Kabanata 12

0 0 0
                                    

Nagpaalam na ako sakanya na uuwi na ako,naabutan kong hina hawakan ni manong ang kabayo namin na si Petra.ang pangit ng nagpangalan.

"Manong uwi na po tayo",ani ko tumango naman siya at nagsimulang paandarin ang kalesa..

Kinaumagahan, tahimik kami nananghalian ni isa walang nag sasalita saamin.tinutusok-tusok ko pa ang karne wala akong malay kumain kung ganito katahimi k ang mga tao.

"Aleng!pakikuha ng malamig na tubig",utos ko pinagtitinginan pa ako nila.nagpeace sign ako,napa kamot nalang sila ng ulo marahil hindi nila alam ang ibig sabihin ng peace sign.

Dumating si aleng na may dalang malamig na tubig.inusog pa nila ang kanilang upuan.

Pagkatapos naming kumain sinamahan ko si aleng na maligo sa dalampasigan may dala siyang pamalit tiningnan ko pa nga kung may bikini siyang dala.

"Aleng may bikini suit ka diyan?",usisa ko parang wala akong makita na bikini suit.

Nakakunot-ulo siyang tumingin saakin at humakbang na papuntang kalesa.

"Wala po akong bagay na tinuran niyo po",ani niya.

Sabagay nandito ako sa makalumang panahon di pa uso dito ang mga bikini suit sumakay nalang ako sa kalesa na nakanguso kakain nalang ako pagkadating namin sa dalampasigan.

Narating namin ang dalampasiganang ganda ng sunlight ngayon.ang alam ko may kamera dito.

"Manong may kamera dito diba?",tanong ko kay manong na naglilinis ng mga lamesa.

Hindi niya ako pinansin kainis tong si manong bingi ba siya common sense nandito ako tinatanong siya. tinanong ko yung matandang babae na nakaupo.

"Ijha itanong niyo sa mayari nito",ani niya.tumango ako kay manang.

Itinanong ko sa mayari ang sabi raw nila may kamera sila  kahit black and white lang basta may memorya lang ako,ibinigay ni manong saakin ang litrato ang ganda ko dito.

"Señorita saan ho kayo naparoon kanina ko pa kayo hinahanap",hingal niyang ani.

Sa ka enjoyan ko magpapic nakalimutan ko pala na kasama ko si aleng.

"Sorry aleng nagpapicture lang ako kay manong",ani ko.
nagtaka ang itsura niya english pala ang sinabi ko.bahala siya magintindi.

Hindi ko nalang siya pinansin umalis muna ako roon at naglakad-lakad sa resort parang feel ko ako si marimar
wala lang sergio sa buhay ko.

Nahilo ako sa dami ng tao rito,bumalik ako sa maliit na bahay namin na binayaran at uminom ako ng tubig ang init panaman ng panahon dumating siya na basa ang kanyang damit naligo siguro siya.

"Señorita may dagdag 'ho kayo ng barot saya",ani niya na nilalamig.tumango ako at binigay sakanya ang susuutin ko sana na barot saya.

Nagalinlangan pa siyang kunin yun baka gagamitin ko ang barot saya.umiling ako sakanya hindi naman ako naligo rito kaya ayos lang na pahiraman ko siya.

Ang takaw ko talaga ang dami ko ng nakain na karne,manok  nilagang itlog,gulay.gutom ako eh kaya yung mga nabaon namin na pagkain kinain ko.parang sumama lang ako para kumain.ang galing pa nakataas ang paa ko habang kumakain.mabuti nalang walang tao rito.

"Señorita Maraming Salamat ho sa pinahiram niyong bar'ot saya",ani niya.tumango ako sakanya.

Napaglagyan ko din siya ng ulam sa kanyang plato at nagsimula na siyang kumain umalis ako dun para di siya madistract kumain.pero mali ata akong umalis doon kasi nadatnan ko rito yung mga lalaking walang damit.mabilis pa sa kabayo ako bumalik ngunit may tumawag saakin.

Di ko yun pinansin at patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa nabangga ko yung lalaki na may hawak na pagkain natapun din ang pagkain niya sa plato nakakahiya.

"Paumanhin ginoo kung nabangga ho kita at natapon ang iyong pagkain.hindi ko sinasadya ang nangyari",ani ko.

Susuntukin na sana niya ako ng mapagtanto niyang babae ako at baka masabihan pa siyang bakla dahil pumapatol siya sa babae tumango nalang ang lalaki at bumalik ako roon ng may mga buhangin ang aking buhok.

"Binibini ayos lang ho kayo?",ani niya na kumakain ng pakwan.

Tumango nalang ako at pinagpagan ang buhangin sa buhok ko para maalis,narinig namin ang imgay  ng mga tao kaya nataranta kami ni aleng.

Dali-dali naming nililigpit ang mga pagkain at mga gamit namin baka mga tulisan yun stalker siguro ang mga tulisan paalis na sana kami ng nagulat ako tinutukan nila ako ng kalis pati na rin si aleng.

"Ang Mahiwagang Larawan"Where stories live. Discover now