Chapter 3

181 2 0
                                    

Tainted Heart by Ms Sapphire Chapter 3 

LUMAPIT sa bintana si Tyler para tingnan ang news caster na sinasabi ng kaniyang kasambahay. May nakita siyang isang babae at dalawang lalaki na nasa hardin nila. Tinimbrehan siya ng guardiya sa ibaba na nakapuslit ang tatlo para kunan raw siya ng pahayag laban sa akusa ni Vanessa sa kaniya.

“Tatawag na ba ako ng pulis?” tanong ng mayordoma niya.

Tumango siya “Yes Manang.”

“Sige.” Wika naman ng kaniyang mayordoma.

Makikita sa mukha nito ang labis na pag-aalala sa amo nito.

Umalis si Tyler sa tapat ng bintana at umupo sa mahabang couch. Nilakasan niya ang volume ng tv para marinig niyang maigi ang nirereport ng isang station.

The camera was focused on Vanessa's face. Mukhang nasa presinto ang babae at kasama pa nito ang Abogado nito. Nakaramdam siya ng pagkainis dahil sa ipinapakita ni Vanessa sa mga tao na para bang inaapi itong asawa. He never once lay his hands on her when they were still together. He praised her. He adores her, give the whole world for her. And even die for her. Ganoon niya kamahal ito.

"Ang asawa ng former bachelor na si Tyler Isidro ay magsasampa ng kaso laban dito dahil umano sa physical at emotional abuse." Balita ng newscaster.

Napakunot ang noo niya habang patuloy na pinakikinggan ang balita.

"Halos isang taon na ang nakararaan mula nang ikasal sina Vanessa Gilbert at Tyler Isidro. Parehong nakilala ang dalawa sa loob ng showbiz dahil sa koneksyon ng dalawa sa business world. Simula noon ay hindi na tinatantanan ng press ang mag-asawa. Binasagan silang Enterpreneurs Sweetest Couple ng press. Hiningan namin ng pahayag ang Abogado ni Mr Isidro pero hanggang ngayon ay ayaw pa rin nitong magbigay ng pahayag."

Pinatay niya ang tv dahil hindi niya masisikmura ang kasinungalingan ni Vanessa.

"Dumating na ang mga pulis sa ibaba." Paalam ng mayordoma niya.

"Salamat manang. Maliligo na muna ako. I need to freshen up."

"Sige. Ihahanda ko na rin ang tanghalian mo. Lalabas ka ba ngayong araw?"

"Hindi na muna sa library na muna ako magtatrabaho."

"Oh siya sige maghanda kana at nang matapos ko na rin itong ginagawa ko sa kusina." Wika nito sabay talikod pabalik sa kusina.

Pumasok na siya sa sariling kuwarto.

"Damn that wench!" Bulalas niya.

Hanggang ngayon ay pinagsisisihan pa rin niya ang pakikipag relasyon kay Vanessa. {Excerpt from One Last Chance} Naalala pa niya ang pag-aya sa kaniya nina Vanessa, Amelie at Alex na makipag double date sa mall. Yun din ang araw na kinompirma ni Vanessa ang pagsagot sa kaniya. He was very happy back then. Mula noon palagi na silang lumalabas. Minsan pinupuntahan siya ni Vanessa sa bahay nila. Isang araw silang dalawa lang ang nasa kuwarto niya at nangyari ang hindi dapat mangyari.

HINDI lang diyan nagtatapos ang sexcapade nilang dalawa ni Vanessa. Parang naging normal na sa kanila ang pagtatalik. They even experimented different places and positions. Kahit na sa school campus nila ay hindi siya pinapatawad ni Vanessa. Minsan bigla nalang siya nitong dalhin sa ladies room kung saan sila nagkukulong ng isang oras. He was very addicted to her to the point na nawawalan na siya ng oras sa mga kaibigan niya. Maraming mga gimmicks ang hindi niya napupuntahan dahila si Vanessa ang kasama niya. Hindi na rin siya naging active sa AOC o Alpha Omega Club kung saan siya ang isa sa mga acting officers.

“Ty, my Dad let me borrow his yatch for the weekend.” Si Vanessa.

Nasa canteen silang dalawa at kumakain kasabay si Amelie na kanina pa patingin-tingin sa upuan nina Alex.

Tainted Hearts by Ms SapphireWhere stories live. Discover now