Kabanata 3

5 0 0
                                    


Bago umalis ang maestra ay tinanong ko sakanya kung saan matatagpuan ang ginoong iyon,sa barangay Juan ko raw matatagpuan ang lalaking iyon.

"Maraming salamat maestra,ngayon alam ko na ang dapat kung gawin",ngiti kong ani.

Ngumiti din saakin si maestra,sumabay na din ako sakanyang lumabas.

"Kung kailangan mo ng tulong ijha nandito lang ako",ani niya nakatingin saakin..

Takipsilim akong nakarating sa barangay juan,may ilang nagsibati.

"Señorita ano po ang iyong pakay rito saaming barangay?",usisa ng matandang ale.

Ngumiti ako sakanya. "May bibisitahin lang 'ho"

Tumango naman ang ale,may ibinigay saakin si maestra Josefina ang mapa ginamit ko iyon para madali ako makapunta doon,inaalalayan pa ako ng mga babae

"Wag na kayong magalala saakin hindi naman ako mahuhulog rito",ngiti kong ani ngunit hindi sila nakinig saakin at inaalalayan ako..

Nasa taas kami ng bundok,nagpaalam ang mga babaeng nagalalay saakin rito sa bundok dahil may kailangan pa silang gawin,kumatok ako.

Binuksan iyun ng ginoong may dalang tasa.infairness!ang gwapo niya!..

"Magandang hapon 'ho binibining Maria",ani niya at hinubad ang kanyang subrero.

Nakita din ako ni mang tomas. "Magandang hapon din ginoo nais ho sana kitang makausap?"

Tiningnan ni mang jose ang kanyang anak,sandaling isinara nila ang pinto at binukas ulit.

"Maari 'ho binibining Maria",ani niya at umupo sa silya.

Bumuntong-hininga muna ako bago magsalita,sana nandito si maestra para matulungan ako hindi ko na alam ang aking gagawin,may sumilip saamin si maestra 'yun thank you Lord.sumenyas siya na parang sinasabi niya na alukin itong ginoo ng kasal.

"Ginoo wag ka sanang mabibigla saaking sasabihin",ani ko.Tumango lang ito."Nais ko sanang magpakasal sayo"

Nagulat siya sa aking tinuran,ayaw kung magpakasal pero kailangan para makaalis na ako dito sa panahong 1744.

"N-gunit wala pong pahintulot ng inyong a-ma na ibig niyo ho akong pakasalan",ani niya na kinakabahan din dahil nauutal ito.

Sana sa oras na ito kainin na ako ng lupa at maglaho.

"Ibig ko sanang lihim ang ating pagpapakasal",ani ko na mas lalong ikinagulat niya,nagtango lang si maestra sa sinabi ko.

"Binibini paumanhin ngunit hindi po ako papayag na magpakasal,magagalit ang inyong ama kapag nalaman niyang ikinasal ka sa hamak kong magsasaka lamang ang kabuhayan at marami pa po akong pangarap",ani niya.

Hindi 'to maari kailangan maikasal kami dahil iyun ang misyon.

"Ginoo kung papayag ka na magpakasal saakin,bibigyan kita ng maraming salapi.para sa gamot ng inyong ina sa sakit na kancer",ani ko.

Nagulat siya,marahil nagitlaan siya sa aking tinuran.

"Paano niyo po binibini na laman ang tungkol saaking ina",ani niya.

Sinabi saakin ni maestra ang kalagayan ng kanyang ina.

"May nagsabi lang saakin",ani ko.

Tumango nalang ito at akmang aalis ng nagsalita ako "Pagisipin mong mabuti ang iyong pasya"

Kumaway siya saakin,kumaway din ako pabalik.pinalakpakan pa ako ni maestra Josefina.

"Ang galing mo ijha,tiyak akong magagawa mo ng mabuti ang iyong misyon",ngiti niyang ani.

Sumakay na kami sa kalesa,at umuwi.

Papasukin ko sana si maestra sa loob ng aming tahanan ngunit ayaw niya kaya hindi ko nalang siya pinilit.

"Magandang gabi binibining Lorena",ani niya.may dala siyang bulaklak at bilao.

Siya si Alfredo ang manliligaw ni ate Maria ngunit hindi gusto ni ate Maria si Alfredo.

"Magandang gabi din",ani ko at umupo sa silya.

Pinatawag niya pa ang mga guardia.isa-isa nilang ibinigay ang bulaklak saakin.

"Sana magustuhan mo Binibini ang aking iaawit ngayon",ani niya.

Naghaharana siya parang ayoko atang marinig.

"Paumanhin ginoo ngunit kailangan ko ng magpahinga",ani ko.Tumango siya sa aking sinabi naintindihan niya siguro na pagod ako sa byahe papuntang barangay Juan.

Umakyat na ako sa ikalawang palapag at pumasok sa aking silid,isinindi ko ang ilaw ng lampara.hindi ako makatulog ng walang ilaw.

Kinaumagahan,maaga akong pumasok sa unibersidad.wala pa ang aming maestra,nagbabasa ako dahil mabobordo ako at wala akong makausap.

"Aking amiga kanina ka pa riyan nagbabasa,pupunta sana ako sa inyong tahanan kagabi ngunit wala ka roon",ani niya

Siya si Celestina Flores ang matalik na kaibigan ni ate maria simula pagkabata.

"Nagtungo ako sa barangay juan",ani ko.tumango naman siya sa aking sinabi.

Pinagpatuloy ko lang ang aking pagbabasa.

"Bakit ka nagtungo roon amiga?",usisa niya.

Nagisip ako ng sagot dapat hindi niya malaman ang totoo,kahit kaibigan ko siya dito sa makalumang panahon.

"May pinuntahan lang roon amiga",ngiti kong ani

Naniwala naman siya sa aking tinuran.

Kinahapunan,narito kami sa aklatan upang mag panaliksik ng sagot sa iba't ibang libro.

"Ito yung librong sipnayan makakatulong ito sa pagnanaliksik natin sa ating paksa",ani niya inabot niya saakin ang librong sipnayan.

Ang aking paksa ay tungkol sa araling sipnayan makabubuti nga ito upang mahanap ang sagot.kay celestina naman ay agrikultura ang kanyang paksa.

Abala kami sa pagnaliksik ng libro ng may tumawag saking ngalan.

"Maria!ipinadakip ng iyong ama ang rebeldeng gustong tumangka sa inyong buhay",ani niya na mas kinagulat ko.

"Wala akong natandaan na may tumangka saaking buhay",ani ko.

Isinabi niya ang nangyari nalaman niya ang nangyari saakin dahil sinabi ito ng aming mga kasambahay,mahimbing ako natutulog na kalimutan ko isara ang bintana kaya nakapasok ang rebelde may dala itong patalim.akmang papaslangin niya ako ng sinuntok ng lalaki ang rebelde may dalang patalim din ang lalaki itapat niya sa rebelde ang dala niyang patalim.natakot ito at dali-daling lumundag sa bintana.

"Mabuti nang ipinadakip ng iyong ama ang mga rebeldeng gustong tumangka sa iyong buhay",ani ni celestina hinawakan niya ang aking kamay.

Maging ang mga tao rito sa aklatan ay nagulat din sa tinuran ng aming kaklase,nakita kong nagulat din si maestra Josefina.

Sumenyas saakin si maestra na magusap kami sa kanyang opisina.tumingin muna siya sa labas bago isara ang pinto.

Nagulat kami ng may narinig kaming putok ng baril.

Authors Note:Salamat po sa pagbabasa.

"Ang Mahiwagang Larawan"Where stories live. Discover now