Chapter 2 : Vampblood Kingdom

6 2 0
                                    

Ang bawat isa sa Mystical World ay may mga unique skills at isang special ability.

Kaya ang bawat isa ay patuloy sa pag ieensayo upang madiskubre nila ang kanilang angking kakayahan at para paghusayan pa ito.

Ang mga naninirahan sa Vampblood Kingdom ay mga lahi ng mga bampira.

Sila ay may mga matatalim na pangil, humahabang kuko, may maputla at malamig na balat, golden eyes na pumapalit sa mapupulang mata lalo na pag sila ay nagagalit, umiinom ng dugo, o nakaamoy ng sariwang dugo.

Wala silang reflection pagtumingin sa salamin. Hindi manlang nila mapagmasdan ang kanilang angking kagandahan at kagwapuhan.

Wala din silang anino at kumikristal ang kanilang balat pagnakatapat sa araw ngunit nasusunog sila at namamatay pagsobrang sakit na ng sikat ng araw.

Kaya walang nagtatangkang bampira na pumunta sa mainit na lugar.

Isa pa sa pinakamagandang katangian nila ay hindi sila tumatanda kaya nananatili ang kanilang kagandahan at kagwapuhan.

Pagnakainom sila ng dugo ay lalo silang lumalakas. Puro dugo ng hayop ang kanilang iniinom ayun sa kanilang batas.

Hindi sila umaatake ng ibang lahi upang sipsipin ang kanilang dugo. Ito ay para mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng bawat kaharian.

Kaya upang mapanatili ang kanilang lakas, nakikipagkalakalan sila sa ibang lahi para hindi maubusan ng supply ang kanilang kaharian ng dugo ng hayop para matustusan ang pangangailangan ng bawat bampira.

Kaya patuloy naman ang ibang lahi sa pag aalaga ng mga hayop na siyang pagkakitaan nila at mabenta sa kaharian ng mga bampira.

Para sa mga bampira, parang honey ang lasa ng sariwang dugo.

Nabubuhay sila kahit hindi nakakalanghap ng hangin, hindi umiinom ng tubig, at hindi kumakain ng mga pagkain.

Ang mga bampira ay isa sa mga pinakamalakas na lahi na naninirahan sa Mystical World dahil sa kanilang liksi sa pagkilos, sa lakas na taglay nila, at sa mabilis na healing recovery.

Immune din sila sa lamig, sa lason, at sa mga frost spells.

Nagiging paniki rin sila kung gugustuhin nila, matapang ang kanilang pangamoy, malakas na pandinig, at malinaw na mga mata na kayang makakita hanggang milyang layo at may mga night vision. Kaya hindi makakaligtas ang kanilang kalaban kung papalapit sila.

Si King Tristan at Queen Chrishia ang namumuno sa Vampblood Kingdom.

May tatlo silang anak. Ang panganay na si Princess Trishia. Ang pangalawa ay si Princess Christine. At ang bunso na si Prince Nathan.

Ang bawat kaharian ay may mga paaralan na kailangan mag aral ng mga kabataan sa ganon eh maturuan sila sa mga pang araw araw na gawain, magsisilbing lugar ng pag eensayo nila para madiskubre ang kanilang angking lakas at kakayahan, maturuan sila sa kasaysayan ng kanilang kaharian, matutunan ang mapa ng Mystical World, pag-aralan ang mga katangian ng mga ibang lahi sa ganun eh may kaalaman sila sa mundong kanilang ginagalawan, at madami pang ibang pag aaralan nila kung paano mabuhay ng mag isa at hindi maging mangmang sa mundo.

King Tristan's POV

"Mahal bat mo naman ako pinahiya kanina?" nakasimangot na nakayakap siya patalikod kay Queen Chrishia

"Kahit gaano pa kalakas ang hari eh pumapalpak rin minsan. Buti eh di ka pumalpak sa pagpili sakin mahal?" nakabungisngis na si Queen Chrishia

"Haha syempre, ikaw kaya ang pinakamagandang bampira na nakilala ko. Sundan kaya natin si Nathan?" Sabay halik niya sa batok ng kanyang asawa

Pinisil naman ni Queen Chrishia ang kanyang ilong, "ayan ka na naman sa kalokohan mo mahal na hari. Di ba ikaw rin nagpatupad ng batas sa kaharian natin ng three child policy? Na walang magkakaanak na lalampas sa tatlong anak ang isang pamilya?"

