Prologue

280 2 0
                                    

Tainted Heart by Ms Sapphire 

Prologue 

Cavite, Manila

HUMAHALIMUYAK sa bango ang kusina ng mga Lesaca. Nagkakagulo ang lahat ng mga kababaihan dahil sa paghahanda ng pagkain para sa mga bisita mamaya. Mamamanhikan na kase ang childhood friend at Fiance ni Rachael na si Anthony Montoya. Sa katunayan eh magkakapitbahay lang silang dalawa. Nasa tapat lang ng bahay nila ito nakatira kaya lagi silang nagkikita tuwing lumalabas silang dalawa ng bahay.

Mula pagkabata ay matalik na silang magkaibigan ni Anthony. Nung una ay wala naman siyang nararamdamang espesyal sa matalik niyang kabigan hanggang sa nagparamdam si Anthony nung tumuntong na sila ng High School. Dahil kilalang-kilala na naman ng pamilya niya ang lalaki ay hindi na rin tumutol ang mga magulang niya. Matapos nilang grumaduate ng college sa magkaibang school ay nagplano na silang magpakasal. Bagay na ikinasiya ng mga pamilya nila.

Ngayon, ay nagtatrabaho siya bilang isang Secretary sa isang Fashion Company sa Manila. Si Anthony naman ay naghahangad makapasok bilang isang executive sa isang Financial Company. Medyo malaki-laki na rin ang naipon nilang dalawa kaya naisipan nilang panahon na para bumuo ng sarili nilang pamilya.

“Nay!” tawag niya sa kaniyang mama na pabalik-balik sa kuwarto niya at sa kusina para asikasuhin ang lahat.

Naka-upo siya sa kaniyang vanity chair habang minamasdan ang kaniyang itsura.

Kelan pa siya naging insecure sa kaniyang sarili? Kahit nga siguro may kulangot pa siya sa ilong ay hinding-hindi mawawala ang pagmamahal ni Anthony sa kaniya.

Mabait si Anthony. Masunurin sa magulang at walang bisyo. Kahit kelan ay hindi ito naging sakit sa ulo ng mga magulang kaya aprubadong-aprubado ito sa mga magulang niya. Siya naman ay hindi naging sakit sa ulo ng mga magulang niya dahil pinalaki silang magkakapatid na masunurin at marunong rumirespeto sa kapwa.

“O ano na naman ang problema mo?” naguguluhang tanong ng Nanay niya na nasa pintuan at may dalang sandok sa isang kamay.

“Nay, kinakabahan po ako.” Sabi niya dito.

Lumapit ang Nanay niya at hinaplos ang kaniyang pisngi.

“Anak, si Anthony lang naman yun e. Parang hindi naman kayo magkakilala ng matagal at ngayon ka pa talaga kakabahan ng ganyan. Magiging mabuti din ang lahat.”

“Alam ko po yan Nay. Kaso hindi ko lang kase mapigilang hindi makaramdam ng kaba. Siguro dahil ibang chapter na naman po ito ng buhay ko.” Nagsimula na siyang umiyak “ilang buwan na lang ikakasal na ako sa kababata ko at magkakaroon na kami ng sarili naming pamilya. ‘di po ba ang bilis ng mga pangyayari, nay?”

Naluha na rin ang Nanay niya “Ganyan talaga ang buhay anak. Hindi naman kami papayag ng Tatay mong tumandang dalaga ka kaya kailangan naming tanggapin ng Tatay mo na lumalaki na kayong tatlo. Dadating at dadating ang panahon na mag-aasawa na rin yang Kuya Mike mo tapos susunod si Rosalie.” Ginagap nito ang kamay niya “magiging maayos rin ang lahat anak”

“Salamat po nay”

MAKALIPAS ANG DALAWANG ORAS…..

“ANONG ibig mong sabihing hindi na matutuloy ang kasal!?” sigaw ng kaniyang Tatay matapos ipaalam sa kanila ni Anthony na walang pamanhikang magaganap.

“I’m sorry, Rai. I can’t marry you. Hindi na sana hahantong ang lahat sa ganito kung nagkalakas loob lang akong sabihin ‘to sa ‘yo noon pa but I guess hindi lang talaga kita kayang saktan.”

Isang suntok ng Tatay niya ang nagpatahimik sa sasabihin pa sana ni Anthony.

Hindi siya makapagsalita sa kaniyang narinig. Taimtim lang siyang umiiyak sa kaniyang kinauupuan habang inaalo siya ng kaniyang Nanay at kapatid. Parang ayaw niyang marinig ang dahilan ni Anthony dahil parang isa itong lason na unti-unting kumikitil ng buhay niya.

Tainted Hearts by Ms SapphireWhere stories live. Discover now