Kabanata 9

0 0 0
                                    

Wala kaming lifevest paano ako lalangoy nito di pa naman ako marunong.

"Aling Minda may lifevest po rito?",usisa ko.umiling siya nasa makalumang panahon ako wala ditong lifevest ang tanga!.

"Ijha tumalon ka na lamang upang makaligtas",ani niya hindi ako makatalon dahil kapag tumalon ako malulunod ako."Marunong ka naman lumangoy"

Paano ko panindigan 'to di naman ako talaga marunong maglangoy.kinuha ko ang malaking kahoy at tumalon sa tubig.sana hindi magcrack 'tong kahoy.

Nakahinga ako ng malalim ng narating namin ang daungan.inalalayan ako ng isang ale.

"Anong nangyari sainyo señotita?",usisa niya.basa ang aking ba'rot saya.pati narin ang aking panyapak.

"Nataob po ang aming barko mabuti ngang marunong ako lumangoy",ani ko.tumango siya at binigyan niya ako ng balabal at isinuot ko iyon.

Dumating ang aming kalesa dali-dali akong sumakay dahil gusto ko ng makauwi.

"Sandali lang po hintayin po muna natin si aling Minda",ani ko.

Nakita ko si aling Minda basang-basa din ang kanyang damit at panyapak.inalalayan kong makasakay si aling minda.

Tumigil ang kalesa sa tapat ng aming tahanan,nauna akong bumaba dahil nilalamig na talaga ako.inalalayan din ng mga kasambahay si aling Minda.

Nandito kami sa asotea pinag uusapan namin ang nangyari baka lasing yung driver kaya nataob ang barko.

"Mabuti walang nangyaring masama sainyo señorita", ani niya.

Iniba nila ang topic kaya di ko magets ang kanilang pinag uusapan.nakaupo lang ako dito sa silya at may katabing lamesa na pabilog.nagbabasa din ako ng mga diyaryo kung may tv lang dito mas maganda pa.abala ako sa pagbabasa ng may tumawag saakin

Bumaba ako at hinarap kung sino ang tao sa labas.nakasuot ito ng kamiso de chino,at haw ak nito ang sumbrero.

"Magandang gabi binibini naparito ako upang kamustah in kayo sa nangyari",ngiti niyang ani.para siyang si Andres Bonifacio.

Pinaupo ko siya sa aming silya at ikinuwento ang nangyari saamin kanina.

"Hindi ko alam kung bakit tumaob ang aming barko",ani ko.inilagay niya ang sumbrero sa tapat ng landschape.

"Marahil ay malakas ang waves ng dagat",ani niya.sabagay malakas talaga ang mga waves.pinaghanda kami ni aling minda ng pande sal at tubig.aalis na sana si aling Minda ng tinawag ko siya. "Aling Minda may juice po 'ba kayo?",ani ko.

Nagitlaang tumingin saakin si aling Minda."Ju-ice?" nagisip ako kung ano tagalog ng juice.

Tumingin sila saakin hinihintay ang aking sasabihin. "Ang ibig ko 'hong sabihin may minatamis po kayong inumin"

Nagets naman nila ang ibig kong sabihin.sandaling bumalik si aling Minda sa kusina.ipinakita ko sakanya ang mga librong medisina.isinabi saakin ni lola ang lola ni maria na nagaaral siya ng medisina.

"Paano niyo po binibini nalaman ang aking  kurso?",usisa niyang ani natutuwa pa itong binubuklat ang ibang pahina. "Kay lola ko nalaman ang iyong kurso"

Ibinigay saakin ni aling Minda ang minatamis na inumin. "Maraming Salamat po aling Minda" tumango siya bago ito umalis may sinabi pa siya saakin.

"Sa susunod ijha liwanagin mo saakin ang iyong mga nais",ngiti niyang ani.tiningnan pa kami ni ginoong Eduardo at saka may binulong ito saakin. "Bagay kayo ni ginoong Eduardo"

Pangiti-ngiti siyang humak bang patungo sa kanyang silid.hindi kami bagay o animal tao kami.pero ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ako kinikilig sa sinabi ni aling Minda.self no inlove!

"Binibining maria maraming salamat po rito sa mga libro makakatulong ito sa aking nalalapit na eksamen",ani niya.nabalik ako sa ulirat sa sinabi niya tumango nalang ako. "Walang anuman ginoo"

Hinatid ko siya sa labas ng aking tahanan. "Maraming salamat ulit dito sa mga libro binibini magandang gabi"

Kumaway ako sakanya at bumalik sa loob ng tahanan, umakyat ako sa ikalawang palapag.bumungad saakin si aling minda na nakasilip sa bintana.

"Ijha sana pagdating ng panahon siya ang makatuluyan mo gusto ko ang binatang iyon sa iyo",ngiti niyang ani.tumango nalang ako,hindi 'yun mangyayari nandito lang ako upang matapos ang kanilang sumpa at dapat gawin ko na ang aking misyon para makabalik ako sa aking panahon.

Madaling-araw na pero di parin ako makatulog may ilaw naman dito sa silid pero di parin ako makatulog.nagba basa ako ng mga libro ng may kumatok.

"Anong kailangan niyo po?",usisa niya.kinakamot ko pa ang aking mata.

"Señorita paumanhin po kung naistorbo ko kayo sa pagtulog may ipinamimigay pong liham si maestra Josefina",ani niya.

Kinuha ko ang liham kainis naman 'tong si maestra.tining nan ko muna siya bago magsalita. "Pakisabi kay maestra maraming salamat rito sa liham"

Tumango siya at saka umalis binuksan ko ang liham.

Joanna
Magkita tayo bukas sa likod ng unibersidad may nais akong sabihin saiyo tungkol sa iyong misyon rito.magiin gat ka palagi.

         Ang iyong maestra
                  Josefina

May pa liham epek!si maestra  pwede namang sabihin saakin bukas.pinatay ko na ang ilaw ng lampara.

Kinaumagahan,nagising ako sa ingay sa labas.bumangon ako at tiningnan kung ano ang nangyayari sa labas.may mga tao na nakapagilid may inaabangan siguro.

"Magandang umaga 'ho señorita",ani niya sabay-sabay din silang bumati.tumango ako sakanila."Anong nangyayari rito"

May pumapaypay pa ng kanilang abaniko dahil sa init ng panahon.

"Paparating po kasi ang iyong ama rito sa laguna kaya di magkamayaw ang mga tao",ngiti niyang ani.

Darating pala ang gobernador cillio kaya ganto ang mga tao.di pa gising siguro si aling Minda.pumasok ako sa bahay at tinawag ang kasambahay namin na kasing edad ko.

"Solidad maghanda ka ng almusal paparating ang aking ama rito",ani ko.dali-dali siyang pumunta sa kusina tinawag pa niya ang mga iba pang kasambahay.

Natamaan ang iba sa kahoy sa pagmamadali palihim akong tumawa.tiningnan pa ako ng isang kasambahay ng piece sign nalang ako hehehe.

"Ang Mahiwagang Larawan"Where stories live. Discover now