Thirty First Shot

4K 217 5
                                    

(this chapter dedicated to AzaleaBlack_Rose2020 thank you bibi ...)

Retrograde amnesia

—Calvin's POV—

"Zylhor Laurenz, Zypher Spade! Ano ba!! Dalian niyo!"

"Tangina mo mag hintay ka kasi, twin sakin yan binili eh! Ito nalang sayo oh!"

"Rhys! Magugustuhan kaya to ni Xei Xei?"

Binalingan ko ng tingin si Wagner na ngayun ay hawak ang dalawang head band, kulay white at black iyon na garter . Pero may dalawang tenga.

"Pwede nayan! Akin isa ha! Para partner kami ni Bestie pag ok na siya."

Lumapit ito sakin at hinampas ang isang headband sa ulo ko. Masama ko itong tiningnan

"Asa ka! Lol."

Sabi nito at padabog akong tinalikuran. Nakanguso ako bago nilagay ang chocolate sa Cart. Ito nalang bibigay ko kay bestie. Malungkot ako ngayun dahil tatlong araw ng hindi nagigising si Xeirra, simula ng mag away sila ng kapatid niya. Sinabi na lahat ni Xeilla sakin ang nangyari. Kaya medyo na awa ako sa kapatid niya. Ngayun hindi alam ni Xeilla na nasa hospital si Bestie. At Hindi din namin pina alam. Gusto namin silang tulungan pero tumatanggi si Xeilla kaya wala kaming magawa.

Wala namang daw  problema si Xeirra sa katawan niya. Pero hindi lang namin alam kong bakit Hanggang ngayun ay Hindi padin ito nagigising. Nandito kami ngayun sa Convenience store malapit lang sa hospital kung saan naka detain si Bestie. Tanghaling tapat at ito lang ang oras para mabisita namin siya. Hindi kasi kami pinayagan ni Jexter na umabsent. Siya nalang daw. Sa ngayun module lang ang ginagamit nito para sa pag aaral. At alam din ito ni tita Jeaña. Pinayagan naman ito dahil baka may mangyaring masama daw kay Bestie. Si Dark naman ngayun ay kami ang sumusundo at nag hahatid sa kanya sa school. Minsan hindi kami nito pinapansin at gustong si Xeirra ang mag hatid sa kanya.

"Ok na! Bayaran na natin to! Rhys libre mo ko ha! Diba gwapo ka?"

Napairap ako sa sinabi ni Wagner. Ang bait pag may kailangan.

"Plastic kang hayop ka."

Sabi ko at naunang pumila sa counter, matapos mabayaran lahat ay agad kaming dumeretsyo sa hospital. Ng makarating sa room ni Bestie ay excited ko itong binuksan.

Muntik ko ng mabitawan ang chocolate na dala ko , pero hinawakan ko yun ng mahigpit. Malaglag na lahat wag lang to.

"B-bestie!? Wahh!! Bestie ko!"

Patakbo kaming lumapit sa kanya ng makita na gising na ito. Nagulat ito sa pag sigaw ko pati si Jexter na nag aayos ng kanyang higaan.

"Xei Xei!!"

"Xei! You're alive!"

"Gising kana Xei!!!"

"Ghod Kitty!"

Kanya kanya kanya kaming tanong kong ok lang ba ito. Muntik ng matumba si Jexter dahil na itulak namin ito ng hindi sadya.  Masama kami nitong tiningnan bago tumalikod at tumungo sa banyo.

"Huhu bestie ko!!"

—Xeirra's POV—

'Ace..'

bigla akong Napamulat ng marinig ang batang lalaki na sinasabi ang pangalang iyon. Una kong nakita ay ang puting kisame. Medyo nasisilaw pa ako sa liwanag nito. Mabigat ang ulo ko ngayun. Nilibot ko ang tingin sa paligid. Napako ang tingin sa lalaking nakahiga sa sofa at nakangangang nakatulog. 

Babysitting the cold prince [COMPLETED]Where stories live. Discover now