Twenty third Shot

4.6K 258 8
                                    

-Calvin's POV-

"Tsk, tsk , tsk.. Ang gwapo ko talaga"

Napahagikhik ako habang nakatingin sa salamin. Sinuklay ko pataas ang buhok ko gamit ang kamay. Ng maayos ko na lahat ng kailangan ko ay patalon talon akong lumabas sa kwarto ko. Nakita ko si mommy na pababa sa hagdan kaya palihim akong napangiti

"Mommy!!"

Napalingon ito sakin, napangiti ito bago ako tinawag , masaya akong lumapit sa kanya.

"Morning baby, bakit parang ang saya mo ngayun?"

Nakangiti nitong tanong, kaya unti unting nawala ang ngiti ko, wala ba siyang naalala? Pilit nalang akong ngumiti. Ang pangit naman ni mommy kabanding, siguro ganun talaga pag tumatanda na, makakalimutin.

"Ah, hehe w-wala naman po mommy, si daddy pala?"

Pilit kong pinapasigla ang boses, para di niya mahalata na nalulungkot ako.

"Ah , oo nga pala baby baka gabihin na kami ng daddy mo, ang dami kasing work na need tapusin e"

pangit pangit nila kabanding. Tiningnan ko siya ng maigi kung nag sisinungaling ba ito , pero wala naman akong makita dahil nagiging linya nalang ang mata niya sa lawak ng ngiti.

"Hehe ok lang po mommy sege alis na po ako, take care!"

I kiss her forehead before living the house, malungkot akong naglalakad papasok sa Campus, napapasinghot pa ako ng maramdamang tutulo ang sipon ko, Kumuha nalang ako ng chocolate, tiningnan ko yun at nginusuan.

"Baby.. di nila alam na birthday ko, hindi na ba nila ako Mahal?"

Kinakausap ko ito na para bang kaya niyang sagutin ang tanong ko, napabuntong hininga nalang ako at sinimulang kainin yun.

"Babylaaaabbss!!"

Bigla akong nabilaukan at napa ubo.

"Hala, babylaaabs ok kalang ba?"

Hindi ako makasagot at patuloy padin sa pag ubo, nakita ko na may kinalkal ito sa bag niya.

"Ito tubig"

Walang alinlangan na inimon ko yun, mag to toothbrush nalang ako mamaya baka kasi may laway niya eh.

"Ok kana ba?"

"Kanina oo, pero ng nakita ko sumama pakiramdam ko"

Deretsyong sabi ko, at inunahan siya sa paglalakad, napangiwi ako ng makita itong sumunod sakin. Hindi niya din ba na alala? Akala ko ba alam niya lahat sakin. Medyo nainis ako sa isiping iyon kaya naman mas lalo ko pang binilisan ang pag lalakad,

"Laabbss hintay naman bakit ba ang bilis mo."

Mas lalo ko pang binilisan ang pag lakad ko, para na tuloy akong tumatakbo,mas lalo Naman akong nainis ng maabutan Niya ako.

"Tigilan mo nga muna ako, Zyrine wala ako sa mood"

Sumimangot ako at itinuloy ang pag lalakad, napabuntong hininga nalang ako ng makita sa gilid ng mata ko na patuloy padin ito sa pag sunod. Patuloy ito sa pag ka usap sakin, at patuloy Din ako sa di pag pansin sa kanya, na excite ako ng makarating ako RTR (Roof top Room) masaya kong binuksan ang pinto, pero wala akong nakitang tao, wala pa ba sila dito? Nilibot ko ang tingin sa paligid sakaling makita sila, pero wala talaga hanggang sa makapasok na si Zyrine.

Babysitting the cold prince [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora