Nagpanggap akong hindi napapansin ang titig niya at nanatiling nakatingin roon sa mag-amang nag-uusap ng mahina. Napapailing ang vice-mayor sa kung ano mang sinasabi ng tila seryoso niyang ama.

"Sorry but are we gate-crashing here? Puwede naman kaming umalis kung 'yon ang problema," tawag-pansin sa kanila ni Tito Romualdo.

Huminto sa pag-uusap ang mag-ama. Bumaling na uli sa amin ang dating vice-mayor at nagpakawala ng isang malalim na hinga. Umiling ito.

"No. Of course not, Romualdo. Nagulat lang talaga akong nakita kita ngayon rito dahil 'di sa akin sinabi ni Lawrence ang pagdating mo, niyo." Tumuon naman sa akin ang matanda at tila nagtataka akong tiningnan. Tumawa ng mahina si Tito Romualdo nang napansin iyon.

"Oh, how rude of me! Please, accept my apologies. Nakatayo na ko rito kanina pa pero hindi ko man lang pinapakilala sa inyo 'tong kasama ko ngayong gabi. Hali ka, hija. Pakikilala kita sa kanila." Tumango-tango si tito sa akin at minuestra ang isang kamay niyang lumapit nga ako.

Sumunod ako. Tumabi ako sa tabi ni tito at hinarap ang grupo nila na ngayon nakabuhos na ang mga atensyon sa akin. Seryoso ang itsura ng mga kalalakihan ngunit pumapangalawa lamang sila sa kay Joaquin. Tahimik lamang siyang nakatitig pa rin sa akin.

Sumilip ako sa kaniya at huli ko kung paano tumiim ang panga niya nang magtagpo na naman ang mga mata namin. Bumalik agad ako ng tingin sa iba pang mga kasama niya.

"Gentlemen, I would like you to meet Sandro's girlfriend, my future daughter-in-law, and the sole heiress of the Salvadors. Everyone, this is Chandria. Chandria Salvador." pagpapakilala ni tito sa akin.

"Good evening." bati ko sa kanilang grupo. 

Binaba ko ng kaunti ang ulo ko. Nasa ganoon ako nang natigilan saglit dahil napansin ko ang pagkuyom ng mga kamao ni Joaquin sa ibabaw ng mesa. Nanginginig ang mga iyon at tila naglalabasan na rin ang mga ugat. Tinaas ko ang tingin ko patungo sa kaniya pero agad ring nagulat nang nakarinig ng isang malakas na bagsak sa bilugang mesa.

"Salvador." sabi ng isa pang kilalang boses.

It was Tito Johan's. Gumawi ng awtomatiko ang mga mata ko tungo sa kinauupuan niya at sinalubong agad ako nito ng napakatalim na titig. Ang kamaong ginamit niyang pangdabog ay nanatiling nakapuwesto sa tuktok ng kanilang mesa.

"What is a Salvador doing here? That name is banned from entering here!" Tito Johan questioned through gritted teeth.

Noon pa natatakot na ako sa kaniya kung paano niya lantarang ipinapakita sa amin ang galit niya sa mga Salvador, at ngayong isa pala ako sa mga taong tinuturing niyang kaaway ay dumoble lalo ang takot ko para sa kaniya. Joaquin's uncle looked like he could dispose of me had he given a chance.

Napakapit ako sa isang sleeve ng suit ni Tito Romualdo. Napansin iyon ng matanda at nakailang ulit na hinaplos ang balikat ko.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Johan. Ikaw pa rin ang pinakamainiting ulo sa inyong magkakapatid. God, you're scaring my daughter-in-law." Tumawa ng pagak si Tito Johan. Umiling-iling na para bang nahihibang ang matanda.

"Hindi mo mauuto ang mga tao rito, Calderon! Lahat tayo alam na 'di tinatablan ng takot ang angkan niya! They were murderers!" Pumantig ang mga tainga ko sa sinabi ni Tito Johan.

Sila pa talaga ang may ganang magsabi niyan samantalang pinagtangkaan nila ang buhay ko noon! Sila ang totoong mamamatay-tao! Hindi ang mga Salvador!

"Come on, Johan. Hindi ba't 'di niyo rin naman mapatunayang sila nga ang may kagagawan sa nangyari sa kay Jovan? Kung totoo rin man ba't mo ibibintang sa taong wala namang kamalay-malay? Chandria wasn't even born yet that incident happened."

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now