Chapter 5 : Pag eensayo

2 1 0
                                    

Maagang naghanda si Prince Nathan papunta sa lugar ng pag eensayo.

Nakita siya ni King Dave sa pasilyo

"Nate! Mag eensayo ka na?"

"Opo King Dave"

"Hindi mo na ba kailangan ng makakasama? Para naman di ka maburyo mag-isa."

Sakto naman ang paglitaw ni Princess Vanessa sa pasilyo.

"Sige po. Kay Princess Vanessa nalang po ako magpapasama King Dave. Mukhang wala naman siyang gagawin." turo niya kay Princess Vanessa

"Mukha nga. Vane magbihis ka at samahan mo muna si Nathan sa pag eensayo. Ikaw muna mag asikaso sa kanya. Marami pa akong aasikasuhin."

"Bakit ako ama? Pwede naman siya samahan ng mga kabalyero natin, ng mga royal guards, o kaya si Dane?" gulat na si Princess Vanessa, hindi inasahan na siya ang sasama sa prinsipe

"Wala ngayon si Dane dito. Sige na magbihis ka na at wag ka na tumutol pa. Sige maiwan ko muna kayo."

"Salamat King Dave"

Nathan's POV

"Bakit ako pa ang sasama sayo?" tanong ni Princess Vanessa na naiinis at bigla nalang ito nawala

Natawa siya sa dalaga, "hihintayin kita dito!"

Maya maya ay nasa harapan na niya ito, "tara na" nauna na itong maglakad

Nakasuot ito ng oberol na damit na hapit sa kanyang balingkinitang katawan.

"Kailangan pa ba natin ng karwahe? Parang hindi na yata." meron kasi silang kakayahan na parehong maliksi kumilos

"Ano pa nga ba? Mauna na ko sayo." Walang emosyon na sagot ng dalaga at nawala nalang ito

Niliksihan niya rin ang kanyang kilos para maabutan ang dalaga "Huwag mo kong bibiguin ha" nakangiting malapad niya na nakasulyap sa dalaga na nakaanyong hangin.

Napahinto ang dalaga. Namangha ito sa kanya. Bilang lang kasi ang nakakapansin sa kanya pag nakaanyong hangin siya o invisible.

"Nalalaman mo kung nasan ako?"

Binalik nito ang sarili sa tunay na anyo

"Oo. Ako pa ba?"

Nasa labas na sila ng kaharian. Kumikristal naman ang balat ko sa sikat ng araw.

Umaaraw pala ngayon?

Nauuna ako kay Vanessa.

Mas uminit bigla ang araw

Bigla na lamang ako tinulak ng dalaga sa malaki at malagong puno.

Natumba tuloy kaming dalawa.

Tumayo agad si Princess Vanessa.

"Naalala ko kasi na nasusunog ang mga bampira sa init ng araw. Kaya tinulak kita dito sa puno. Paumanhin." nahihiya niyang paliwanag

Natuwa siya sa dalaga. Maaalahanin naman pala ito at may kabaitan.

"Salamat Princess Vanessa" binigyan niya ng magandang ngiti ang dalaga

Tumayo siya

Napansin naman siya ng dalaga na lalakad

"San ka pupunta? Sumilong muna tayo"

Nilingon niya ang dalaga

"Bago mo ko tinulak, naramdaman ko na ang init ng araw sa aking balat, pero bakit ganon hindi nasusunog ang balat ko sa init ng araw? Gusto kong kumpirmahin kung totoo nga."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 07, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mystical World : The Powerful CreatureWhere stories live. Discover now