"Ah ganon parin, chill lang at masaya ang buhay." plastik ulit na sagot ko sabay sulyap kay Yen na halatang curious sa nangyayari.

"I missed you." aniya, sabay palibot sa kanyang kamay sa aking braso at malambing na humilig doon. "You don't answer my calls and texts anymore, nag change number ka ba?"

Nag-isip ako saglit ng palusot habang pasimpling binawi ang braso kong hawak niya. "Ah oo nag-change number ako. Pasensya na ha, nawala kasi yung phone ko dati sa dagat noong pauwi na kami." sinungaling ko sabay sulyap ulit kay Yen para humingi ng tulong.

"No worries, i can give you mine again." she grabbed something on her purse and handed me a card. "Here that's my number, please do call me."

I forced a smile and faked an act. "Sure, no problem. Tatawagan kita kapag bakante na ako." there's no way i'm going to do that, hell no!

"Great! Aasahan ko yan ha?" muli niya akong niyakap sa braso. "Busy ka ba ngayon? pwede mo ba akong samahan mag-shopping?"

I'm starting to get annoyed. "Pasensya ka na pero may lalakarin rin ako ngayon, hindi kita pwedeng masamahan."

"Ay sayang naman, gusto pa naman kitang makasama kasi na-miss kita. By the way, may balak pa ba kayong bumalik ng boss Vaughn mo sa Palawan?" damn, she just won't stop.

"I'm not really sure if i can go back there yet, depende kasi yun kung may business trip siya duon at kung isasama niya ako." muli kong tinignan si Yen na ngayon ay tawang-tawa. Help me darn it!

"Well, it doesn't matter. Hindi din ako sigurado kung kailan ako babalik 'don since busy din ako dito sa manila." sabi niya sabay haplos sa pisngi ko. "But I do have a condo in BGC. Can i invite you tonight?"

"Naku miss hindi pwedi yan." pigil sa kanya ni Yen. "'May pupuntahan kasi kami netong si Gail mamaya kaya hindi siya available."

"And you are?" Kaela's eyes settled on Yen and gave her a bitchy look. "You're not her girlfriend, are you?"

"Kaibigan ko yan." ako ang sumagot.

"Aw sorry." muling ibinalik ni Kaela ang tingin sakin. "How about tomorrow night, are you free?"

"Hindi rin ako sure dyan. Graduating student kasi ako at madami kaming gagawin ng mga requirements sa school kaya hindi ko alam kung may oras pa ba akong samahan ka."

Kaela snorted, trying to look cute. "Fine, just call me when you have time instead."

Nag-thumbs lang ako bilang sagot saka inalis ang kamay niyang nasa braso ko at walang salitang tumalikod at hinila si Yen paakyat ng elevator. Hindi ko pinansin ang pagtawag sakin ni Kaela, dere-deretso lang kami ni Yen hanggang sa marating namin ang 4th floor at pumasok sa isang luxury store para dito magtago.

"Shuta ka, Gail, sino ba kasi 'yon? Huwag kang pakipot ha umamin ka dyan."

Ngumisi ako. "Isa 'yon sa mga naka-ulayaw ko sa mga business trip ni boss Vaughn."

"Gaga ka talaga. Pang ilan mo 'yon?"

I grinned while wiggling my eyebrows. "Countless."

Natawa si Yen. "Kaya sigurong gustong-gusto mo ring sumama sa mga lakad ng amo mo e noh?"

Pilya akong ngumiti, kapagkuwan aksidenteng tumuon ang mata ko sa isang pigura mula sa counter. Napasinghap ako at muling hinila si Yen patago.

"O sino na naman ba pinagtataguan natin?"

"Shhhhhh. Nandyan si ma'am Maureen."

"Talaga?" sumilip ito pero agad ko itong pinigilan.

"Stop it, baka makita niya tayo."

A Taste of Bliss (ɢxɢ) ✔️Where stories live. Discover now