Chapter 1

191 0 0
                                    

Tainted Hearts 

By Ms Sapphire 

Chapter 1

FOUR YEARS LATER…..

Her life was still the same.

No scractch that.

Her life was WORSE than four years ago.

Wala na siyang oras para sa sarili niya. Kahit ang konting pagbunot ng kilay ay pinababayaan na niya. Hindi na rin siya pumapasok ng salon o magpa pedicure at manicure. She never enetered into a relationship after Anthony. She admitt the he was a jerk. After that scene inside the resto bar, Anthony started sleeping with various of women. Ang mama kase ni Anthony ay kaibigan pa rin ng pamilya nila kaya sa bahay nila ito nagtatalak. Tuwing nagkikita nila sinasabi nitong…

“Kung pinakasalan ka ng anak ko siguradong may apo na ako ngayon.”

Ngumingiti nalang siya tuwing naririnig niya ang katagang iyon. Ayaw naman niyang saktan ang damdamin ng Ginang.

Paglabas niya ng elevator ay sinalubong siya kaagad ni Lileth.

“Hoy babae wala ka pa rin bang planong magpa make over? Tingnan mo naman yang binti mo laging natatabunan ng stockings. My Goodness Ria hindi na uso ang stockings sa panahong ito. Ang uso ngayon BARE!!! Narinig mo BARE!!! At yang kilay mo paahitan na nga natin TREAT ko na sa iyo yan.”

“Ako na naman ang napag-initan mo.” Matipid niyang sagot dito.

“Four months from now magte-trenta ka na! Tumitigas na yang matres mo hindi ka pa nakahanap ng boyfriend!” panenermon pa rin nito habang naglalakad sila papasok sa opisina niya.

“Lileth, im happy with my life. Yang mga lalaki sakit lang yan sa puso at utak.”

“Kelan ka pa naging MAN HATER? Sa kasal ko I want you to have a total make over. Hinding-hindi kita papasukin ng simbahan na ganyan ang ayos mo. Naku naman sister daig mo pa ang ermitanya sa balot na balot mong katawan.”

“Ano bang masama sa long sleeve at mini skirt na suot ko?” inosenteng tanong niya dito.

“Wala namang masama sa suot mo kung nakatira ka sa Alaska! Pilipinas to mare ano ka ba?” isinara ni Lileth ang pintuan ng opisina niya.

“What you need is a vacation.”

“Vacation?”

“Oo as in BAKASYON!”

“Saan naman ako magbabakasyon?”

“Look, may binabantayang bahay ang tita ko sa isang province. She will be away for a week. Kaya kinausap ko siya na kung pupuwede eh ikaw na muna ang magbabantay ng bahay.”

“Paano naman yun maging bakasyon kung pagbabantayin mo rin pala ako ng bahay?”

“The place is a paradise Mare!!! May sariling talon ang Hacienda Isidro. May mga kabayo din which I know you like. You’ll just have to fill in her job as the chief servant.”

“Ano? Anong klaseng bakasyon naman yan!?”

“The owner will be away for a week kaya iyong-iyo na ang buong Hacienda. And besides baka magustuhan mo ang Prinsipe.”

“Naku ayan na lumabas na rin yang hidden agenda mo.”

“What?”

Napaisip siya sa sinabi ni Lileth. Tama nga naman ito, she need a vacation. It has been awhile since she used her last vacation. Puro trabaho nalang ang inaatupag niya kaya pati sa bahay nila sermon ang naka-abang sa kaniya.

Tainted Hearts by Ms SapphireWhere stories live. Discover now