Twenty second Shot

4.8K 272 4
                                    

Meet

—Xeirra's POV—

"Oii dalian mo alas!!"

Parang bulati si Calvin at Xynel dahil sa sobrang likot, tapos na ang klase and we decided na ihatid si Keyshia sa bahay nila, siya din mismo nag sabi na uuwi na siya at kakausapin ang pamilya niya. Mas ok narin yun kaysa naman san san pa to mapunta.

"Manahimik nga kayong dalawa baka mapuno ako at ihulog kayo sa bintana."

Napanguso silang dalawa bago inayos ang pag ka kaupo , napatingin ako sa kambal na mahimbing ang tulog sa likod  ng sasakyan , ginawa nilang unan ang isat isa, napangiti nalang ako ang cute kasi nila.

"Kuya usog ng kunti hindi ako makagalaw ng maayos,  mas malikot ka pa kay Babylaaabs at kay Frovian eh."

Napatingin naman ako sa  mag kakapatid ng marinig ang pag re reklamo ni Zyrine,  nakita kong  naka higa si puppy sa lap ni Zyrine habang nag ce cellphone, tarantado talaga to .

Napadapo naman ang tingin ko kay Jexter, napalunok ako ng mahuli itong nakatingin sakin bago iniwas ang tingin.

"Eyes on the road"

Sabi ko at at umusog ng kunti palapit sa bintana, pakiramdam ko kasi mauubusan ako ng hangin.  Siya ang mag da drive ngayun at tinuturo lang ni Keyshia ang daan.

Buti nga nag kasya kami sa sasakyan ng kambal. .

"Kehh matagal pa ba Tayo??"

Kehh?? San naman nang galing ang kehh nayan.

"Ah.. o-oo"

Sagot ni Keshia at tipid na ngumiti, ng makita ako nito na nakatingin sa kanya, ay nginitian niya din ako. Nginitian ko din siya bago binalik ang tingin sa daan. Papasok na kami sa subdivision nila , malalaki din ang bahay dito at halatang mayayaman ang nakatira.

"Wahh!! Wagner dito na tayo!!"

May pa palo palo pang nalalaman si Calvin sa braso ni Xynel na parang babae na nakakita ng gwapo , napailing nalang ako bago bumaba.

Hinintay kong makababa silang lahat ,pinauna namin si Keyshia dahil hindi naman namin alam kong san siya nakatira.

Huminto kami sa isang bahay na kulay puti at glass ang paligid, malaki din ito.

Napatingin ako kay Keyshia ng huminto siya sa tapat ng door bell, ilang beses siyang bumuntong hininga, nag iisip kung mag do door bell pa ba, pero hindi pa man siya nakapindot , ay bigla itong bumukas.

Gulat si Keyshia , ng makita ang kuya Niya.

"K-kuya.."

Halatang gulat din si Karlhienz sa nakita.

"GOD BABY KESHIA KO!"

Bigla nalang yinakap ni Karlhienz ang nakakabatang kapatid, napaiyak naman ang isa.

"K-kuya s-sorry.."

"Shh don't cry, are you ok?? May masakit ba sayo? Bakit ang dumi mo na!!"

Medyo natawa ako sa huling sinabi ni Karlhienz, hindi niya ata kami nakita dahil busy siya nakatingin sa kapatid nito.

Babysitting the cold prince [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz