Kabanata 14

0 0 0
                                    


Hindi ko alam kung anong trip nito ni Soledad pinapunta banaman ako sa tahanan nila ginoong Eduardo at gabi pa.

"Ginoo nais 'ho kayong makausap ng aming señora",ani ni soledad.napatakip pa ako sa hiya kasi maraming mga taong tumitingin saamin.

Bumukas ang pintuan at bumungad saamin ang naka reading glass at nagbabasa na si ginoong Eduardo para siyang yung sa horry potter na bidang lalaki.

"Binibini maaring bukas na lamang 'ho tayo magusap malalim na ang gabi matutulog na 'ho kami",ani niya

Ito kasing si Soledad makatrip wagas!may ilang hindi nakakadaan na kalesa dahil nasa gitna kami.

"Ginoo ito 'ho kasing si so--",hindi ko na natapos ang aking tinuturan ng kinurot ako sa balikat ni soledad.ang sakit!kainis 'tong si soledad kung may gawin ako para magbreak sila ng jowa niya.

Sinenyas niya ako na magsalita sa harap ni ginoong Eduardo.

"Paumanhin ginoo sa pagistorbo ko sainyo sa tahanan ko 'ho tayo magusap bukas",ani ko.

Umalis na kami sa tapat ng tahanan nila,kinurot ko din siya sa kamay.

"Aray!Señorita ano 'hong problema niyo?bakit kayo nagungurot",reklamo niya.

Para akong nanay na galit dahil makulit ang anak,umakyat ako sa asotea sinundan din niya ako.

"Soledad nakakahiya ang pangyayari.ikaw ba naman na magtungo roon ng gabi at nakakaistorbo pa sa pamilya niya",ani ko.

Tumawa lang ang soledad parang iniisip ko na sakanya hindi nakainum ng gamot kaya nasiraan ng bait hindi pa din siya tumigil sa pagtawa kaya iniwan ko siya roon bahala siya!

"Señorita buksan niyo 'ho ito",ani niya.

Binuksan ko ang pintuan gusto kung malaman anong trip niya saamin ni ginoong Eduardo.

"Paumanhin señorita kung kayo ang napagtripan ko wala 'ho kasi akong magawa señora",ani niya kung wala siyang magawa eh magbasa siya.

Tumango nalang ako at sinabi ko sakanya na matutulog na ako dahil linggo nanaman marami nanaman akong gagawin.

Kinabukasan maaga akong gumising,naghilamos muna ako ng aking mukha at naligo bago bumaba.

Naabutan kung kausap ni aling Minda si ginoong Eduardo kumain muna ako kasi abala pa naman sila sa paguusap.

"Narito kana pala ijha kausapin muna si ginoong Eduardo balikan muna lang yan kapag tapos na kayo magusap",ani niya.

Tumango ako sakanya at umupo ako sa sala,sinenyasan ko si soledad na tulungan ako rito di ko alam ang gagawin ko.

"Ginoo nais ko sanang malaman pa ang tungkol sa paksang sipnayan",ani niya.

Tumango siya saakin,bago siya magsalita kumuha ako ng pluma at papel para maniwala siya saakin ang mga bawat salita niya ay isinusulat ko sa papel.

"Maraming Salamat ginoo sa pagtulong niyo saakin",ngiti kong ani.ayos naman ito para pagmakabalik na ako sa panahon ko di na ako mahihirapan sa math kasi may take note.

Kumaway siya saamin bago humakbang sa kalesa,dinaig pa ako ni Soledad sa mga kalokohan niya.

Kinahapunan,abala ako sa pagsusulat.hindi na ako pinapunta ni aling Minda sa pabrika kasi nagalala siya na baka lumusob ang mga tulisan sa pabrika at patayin ako,masakit na nga ang kamay ko kakasulat ng mga listahan,may inihandang merienda si aling Minda saakin.

Bumaba ako para kunin ang naiwan kong pluma,may mga batang humihingi ng salapi sa ale ngunit ang ale hindi lang naman ito binigyan,kinuha ko ang aking kartera na may lamang limang pisong barya ibinigay ko 'yun sa mga bata natuwa naman sila,nakita ako ni ginoong Eduardo sa gilid.

"Napakabuti mo Binibini",papuri niya saakin itong puso ko parang abnormal kung tumibok umiwas ako ng tingin sakanya namumula kasi ang aking mukha.tinakpan ko ang namumulang kong mukha.

"Naawa lamang ako sa mga bata",ani ko na hindi tumitingin sakanya,mabait ako sa kapwa ko 'yun ang palaging sinasabi ng aking nanay dapat maging mabait ka hindi maging salbahe at maldita.

Tumango nalang siya sa aking tinuran,bumabalot saamin ang katahimikan ni isa walang nagsasalita saamin,narinig kung bumuntong hininga muna siya bago magsalita.

"Binibini maari 'ho ba kayong sumasama saakin kung iyong mamarapatin mamayang gabi mamamasyal lamang ako. may pailaw ng parol ngayon sa sentro",ani niya.

Malapit na pala magpasko marahil siguro sa amin hindi pa pasko,tumango nalang ako sakanya.

Kinagabihan,nakarating kami sa sentro,namangha ako sa ganda ng mga parol parang nakikita ko itong eksena kunyari sa mga nababasa at napapanood kung palabas maraming mga tao dito.

"Napakaganda ng mga parol ginoo",ani ko.tumingin siya saakin ang tingin na nakaka tunaw,napaubo nalang ako.

"Mas maganda ka pa binibini rito sa mga parol na napapalibutan natin",ngiti niyang ani mas lalong namula ang aking pisngi bakit ganto nararamdaman ko sa lalaking ito?di ko maexplain.ngumiti nalang ako sakanya.

Naglalakad kami habang tinitingnan ang mga iba't ibang mga parol may iba't iba din itong hugis may hugis puso,kahon,parahaba at iba pa.nakasabit ang mga parol sa mga puno.

Sa haba ng paglalakad namin ng may naapakan akong palaka kaya dali-dali akong yumakap sakanya,napatingin pa siya saakin parang nakakahiya ang pangyayaring ginawa ko kainis!.

"Paumanhin hindi ko 'ho sinasadya ginoo may palaka kasi akong naapakan takot kasi ako sa mga palaka",ani ko.palihim siyang tumawa kaya pilit akong ngumiti sakanya muka ba akong joker para pagtawanan ng nakita niyang nakasimangot ako pumigil siya sa pagtawa.

"Naintindihan ko 'ho binibini",ani niya.mabuti naman baka iisipan niyang mapusok ako.

●●●●●

Maraming Salamat po sa pagbabasa,sana na enjoy niyo ang story.








"Ang Mahiwagang Larawan"Where stories live. Discover now