CHAPTER 132

50 9 1
                                    

XANDER'S PoV

Kakadating palang namin at masamang balita agad yung nakuha namin. Grabe din yung pag-aalala kanina nina Chicken at Mae at halos maiyak nadin. Kahit nga ako.

Nasa harapan ako ngayon ng kwarto nya at nakatitig sa kanya mula sa labas. Katabi ko yung kapatid nya na nakatingin din sa kanya. Mula dito ay klarong klaro sakin yung mga sugat ni Uraraka, mga kalmot na namumula pa at yung iba tumatagas sa benda ang dugo.

'Ano bang ginawa nya sa self nya?'

Pasimple akong umalis at umakyat sa may rooftop upang sabihin ito kay Camilla. Nakakahiya naman kase.

To : Cam

Tulog sya ulit. Madaming kalmot sa braso at mukang nag-wala kanina.

Tsaka ko sinend at dali dali din naman syang nag reply.

From : Cam

Oh god. I want to see her so bad.

Hindi na ako nagreply at agad na bumaba. Baka hanapin pa ako ni Jana eh nag cr lang yun saglit.

Pumasok ako sa kabilang kwarto at maupo sa tabi ni Cris. Inakbayan ko sya at ngumiti naman sya saakin. Hindi sya nagsalita, nakatungo lang sya at pawang may iniisip.

'Alalang alala sya.'

Hinayaan ko sya. Lahat ng nasa loob ng kwarto ay tahimik, kahit si Will na kaakbay lang si Mae, at si Yassy na nakasandal sa likod ni Ron ay tahimik.. parang isang malaking krimen ang mag-ingay.

Biglang pumasok si Jana at agad syang dumeretso sakin. Hinalikan nya ako sa pisngi at tumabi sakin ng upo. Iginala nya ang buong paningin sa loob ng kwarto, and then she frowned.

"Why are they so down??" She whispered before looking at me. "They supposed to be happy because she's stable now, right sweetie??"

"Shh." Sinenyasan ko lang syang manahimik at umirap lang sya at tumingin sa phone nya. I sighed before doing the same thing, I took out my phone and then decided to play a game or two.

"Hey." Halos sabay kaming lahat napa-angat ng tingin ng lumapit bigla si Neryezcha lay Mae at tinawag ito.

"Hmm?" Tumayo at halos matawa ako kung paano nya itapon ang braso ni Will.

"Aray naman. Away mo ba sak— aray." Nasipa sya kaya nanahimik na sya. May ilan ang natawa pero agad ding nawala.

"May kailangan ka?" Tanong ni Mae kay Neryezcha.

"Yeah. I noticed that Rai's lips are chapped and dry."

"Oh."

"Do you have any lip scrub and lip balm."

'Pwede bayun sa patient?'

"Yes. I have. What brand do you like?"

'What?'

Nagkatinginan kami ni Jana bago binalik ang tingin sa kanilang dalawa. Chanel ang sinabi ni Yezcha kaya agad namang pinuntahan ni Mae ang may kalakihang bag at inilabas ang may kalakihang Chanel pouch na may cursive writing na Lip Scrub at Cassandra, at may inilabas ulit syang isa pa pero Lib Balm naman ang nakasulat pero andun padin ang name.

'Ang daming lip scrub at lip balm nyan.'

"Here." Hindi na ako nagulat ng iabot nalang basta ni Mae iyun. "Used the unsealed lip balm and lip scrub."

"I know how to use it."

"Okay.. ikaw na ang bahala."

Napailing ako at nagpasyang lumabas muna para manigarilyo. Ayaw kong makita ako ni Ate Xindy, baka isumbong pa ako.

I'm Inlove With A Princess | Season Two|Where stories live. Discover now