Prologo

48 4 1
                                    

Prologo

Third Person's POV:

"Ang ganda niya talaga!"

"Ang bait at responsible pa!"

"Ah! Gusto ko tuloy siyang pakasalan!"

"Ano? Baka nakakalimutan mong anak siya ng Dean ng school na'to?"

"Hala! Oo nga! Napakalayo ng agwat naming dalawa!"

Ito ay ang mga pangkaraniwang usapang lamang na maririnig sa tuwing masisilayan ng buong eskuwelahan ang perpektong si Christina Tamtoco o mas tinaguriang "Miss-ter" ng buong eskuwelahan.

Maganda, sexy, responsable sa kaniyang mga gawain, at anak pa ng Dean ng school. Kahit sinong babae o lalaki ay hindi makakatakas sa kaniyang karisma. Siya ang "ideal" type nga ayon sa kanila.

"G-good m-morning po, Miss-ter!"

"Magandang umaga rin" matigas na pagbati nito.

Hinawi pa nito ang buhok nito dahil sa pagkabahagyang pagkakagulo nito sa bayolenteng hangin. Dumiretso ito ng tingin sa daan at nagsimulang umalis.

Isang transferee ang nagtaka sa inaasta ng ibang mga estudyante.

"Teka, Miss-ter? Lalaki ba siya?"

Ang kausap niya ay agad siyang sinagot. "Teka, bago ka lang ba rito?"

Napatango ang lalaki.

"Kaya Miss-ter ay dahil sa pinaikling Miss at Master. Gano'n siya ka perpekto kaya nakuha niya ang bansag na iyon" paliwanag niya sa transferee.

Napa-sang-ayon na lang ang kaniyang kausap.

Nagulat ang lahat dahil sa biglaang hiyaw ng mga babae. Sinilip ito ng iba at napagtantong ang nagdudulot pala ng komosyon ay si Braiden Silvanio, ang vice president ng school.

Kagaya ni Miss-ter, siya naman ang perpektong lalaki sa buong school. With his erotic deep voice, tall and a little bulky figure, broad shoulders, and a flawless hairstyle, he can shot all of the girls' heart just by looking at them.

Hindi na maintindihan ang sinasabi ng bawat babae dahil sa sabay-sabay na pagbati nila ng "good morning" dito. Desperado silang mabati rin nito pabalik dahil ito'y animo'y para daw nanalo sa jackpot round ng isang game show.

Meanwhile, in this commotion, Braiden doesn't look flustered. Mariin niyang pinatahimik ang buong horde ng mga babae gamit ang salitang "Silence!" dito.

Tumalima naman ang mga babae sa kaniya.

Pormal namang hinarap ng Vice President ang lahat at umayos. Binati niya silang lahat gamit ang isang sambit na "Good morning" at nagpatuloy ang hiyawan ng kababaihan. Samantala, nagpatuloy naman ang Miss-ter at ang Vice President na pumunta sa kanilang respectable places.

Miss-Ter is a SimpWhere stories live. Discover now