Twenty first Shot

4.8K 258 1
                                    

Confuse

—Xeirra's POV—

'im scared..."
Basag ang boses ko habang nakatingin sa labas ng bintana, maliit lang ito, at pusa lang ang pweding makapasok  pero kahit ganun kita padin yung labas.

'Don't be, I'm here..stop crying"

Sagot ng batang lalaki , habang yakap yakap ako.

"Wahhh!!"

Napatili ako ng biglang kumulog ng malakas.  Mas lalong hinigpitan ng batang lalaki ang pagkakayakap sakin..

Hanggang ngayun , di ko padin alam ang pangalan niya.. minsan makakalimutan ko, at minsan nahihiya naman akong mag tanong ..

"A-ayaw ko na dito.. gusto ko nang umuwi.."

"Shh we will.. wag ka na kasing umiyak"

Pilit kong kinakalma ang sarili, dahil bukod sa kinakabahan ay ang lakas din ng tibok ng puso ko. .

Napatingin ako sa kamay niya ng hawakan niya ang kamay ko kaya naman napatingin ako sa kanya, ang ganda nang mata niya, yung takot na naramdaman ko kanina biglang nawala, pakiramdan ko pagkasama ko siya di ako masasaktan. Ang comportable niyang kasama.

Bumuntong hininga siya at yinakap nalang ulit ako,

Dug dug..

Napayuko ako at nakita ang bracelet na bigay ni papa , binigay to ni papa sakin nung seventh birthday ko, dalawa to kwentas yung isa isang halfmoon at pendant na star.

Napatingin ako sa batang lalaki na hanggang ngayun ay nakayakap padin sakin.

"Hey.."

Mahinang tawag ko dito kaya kumalas siya sa pagkakayakap sakin at tiningnan ako ng may pagtataka. 

Yumuko ako at kinuha ang bracelet na nasa kamay ko, tiningnan ko muna ang batang lalaki bago kinuha ang kamay niya at isinuot ang bracelet, ramdam kong natigilan siya.

Binalik ko ang tingin sa kanya at nginitian ulit..

"Why??"

Nagtatakang tanong niya habang nakatingin sa kamay Niya. Binalik nito ang tingin sakin nag hihintay sa sagot.

"Ang sabi kasi ni papa, pag natatakot ako tingnan ko lang daw yung bracelet na binigay niya at isipin na nandito siya sa tabi ko para di na daw ako matakot"

Sabi ko dito habang nakangiti, tiningnan niya Lang ako at napakurap kurap bago tumungo.

"B-but this is yours.."

"Sayo na yan.. wag mong iwawala ha , para kung magkahiwalay tayo , lagi mong isuot yan para makilala agad kita ok??"

Binalik nito ang tingin sakin at unti unti ngumiti, natigilan ako kasi ngayun ko lang siya nakitang ngumiti.

Babysitting the cold prince [COMPLETED]Where stories live. Discover now