Chapter 46: Because he loves me so much

Magsimula sa umpisa
                                    

“Hindi ka pa kasi naiinlove kaya mo nasasabi yan eh.”

“At ikaw nainlove na?”

“Hindi pa, kaya nga dapat tulungan natin si Z kasi kapag tayo naman ang na inlove siguradong tutulungan nya tayo,” Bumaling si Meg sa akin. “Diba Z?”

Tumango ako ng sunod-sunod. “Thanks Meg!” Ngumiti lang sya sa akin habang nakasimangot naman si Lara at hindi pabor sa gusto kong mangyari. “So anong gagawin natin?” Tanong ko.

“What on earth is happening here!”

Napatingin kami ng bumukas ang pinto ng condo ni Meg. Nanlaki ang mga mata namin at tumayo para yakapin ang bagong dating. “Mimi!”

“Wazzup Niggas.” Sinabunutan ni Lara si Mimi. “Aray naman! hayop ka, napaka bigat talaga ng kamay mo!” Biglang nawala ang pose ni Mimi, natawa naman kami ni Meg.

“Where have you been?” Tanong ni Lara. “Four months kang hindi nag paramdam, gaga ka! Tapos itong si Z naman nasasapian na ata ng liberated mong pag uugali at nag babalak na ligawan si Yuan!”

“Ay talaga? Anyare ba?” Tanong ni Mimi sa akin.

Muli kaming bumalik sa carpeted na sahig sa sala ni Meg saka ko sinabi lahat sa kanya habang nakikinig naman si Meg at Lara. Tumango-tango pa sya na parang may mabigat na iniisip.

“So what can you say?” Tanong ko.

“Hmmm, nagugutom ako penge food!”

Napangiti si Meg at nahampas naman ni Lara ng unan si Mimi na nag takip ng mukha. ” Pwede ba! Pabayaan nyo muna akong kumain at saka ako mag iisip ng plano sa tukmol na Yuan na yun dahil may kasalanan din sa akin yun gagong yun!”

“Wow, lutong mo mang mura ngayon, apat na buwan ka lang nawala, isa ka nang malupit na trash talker.” Asat ni Meg.

“Pwede ba! Hindi ako trash no, isa akong super star!”

“So ano ngang gagawin kong panliligaw kay Yuan?”

Tumingin sila sa akin. “Seduce him.” Simpleng sagot ni Mimi. Nabulunan si Lara at tumawa naman ng malakas si Meg.

“Huh? Paano? Ni ayaw nya nga akong tingnan eh kaya paano ko gagawin yun?” Reklamo ko sa kanya. “Saka hindi kami nag kakaroon ng private moments ngayon dahil nga ayaw nya akong makita.” Madaling akitin si Yuan, pakitaan ko lang yun ng legs dati tumutulo na ang laway nun na parang aso at sumusunod na sa lahat ng gusto ko pero, iba na ngayon dahil galit sya sa akin.

Kumuha ng popcorn si Mimi at kumain saka sumandal kay Meg. “Akong bahala, madali lang yan problema mo. Walang challenge. Jusko day!”

“Anong plano mo?” Tanong ni Meg.

Pinalapit kami ni Mimi saka kami nag form ng bilog.

Secret loversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon