threat?” sigaw ng lalaki.

“Oo!” naglakad si Vanessa papunta sa isang sulok at humarap kay Briggs “it seems like your frieds with Val and Alex again kaya hindi ako nakakasigurong hindi mo isisiwalat ang mga nakaraan natin.”

“Vanessa, please maawa ka naman sa anak ko” pagsusumamo ni Briggs.

“Hindi matutupad ang mga plano ko dahil sa awa” Dumilim ang mukha ni Vanessa “no one can stop me, Briggs! Tyler is mine and mine alone, naintindihan mo!” sigaw nito sa kaniya bago lumabas ng kuwarto.

Naiwan si Briggs sa madilim at lumang kuwarto na parang bartolina. May tumutulong tubig mula sa kisame at mga lumot sa dingding. Parang isang lumang bunker ang kinalalagyan niya. Nakiramdam siya sa paligid dahil baka may maririnig siyang ingay mula sa labas, ngunit napaka kapal ng dingding ng bunker. Kahit na ang pintuan ay mukhang selyadong-selyado.

Nananalangin siyang may makakita sa kinaroroonan niya. Ayaw niyang mamatay sa ganoong paraan at ayaw rin niyang iwanan ang asawa at anak niya. Napakabata pa ng nag-iisa niyang anak. Hindi siya makakapayag na mawalan ito ng ama sa murang edad nito. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at malakas na umiyak. 

ISIDRO FARM

NAGPIPIRMA ng mga papeles si Tyler o Ty nang tumunog ang telepono sa kaniyang mesa. Limang oras na siyang nakababad sa tambak na papeles dahil sa iilang araw na ginugol niya para sa annulment nila ng kaniyang asawa na si Vanessa. Hindi nga sila umabot ng isang taon at heto ipapa annul na niya agad ang kasal nila. Hindi na niya matiis ang mga kasinungalingan nito na pilit pa ring itinatago ng babae kahit na may pruweba na siya.

Tainted Hearts by Ms SapphireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon