Chapter 1 : Prophecy

17 4 0
                                    

Kalat sa pitong kaharian ang balita sa pangitain ng isang sorceress na may unique skill na precognition, kakayahang makakita ng pangitain sa hinaharap.

Ayon sa kanyang salaysay, may isisilang daw na sanggol na may pambihirang lakas at kapangyarihan na galing sa dalawang lahing pinagmulan. Mababago nito ang sistema ng mundo.

Sa pagdating ng sanggol ang kapayapaan at pagkakaisa ng mga kaharian ay mapapalitan ng digmaan.

Kaya napagkasunduan ng mga namumuno sa pitong kaharian na magtipon at gumawa ng plano para mapigilan ang prophecy na ito.

"Malaking trahedya ito! Dapat mapigilan natin ang prophecy na ito!" pagsisimula ng hari ng Elemental Kingdom na si King Dave

"Ano ang dapat nating gawin? Natatakot ako na baka ang sanggol na ito ang uubos sa aming lahi." tugon naman ng reyna ng Fairyland Kingdom na si Queen Loren na nanginginig at napakapit sa kanyang asawa na isa ring fairy

"Sa tagal na nating namumuno hanggang ngayon wala pa naman akong nababalitaang may nag asawa sa kasaysayan ng ibang lahi." Pagtataka ni King Jason, hari ng mga lobo

"Yun na nga. Siguradong may paraan pa para mapigilan natin ang prophecy na ito." sang-ayon naman ng kanyang asawa na si Queen Lourdes

"May naisip akong gawin. Gumawa tayo ng batas na epektibo sa pitong kaharian." suggestion ng hari ng Vampblood Kingdom na si King Tristan

"Ano naman kaya yun ha mahal ang naisip mo? Nong isang araw pumalpak ka sa iyong plano sa kaharian natin." Piningot ito ng reyna ng mga bampira na si Queen Chrishia

"Mahal naman wag mo ko ipahiya." nakasimangot na sabi ng hari ng mga bampira. Napahalaghak naman sa tawa ang iba.

"Ano ang iyong suggestion King Tristan?" tanong ni Queen Dyna ng Enchanted Kingdom na nakabungisngis

"Gumawa tayo ng batas sa bawat kaharian na bawal ang mag asawa na galing sa ibang kaharian o hindi kauri sa ganun eh mapigilan natin ang prophecy na ito." seryosong sabi ni King Tristan

"Magandang ideya nga iyan" sang-ayon naman ni King Jenesis na nakahawak sa kanyang bigote. Hari ng Fairyland Kingdom

"Papangalawa ako sa panukala. Pero ano naman kaya ang parusa pagmay sutil na lumabag sa batas na ito?" tugon ni Queen Jinky ng Animal Kingdom

"Isa lang ibig sabihin nun hindi natin napigilan ang prophecy. Nakahanda naman akong protektahan ang aming lahi!" sabay labas ni King Gabriel ng kanyang espada na umaapoy, hari ng Artificers Kingdom

Binatukan naman siya ng kanyang asawa na si Queen Michelle, "Ang yabang mo. Itago mo nga yan! Baka sayo pa nga magsimula ang gulo" inirapan ni Queen Michelle si King Gabriel, napatawa naman sila

"Haha edi ganito nalang pagmay lumabag, kailangan nating paslangin ang sanggol pati na rin ang kanyang mga magulang na siyang lumabag. O kaya buong angkan nalang nila idamay na sa ganun eh matakot sila at maiwasan ang paglabag ng batas pagnalaman nila na malaking parusa ang kanilang dadatnan" suggestion ng asawa ni Queen Jinky na si King Prime

"Grabe naman nun, kasalanan ng dalawa, kasalanan na ng lahat? Haha gulo nga ang abot nito. Mukhang nakakatuwa to!" nakalokong ngiti na si King Gabriel

Kaya binatukan siya ulit ng kanyang asawa, "ikaw talaga, hindi ka nakakatulong. Hari ka ba talaga?"

"Honey naman napakaseryoso. Highblood masyado eh" sagot nyang nakasimangot

Tawang tawa sila sa itsura ni King Gabriel na pinagalitan ng kanyang reyna, dahil sa kanyang kalokohan. Gusto niya lang talaga ilift up ang mood nila kasi ang seryoso ng iba, at yung iba naman nababahala sa balita.

Mystical World : The Powerful CreatureWhere stories live. Discover now