Oo nga pala bat ako nagpatupad ng ganitong batas? Di tuloy ako makapuntos sa mahal kong reyna. Bat kasi mga immortal kami?

Para maiwasan ang sobrang bilang ng populasyon ng mga bampira, pinatupad ko ang batas na ito sa kaharian namin.

Mahirap na pagdumami kami baka magkaroon ng kakulangan sa istak ng dugo ng hayop. Baka maging aggressibo ang mga bampira at kung sino-sino nalang aatakehin para lang mapawi ang uhaw namin sa dugo.

Niyakap niya ng mahigpit ang kanyang mahal na reyna. "Labas na tayo dun mahal." sabi nya sa pinakamalambing niyang boses baka makalusot sa kanyang asawa

"Naku, tigilan mo nga ako Tristan!"

Nakasimangot naman siya. Pagkasi tinawag na sya sa pangalan niya eh buo na desisyon niyan ng kanyang mahal na reyna.

May kumatok naman sa pinto at niluwa si Prince Nathan.

"Ama, ina nadiskubre ko na ang aking unique skill!" nakangiting malapad na si Nathan

"Natutuwa ako para sayo anak. Ano ang iyong unique skill?" Natutuwa na si Queen Chrishia

"Weather Manipulation. Kaya ko pong paulanin, painitin o magsummon ng malalakas na bagyo dito sa Vampblood Kingdom. Kaya kong baguhin ang klima."

Sana walang gawing kalokohan itong si Prince Nathan. Bat siya pa binigyan ng ganitong kakayahan?

Si Nathan ay napakalokong bampira at matigas ang ulo. Sakit siya sa ulo at ganon nalang ang kawalang tiwala namin minsan sa kanya.

"Nathan wag kang magtatangkang paarawin ang lugar natin!" kabado at nagagalit na boses ko

"Mahal na hari di ko naman gagawin yun. Di ko papahamak ang ating lahi. Kala ko matutuwa kayo pagnalaman ninyo ang aking kakayahan." nakasimangot na si Prince Nathan

"Anak natutuwa kami sa kakayahan mo. Binabalaan ka lang ng ama mo. Inisiip niya lang ang kapakanan ng lahi natin" sabay tapik ni Chrishia sa balikat niya

"Alam ko po ina. Kasu gusto ko po sana sumanay pa at paghusayan ang kakayahin ko."

"Humingi ka ng tulong sa mahal na hari kung papayagan kang pag eensayuhin sa ibang kaharian"

"Ama payagan mo po sana ako. Gusto ko lang sanayin ang kakayahan ko. Mga ilang araw lang ama pangako babalik din ako agad" pagmamakaawa ni Nathan

Napabuntong hininga ako, "siguraduhin mo lang na wala kang gagawin na kalokohan dun." pagbabala ko kay Nathan

"Opo. Salamat mahal na hari. Tsaka di ba kailangan ko magsanay dahil ako ang tagapagmana sa trono?" nakalapad na ngiti si Nathan at kumindat pa sa kanya para siguradong hindi na magbabago ang desisyon ko

"Oo na. Doon sa Elemental Kingdom may lugar ng pag eensayo sila sa labas ng paaralan, maganda na doon ka mag ensayo. Kakausapin ko si King Dave kung papayag siya"

"Sige po, mahal na hari" excited na si Prince Nathan

"Mag iingat ka dun. Isasama ko sayo si Bobby at Rodel"

"Ama wag na. Kaya ko na ang aking sarili. Tsaka mga ilang araw lang ako dun babalik din ako agad."

Ano pa nga ba? Di siya palagi sinusunod ng kanyang anak dahil sa katigasan nito minsan ng ulo.

Nag impake naman ng mga damit si Prince Nathan. Ilang beses na siyang nakapunta sa Elemental Kingdom tuwing taglamig kaya kabisado na niya ang lugar doon.

Mystical World : The Powerful CreatureTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang