"It's okay, love. Don't try to remember it, you just need to rest."

"Where's Hiro? N-natakot ko na naman 'yon."

"He went outside. Bibili raw ng pagkain para sa atin."

Tumango siya at hinayaan ko ng si Kian ang magtanong sa kanya nang nararamdaman niya. I'm just relieved na naalala niya na ako.

Matapos siyang tingnan ni Kian ay saktong bumukas ang pinto at magkasabay na pumasok si Hiro at Sera.

"S-Sera..." tawag ni Rykki sa anak namin na dahan-dahang naglakad palapit sa amin.

"M-Mommy, hindi ba sabi mo sa akin, lahat ng wish ko ibibigay mo?"

Ngumiti si Rykki at bumangon kaya agad ko siyang inalalayan. Hinaplos niya ang pisngi ni Sera na nakalapit na sa kanya.

"Of course, anything for my Serafina Aki."

"Then, get rid of him."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ng anak ko na maging Rykki ay hindi iyon naunawaan. "What?"

"Get rid of the baby, Mommy! So, you don't have to stop your treatment!"

"Serafina!" sigaw ko sa anak ko nang makitang nagulat si Rykki sa sinabi niya. Bumagsak ang palad ni Rykki at tila hindi makapaniwala sa sinabi ng anak namin.

"Aki, p-pagod ang Mommy mo, why don't we—"

Hindi natapos ni Hiro ang sasabihin niya nang lumuhod si Sera at umiyak.

"Mommy, I don't want you to leave me! I don't need a sibling! I just need you. Please, Mommy, I'm begging you! Get rid of that baby and continue the treatment!"

"Serafina, enough!" pananaway ko sa anak ko. "Rykki!" tawag ko at agad siyang inalalayan nang bumaba siya sa kama at niyakap ang anak namin.

"Sabi naman sa 'yo ni Mommy hindi ba? K-kung kaya kong ibigay, ibibigay ko...pero hindi ito, Sera. I can't give what you want—"

"Why?! Mommy, am I not enough? I promise I'll be good. Puwede namang ako na lang muna, until you get better. Then you and Dad can have a baby again. Please, Mommy!"

"Sera, tama na 'yan, bawal kay Mommy ang ma-stress."

"I'm sorry, baby...hindi talaga kaya ni M-Mommy."

Umalingawngaw ang malakas na iyak ni Sera sa kuwarto. Hanggang sa humagulgol na rin ng iyak si Rykki at alam kong hindi lang ang sakit niya ang nagpapahirap sa kanya ngayon kung hindi ang nararamdaman ng anak namin na si Serafina. Lumuhod ako at niyakap silang dalawa.

"I-I'm sorry, Mommy. Don't cry n-na! Forget what I said na!" ani Sera na sinasabayan pa rin ang pag-iyak ng ina niya.

Bakit hindi na lang ako?

***

"EVERYTHING is set, Rykki. We're leaving three days from now," pagkausap ko kay Rykki makalipas ang dalawang araw na pananatili niya sa hospital.

Mas pinili kong i-admit siya sa hospital dahil sa kondisyon niya at sa nakalipas na dalawang araw ay nagpapasalamat akong hindi na naulit ang nangyari sa kanya.

"Sasama ako, Mommy," nakangiting saad ni Sera. "I'll take care of you."

"How about your school?"

"Nakausap ko na ang school niya. Maaga siyang mag-eexam bukas."

"But you won't be able to attend your graduation—"

"That's okay, Mommy." Akap ni Sera sa ina niyang nanahimik na lang at binaling ang tingin sa papalubog na araw sa labas.

Malungkot kong minasdan si Rykki na tagus-tagusan ang tingin. Alam kong pinipilit niyang ipakita sa amin na ayos lang siya pero nasabi ni Kian na unstable ang emosyon ni Rykki probably because of her pregnancy and her tumor. Sa nakalipas na mga araw ay pansin ko ang madalas na pananahimik niya at pagtingin sa kawalan.

"Can we do something before we leave?" biglang saad niya at agad naman kaming nagkatinginan ni Sera at parehas na tumango.

"Kahit ano, Mommy."

"Anything for you, love."

"I-I want to get married under the sunset in a beach."

"Rykki..."

Nilingon niya ako at malungkot na ngumiti. "Do you still want to marry me?"

"Of course, but I don't think it's good for you to travel."

"I can do it, Seth."

Hindi ako nakasagot at pinakatitigan lang siya. Magsasalita na sana ako nang hilahin ni Rykki ang kamay niya sa pagkakahawak ko.

"Ayaw mo na ba sa akin? Do you think it's a waste getting married to someone na mamamatay din lang naman?"

"Rykki! That's not true!"

Blanko ang mga matang nakatingin siya sa akin. Gulat ako sa tingin na ibinibigay niya.

It's like I'm slowly losing her...

"Mommy..."

Agad ang pagsulyap niya sa anak namin at tila may napagtanto siya sa inakto at mariin na pumikit.

"I-I'm sorry. Forget what I said—"

"No...I'll arrange everything. Let's get married, Rykki. Be my wife, again."

Natahimik si Rykki at pinakatitigan lang ako tila tinitimbang ang sinabi ko pero nginitian ko lang siya. Inabot ko ang kamay niya at hinalikan ang ibabaw no'n.

Pumalakpak si Sera na nakita ko pang pinahid ang mga mata niya.

"Great! I'll call Tito Hiro! Papatulong kami ni Daddy! Kami nang bahala sa wedding ninyo."

Nang makalabas si Sera sa kuwarto ay humigpit ang kapit ni Rykki sa kamay ko.

"I'm sorry. I'm giving you a hard time. I just wanted to exchange vows with you habang kaya ko pa...habang naaalala ko pa na ikaw ang lalaking mahal ko."

Natigilan ako sa sinabi niya at may bumundol na kaba sa puso ko. "I-I remember how I forgot you two days ago when I collapse, Seth...naalala kong nagising akong hindi kayo kilala ni Hiro. I'm losing myself, Seth, and I'm scared. I'm not scared to die but I'm scared for you...for Sera."

Niyakap ko siya at umiling. "Don't be...I'm here, Rykki, hindi kita pababayaan. Mangyari mang mawala muli kami sa isip mo, naniniwala akong maaalala kami ng puso mo. Because you love us, right?"

"I do. Mahal na mahal ko kayo..."

Ngumiti ako't pinahid ang luha sa magkabilang pisngi niya. "At mahal na mahal na mahal din kita. Kaya natin 'to, hmmm?"

TBC

Her Last Days (COMPLETED)Where stories live. Discover now