Chapter 2

24 2 8
                                    

Chapter 2

Braiden's School of Admiration

As the pictures of Braiden Silvanio fall slowly, we looked at each other with confusion.

"Abi" pagbanggit ko sa kaniyang pangalan.

Siya si Abi, ang bestfriend ko. Sa totoo lang ay kahit bestfriend ko siya ay hindi ko sinabi sa kaniya ang tungkol rito kaya naman hindi nakapagtataka kung magugulat siya ng ganyan.

Bumuntong hininga siya. Wait, hindi niya ako bobombahan ng mga tanong?

"A-ano nga palang ginagawa mo r-rito, Abi?" pagtanong ko nang sa gayon ay maiwasan ang topic kay Braiden. Sana gumana ito!

"Ah! Manghihiram lang sana ako ng textbook mo. Hindi ko kasi mahanap 'yung akin."

Iniabot ko naman ang hinihingi niya. Kunwari na lang hindi mo napansin itong mga pictures ni Braiden ha!

"Salamat ng marami!"

Nagulat ako nang kaunti dahil umupo siya sa kama, sa tabi ko. Paniguradong uusisain niya na ako patungkol rito.

"Oh my god! May gusto ka kay Braiden Silvanio?" ang unang nabanggit niya na may kinalaman sa topic.

Napatango na lang ako. Hindi ko pa rin ma-process sa utak ko na may nakakaalam na ng sikreto ko bukod sa'kin lang.

"W-wag mong sasabihin sa iba, please." pakikiusap ko sa kaniya. Paniguradong magugunaw ang mundo ko 'pag nalaman ito ng lahat.

"Oo na!" she assured. Mabuti na lang at kilala ko itong si Abi. Magaling siyang magtago ng sikreto. Mabuti na lang at mapapagkatiwalaan 'to.

"Anyway, oh my god talaga! Bakit hindi ko 'to alam?"

Sa tinagal tagal at galing galing ko ba namang magtago ng nararamdaman sa harap ng maraming tao, kahit siya hindi nakapansin. Napahinga ako nang maluwag doon.

"At tsaka, paano mo siya nagustuhan? Oo alam kong he's the perfect and ideal man but kilala kita eh. Ikaw 'yung tipong hindi nagkakagusto sa looks lang!"

Ah! I was wrong earlier. Bobombahan niya pala ako ng tanong. I forgot that she is the annoying talkative girl.

"Ganito k-kasi 'yon..."

I sighed as I started to reminisce the past.

Ako na ang bagong School President ng aming school. Hindi ko maipinta sa hangin kung gaano ako kasaya. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at dumiretso na sa office na sinabi ng guidance counselor kanina.

May nag-abot sa akin ng mga papeles at napagtanto kong si Nicolas 'yon, ang bagong secretary.

"Pakibigay po ito kay Braiden." sabay iniabot niya sa'kin ang mga papel.
Umalis na lang ito bigla ng may pagmamadali. Siguro ay marami pa siyang gagawin.

Pumasok na ako sa office at mabilis ko namang nakita si Braiden, siya pala ang bagong Vice President.

"More papers to come!" inilapag ko ang patong-patong na papeles sa desk niya. I said that with a straight and fierce face.

Tiningnan ko ang desk ko at mukha namang wala akong bagong papel na pipirmahan. Maaga ko kasing tinapos ang akin kanina.

"Okay! Tapos na'ko sa paperworks ko kaya maaga na'kong uuwi. Ikaw na lang ang mag-lock ng pinto" habilin ko sa kaniya.

Napatango na lang siya at nagpatuloy sa pagpirma.

Masaya 'kong tinahak ang daan pauwi. Hindi ako makapaniwala na ako na talaga ang President ng school.

Miss-Ter is a SimpWhere stories live. Discover now