Chapter 1

80 45 4
                                    

Avila's POV

Avila...

Avila...

Avila...

"Avila!" Mabilis akong napabalikwas ng marinig ko ang sigaw ni Lola mula sa bahay namin, our house is too far from where I am right now and how I heard and found out that she was in the house? I don't know.

"Lily?" Na pahilamos ako sa mukha gamit ang dalawang palad dahil muli ko na namang na panaginipan ang isang babaeng Lily ang pangalan.

Who is she? Why is she always in my dreams?

Paulit-ulit na laman ng panaginip ko ang pangyayari kung saan pinag tulungan ng mga nilalang na mayroong pakpak at sungay ang isang babae. I don't know why, but every time I dream of that scene I have a pain I feel here in my heart. The pain I felt is like the depth of the sea, masiyadong malalim at masakit kahit hindi ko naman alam kung bakit.

Mas lalong nag papasakit sa'king puso ang mga mata niyang punong-puno ng lungkot, pighati't sakit.

Sino ba siya?

"Avila!" Muli ay narinig ko ang sigaw ni Lola kaya naman bumangon na ako mula sa pagkakahiga sa ilalim ng puno, nandito ako sa gilid ng burol. Pumunta ako dito kagabi dahil hindi ako makatulog pero 'di ko naman inaasahan na makakatulog ako't aabutan ng umaga. si Lola naman ay alam na alam na niya na nandito ako dahil nga madalas talaga akong mag punta dito pero ngayon lang ako nakatulog dito.

Nang makatayo na ako ay pinagpagan ko ang suot ko dahil mayroon itong kaunting putik, matapos no'n ay maglalakad na sana ako paalis ng may kakaiba akong naramdaman. Bigla'y hindi ako mapakali na para bang may isang masamang presensya ang dumating. Napapikit ako't umiling-iling at nang mag mulat ng mga mata ay nawala din ang pakiramdam na 'yon, kaya naman pinagsawalang bahala ko na lamang saka pinagpatuloy na ang paglalakad hanggang sa naisipan kong tumakbo nalang dahil malalate na rin ako sa klase.

Habang tumatakbo ay napuwing ako mula sa kung ano,  kasabay ng pag ihip ng malakas na hangin kaya naman napapikit ako't hindi nakita ang naka-ultaw na bato na naging dahilan para matapilok ako at matumba nang pagulong-gulong paibaba sa pababang daan, masyadong mahaba ang daan pababa kaya naman nag tuloy-tuloy akong mahulog. Just a few moments later I stopped rolling, I winced in pain because of the wounds I had sustained. Nagkaroon ako ng mga gasgas at malaking sugat sa tuhod, masaganang tumutulo do'n ang aking dugo.

"Aray...ang malas naman." Mahina akong dumaing. Ang sakit ng malaking sugat na natamo ko. Nakagat ko ang pang ibabang labi ng subukan kong tumayo ngunit kirot lang ang aking naramdaman, sobrang sakit kaya naman tiningnan ko ang tuhod kong nag durugo.

Kahit kailan talaga Avila oh! Simpleng bagay lang na pagtakbo ay napurwesyo ka pa, kahit sa maliit na bagay lang palagi kang pumapalya. Hayss, you're really a clumsy.

Iika-ika akong nakarating sa bahay, pilit kong inayos ang aking paglakad para hindi mapansin ni Lola. Ngumiti ako ng alanganin ng sumalubong sa'kin ang naniningkit niyang mga mata.

"Nako! Ikaw talagang bata ka! Dalian mo na, mag ayos ka na ng iyong sarili dahil ilang oras nalang malalate ka na sa school." Tumango ako't nag madaling pumasok sa loob ng aking kwarto para ayusin ang aking uniporme. After I fixed my things, I went out and then went to the back of the house where our comfort room was, para mag linis ng katawan.

Habang naliligo't ni nanamnam ang preskong tubig na nag mula pa sa bukal ay bigla akong natigilan ng mapansing maykakaiba sa tuhod ko. My eyes widened when I saw that my wound was gone. Umupo ako't tinitigang mabuti ang aking tuhod na kanina lamang ay mayroong sugat, wala ng kahit anong sugat ang naroon na para bang hindi talaga ako nagkaroon ng sugat kanina.

Angels & Demons: The Balance of RaceWhere stories live. Discover now