Kabanata 4

1 0 0
                                    

Bumukas ang pinto ng opisina bumungad saamin si maestra Salvacion may dala itong bilao.

"Anong nangyayari sa labas?",usisa ni maestra napahawak pa ito sa kanyang puso dahil sa gulat,hindi parin tumitigil ang putok ng baril.

Inilapag muna niya ang bilao sa mesa at saka nagsalita.

"Nilusob ng mga tulisan ang pamilihan at nanloob sa inyong tahanan",ani niya.

Paano kaya nakapasok ang mga tulisan sa aming tahanan maraming mga guardia roon hindi basta-basta makakapasok.

"Panigurado akong sinamantala nila ang pagtungo ng iyong ina sa laguna maria para makapasok sa inyong tahanan",ani niya.

Sa bintana sila dumaan para hindi halata na napasukan ang aming tahanan ng mga tulisan.sigurado akong kinuha nila ang mga papeles na naglalaman ng mahalagang anunsyo.gagamitin din nila ang papeles na iyon laban kay ama.

Nagpaalam na si maestra Salvacion dahil may kailangan pa raw siyang gagawin,isinara ni maestra josefina ang pinto.

"Ijha magiingat ka alam mo naman siguro ang katauhan mo rito sa panahong 1744,isa kang anak ng gobernadorcillio maraming mga tulisan ang magtatangka sa iyong buhay",ani niya.

Tumango nalang ako sa kaniyang sinabi dating gobernadorcillio ang tiyo ni lola.

"Kapag namatay ka rito hindi kana makakabalik pa at hindi na matutuloy ang misyon mo"

Binigyan niya saakin ang platong may lamang pansit.humindi nalang ako sapagkat hindi pa ako nagugutom.

Kinagabihan,nagsusulat ako ng liham kay ama ikiniwento ko kay ama ang nangyari kaninang umaga at ang pagtangka sa aking buhay.

"Señorita may dala po akong tubig",ani niya.binuksan ko ang pinto.

"Maraming salamat 'ho",ani ko tumango siya bilang tugon.

Sa tuwing pagod ako sumasakit ang ulo ko.kaya kailangan kong magtake ng gamot.

Araw ng Huwebes,inimbitahan kami sa kaarawan ng gobernador-heneral suot ko ngayon ang bigay ni ina na kulay gintong baro't saya at ginto din ang aking payneta,hawak ko din ang kartera na kumikinang.

"Napakaganda mo anak",natutuwang ani niya.

Inalalayan akong makasakay sa kalesa dahil mahaba ang aking saya.

"Tiyak akong ikaw ang maganda ngayong gabi",ngiting ani ni ina katabi ko siya kulay pula ang kanyang baro't saya na may burdang rosas.

Nakarating kami sa tahanan ng gobernador-heneral maraming mga panauhin,binati kami ni ina ng makapasok kami sa loob ng tahanan.inabot ko sa kasambahay ang regalo naming perfume na galing europa.

Masayang nagkwekwentuhan sila ina at iba pang opisyal,tahimik lang akong nakikinig sakanila at kumakain.

"Magandang gabi binibining maria",ani niya at tinapat ang kanyang sumbrero.

Siya ang anak ng gobernador-heneral na si Jose ang dapat na ikasal kay ate maria.

"Magandang gabi din ginoo",ani ko habang hawak ang tasa.nagkwentuhan lang kami tungkol sa kanyang layunin kung sakaling maging heneral siya.

"Para sa iyo binibining maria",ani niya inabot niya saakin ang bulaklak na mirasol.parehas pala kami ni ate maria mahilig sa bulaklak na mirasol.

"Maraming salamat rito sa regalo niyo ginoo",ani ko.

Ngumiti siya pinagpatuloy niya ang pagkwekwento,may mga biro din siya na talagang nakakatawa.

Tumingin saakin si maestra Josefina yung tingin niya nagalit.alam niyang siguro na kasama ko si Ginoong Jose.

"Panigurado ako señor na hinahanap na ako ng aking ina",ani ko.tumango siya humakbang na ako papalayo roon.

Galit na siya siguro na kasama ko si ginoong jose.

"Mahigpit kong ipinagbibilin ngayon na iwasan mo si señor Jose",galit niyang ani.tumango nalang ako pwede kaya na hindi maalis ang sumpa sa tuwing kasama ko si señor Jose.

Hinatid kami ni mang kanor ang aming kutsero sa aming tahanan.may dala pa kaming giveaway na galing kay gobernador-heneral.

Kinaumagahan,maaga akong pumasok sa unibersidad wala pa ang aming maestra at kakaunti palang ang mga tao.

Nagpapahangin ako dito sa labas sa ganitong oras malamig ang hangin.may mga iilang na mga estudyante nagsipasok na sa kanilang classroom.may nakita akong cp sa basurahan kinuha ko iyon,pinindot ko ang power buttom cp ko nga 'to,gumana siya yung wallpaper ko nga sila mommy.

Matawagan nga sila mommy.idinial ko ang no ngunit out of coverage siya baka lowbat si daddy kaya.out of coverage din si dad.

May tumawag sa ngalan ko si celestina lang pala akala ko kung sino.

"Amiga!pagkatapos magleksyon ni maestra magtutungo tayo sa teatro gusto kung manood ng palabas ngayon samahan mo ako",ngiti niyang ani.tumango nalang ako sakanya at dinial ko ang no ng kapatid ko.

Nagtataka siyang tumingin sa cellphone ko.hindi ko nalang siya pinansin tinuon ko nalang ang paghintay na sagutin ng kapatid kong 'to ang tawag ko.

"Hello!who are you?",tanong niya sakabilang linya.ay wow!di na ako kilala ng kapatid ko nagka amesia ata. "Si joanna 'to kapatid mo"

Narinig ko pa yung ingay ng music niya at pinatay niya ang tawag ang galing!talaga niya.

"Anong klasing teknolohiya iyan alam kung walang nagtitinda sa pamilihan na ganto",nagtataka niyang ani hinawakan niya pa ang cellphone ko.

Nagpumilit akong ngumiti hindi ko alam kung paano magexplain?sakanya.

"Iyan ay cell-iste telephono",ani ko.tumango naman siya pinindut-pindot niya ang cp baka masira.

Tuwang-tuwa pa siyang nilalaro ang aking cellphone. "Kay ganda ng telephonong ito"

Ngumiti nalang ako ang galing lang!na makita si celestina sa makalumang panahon na gumamit ng cp wala pa silang alam kung paano gamitin iyun.

"Pahiramin mo ako niyan pagkatapos ng ating klase",ngiti niyang ani at binigay saakin ang cellphone.mabuti natagpuan ko ang cellphone ko di na ako mabobored dito sa makalumang panahon.

Nagulat ako ng bigla akong nabitawan ang cp ko at nahulog ito.



















"Ang Mahiwagang Larawan"Where stories live. Discover now