Chapter 3

19 2 20
                                    

Chapter 3

A Wonderful Weekend

Napabalikwas ako sa kama ng makita kong alas siyete na. Akala ko ay na-overslept ako pero weekend pala ngayon kaya nakahinga ako nang maluwag.

Hindi ko makikita si Braiden! Nakakaiyak! Parang sumpa!

Pero I should enjoy my rest day. Hindi rin biro ang ginagawa namin pagsasabay sa mga dokumento ng school at pag-aaral. Kailangan rin naming magpahinga para sa malusog na mental health at physical health.

Karaniwan tuwing weekends ay wala naman akong gaanong ginagawa. Kadalasan ay nagrereview ng mga studies, tumitingin magdamag sa pictures ni Braiden, nag-sh-shopping or naglalaro ng online games, but in this weekend, it is different.

"Please! Please! Sayang naman 'tong sangkatutak na tickets na 'to oh" Abi pleaded as she showed me a bunch of tickets in our front door.

Kanina niya pa ako pinipilit. Nakikiusap siyang akin na lang daw at ako na lang daw ang makinabang sa mga ticket niya.

"Please na naman oh! Sayang to oh!"
Hindi kasi siya pinayagang lumabas dahil sa may mga aaralin pa siya. Kawawa naman. Hindi ma-s-spend ang weekend sa pagpahinga.

As I start to get aggravated, I have no choice but to accept her tickets. Gusto ko pa namang sana magpahinga ngayon. Bakit niya ako ginugulo?

"Ay wait! Mga dalawang tickets 'to. Sinong magiging kasama ko?" tanong ko.

Nagmamadali siyang nagsuot ng tsinelas hudyat na palabas na siya ng aming bahay. "Ikaw na ang bahala diyan!" her last words and she disappeared.

Sino naman ang maari kong isama rito?

I observed the tickets. May ticket sa sinehan, libreng mga discount sa espisipikong restaurant, at ano 'to? Kiddie playground gate pass?

'Yung totoo, saan niya nakuha 'to?

Speaking of partner, sino nga ba ang puwede kong isama rito? Si Abi lang naman ang bestfriend kong puwede kong ayain kaso bawal nga siya't mag-aaral. Until, may isang taong pumasok sa isip ko.

Si Braiden!

Wait! What kind of thought is that? P-para ko na rin siyang inaya ng date, oh my...

Okay, ihuhuling option ko muna siya. Sigurado namang mayroon pang iba.

First, I should try my mommy. Alam kong labag sa loob ko ito pero wala akong magagawa.

I tried to knock on her door but no one answered. The door is left ajar so I took a peek. Walang tao.

Ngayon ko lang napansin ang note na nakadikit sa pintuan. It says that mag-sh-shopping lang daw siya kasama ni Daddy.

W-what?!

Okay, my first option was down. Parang ginusto ko namang mangyari 'to.

Next, si Nicolas. Yes, hindi kami gaanong close pero mapapagkatiwalaan naman siya. Sana nga lang ay pumayag.

I tried to contact his number but it was unattended. Hindi sumasagot? Seriously, what's up with these people?!

Okay my last choice is...

"Okay, pupunta ako," then he hanged up.

He seriously accepted my offer?! That Braiden Silvanio?

Oh okay, now I am conscious. Bumilis ang pagtibok ng puso ko sa nalaman. Kailangan maging presentable ako sa harap niya dahil ayoko nang maulit pa ang kahihiyang nangyari noong waltz lesson.

Miss-Ter is a SimpOn viuen les histories. Descobreix ara