Chapter 4 : Pendant

7 2 0
                                    

"Iiwan ko muna dito si Nate, King Dave. Ikaw na bahala sa kanya. Pagbalik ko dito may ihahandog ako sayo na tiyak na magugustuhan mo."

"Walang problema King Tristan. Naku kahit wala na parang di tayo magkaibigan. Tsaka sanay na rin tong anak mo dito." hinawakan ni King Dave sa ulo si Prince Nathan at natutuwang ginulo ang buhok nito

"Basta may ihahandog ako sayo, bilang pasasalamat. Paano ba yan, mauna na ako King Dave may aasikasuhin pa ko sa kingdom. Nathan yung mga bilin ko sayo. Pagmag eensayo ka dapat sa lugar na pag eensayo lang para walang mapahamak."

"Masusunod mahal na hari."

Iniwan na nga ni King Tristan si Prince Nathan sa Elemental Kingdom.

Tumila na ang ulan. Medyo madilim lang ang paligid at walang sikat ng araw.

"Anong plano mong gawin ngayon Prince Nathan? Kung may mga kailangan ka huwag kang mahiyang magsabi sakin. Gusto mo ba ng kasama? Para may kasama ka sa pag eensayo mo at pagpasyal mo dito sa kaharian." - King Tristan

"Wag na po King Tristan. Kabisado ko naman po ang kaharian ninyo. Tsaka bampira po ako King Tristan hindi po ba? May malilinaw akong mga mata, kaya siguradong di po ako maliligaw." tugon nito kay King Tristan

"Sabi ko nga. Siya sige maglibang ka dito ha."

"Opo King Tristan. Maglilibot po muna ako"

Tumango naman si King Tristan bilang tugon.

Prince Nathan's POV

Sumagi sa isipan ko si Princess Vanessa. Hinanap ko siya gamit ang malinaw kong mata.

Ayon nasa hardin ito nakaupo sa puting kubo na may kulay kahel na bubong. Masaya itong nakatitig sa paligid at nililibang ang sarili.

May mga nagliliparang ibon at paru-paro sa hardin.

Iba't ibang klase ng bulalak at puno ang nakatanim dito. Sa tabi ng kubo ay may kulay kayumanggi na mahahaba na bangko, at sa katabi naman nito ay may fountain na ang tubig na dumadaloy ay napakalinaw na parang kristal.

Ang ganda niya talaga. Bagay sa kanya ang white dress na kasing kulay ng kayang balat.

Puntahan ko kaya siya?

Ginamit ko naman ang liksi ko para makapunta agad sa dalaga.

Naupo ako sa tabi ni Princess Vanessa at sumulyap sa kanya.

Halata namang nagulat ito sakin. Hindi niya yata inasahan na pumunta ako doon.

"Nakakagulat ka naman."

"Dapat masanay ka na, dahil itong mukha na to ay araw-araw mo ng makikita" sabay hawak niya sa mukha at kumindat pa sa dalaga

Inirapan lang siya ng dalaga at tumayo na ito para umalis

"Aalis ka agad? San ka pupunta?"

"Huwag mo ko sundan. Papansin!"

Haha "Bawal bang sumama sa magandang prinsesa?" nakalokong ngiti niya

Inirapan ulit siya. Ginamitan siya nito ng kapangyarihan at pinalutang sa ere.

"Relax aking prinsesa." sabi niya ng nakatawa, pagloloko niya

"Aking prinsesa?" di na maipinta yung mukha nito

Mahina lang ang puwersa na ginamit sa kanya ni Princess Vanessa, kaya kaya niya dito makaalis.

Nagulat ito na wala na ako sa ere at dahan-dahang bumaba sa harapan niya.

Mga 10 cm nalang ang pagitan namin sa isa't isa.

Mystical World : The Powerful CreatureWhere stories live. Discover now