FIVE

2 0 0
                                    

Jaxx

"May ginagawa kasing cure yung mga doctor na para yata sa isang sakit. Kanina nung nasa hospital kami ni Dex, narinig ko yung mga doctor na may chemical leaking raw sa lab, susubukan naman raw nilang gawan ng paraan but I doubt na magawan nila ng paraan yun. I think that chemical leaking was the cause of this apocalypse." paliwanag ko sakanila na ikinatango ng iba.

Sa tingin ko talaga 'yon yung dahilan base pa lang sa reaksiyon nung doctor kanina at kay Doc. Perez na nagmamadaling paalisin kami na para bang mapapahamak kami pag nagtagal pa kami roon.

"Baka yun talaga ang cause nito?" Tasha asked.

"Well, it's possible." Niel agreed na sinang-ayunan din ng iba.

Nilingon nila Niel si Xyanna. "Hospital malapit sa mall, di'ba? Wala ka bang kakilala roon, Xyan?"

"Ay oo nga! Marami ka namang kakilala, baka pwede tayong mag-imbestiga" saad ni Tasha.

"I know the owner of the hospital and the doctors."

"So anong gagawin natin?, Should we go sa hospital and ask? Adrian asked.

"That's too confidential. You really think they'll tell us the truth? They will probably deny it." Xyanna rolled her eyes that made me laugh.

She was so funny for me!

"Baka kailangan nating malaman yung chemical leaking baka sakaling makahanap tayo ng cure para rito. " saad ni Niel.

"Ano namang alam natin sa mga cure cure na 'yan?" Reklamo ni Axel.

"He's right! We don't even have enough equipment to examine the chemical!" Sabat rin ni Tasha.

"Pero paano kung hindi pala sila?" tanong ni Axel.

"Kaya nga kailangan nating alamin" sagot ni Dexter.

Maya-maya pa ay nagsimula ng magluto yung iba kaya pumunta na ako sa kusina para naman tumulong kung mayroon man akong maitutulong.

Pagdating ko ay hindi pa pala nagsisimulang magluto ang naroon.

"You guys know how to cook?" gulat na tanong ko kay Xyanna at Ethan ng makita ko sila sa kusina na nagluluto.

I thought they didn't know how to cook or anything. Mukha kasi silang lumaki sa yaman. I mean ako rin naman kaya hindi ako marunong kasi mayroon naman kaming mga katulong sa bahay.

Ang classy at elegante rin kasing kumilos ni Xyanna kaya hindi ko inakalang marunong pala siya.

"Impressed?" mayabang na sagot ni Ethan at nag smirk na inirapan ko lang kaya tumawa siya. "I lived by myself since malayo yung school ko saamin. I need to learn this things to be independent." paliwanag niya.

"San ba kayo nag-aaral dalawa?" tanong ni Ethan saamin ni Xyanna.

"Admu. Kaming apat nina Nat." sagot ni Xyanna.

"Wow, Sana all."

"Course?" tanong ko.

"Legal Management" maikling sagot niya. Mag-aabogado pala. "Kayo?" Balik na tanong niya saamin.

"Medicine." Ngiti ko.

"Engineering." ngiti rin ni Ethan.

"Ano ba lulutuin?" tanong ko ng makita ko ang mga ingredients.

"Calderita" sagot ni Ethan.

What's that?

"Is that tasty though?" biglang tanong ni Xyanna.

Oh, hindi rin niya alam hehe.

"Totoo ba kayo? Hindi pa kayo nakakain noon?" gulat na saad ni Ethan na inilingan Xyanna kaya natawa ako.

"My mom is a picky eater, and she's a vegetarian. Our rule is, if someone can't eat it, then no one will." She explained.

"That's sweet! But I'm afraid you'll have to break that rule now." Ethan laughed.

"I'm sure she wouldn't mind." Umiling si Xyanna. "How about you, Jaxx? Do you have any rules in your family?"

I really appreciated how she's making sure na hindi ako ma o-out of place. Palagi niya akong sinasali sa usapan nila ni Ethan, minsan rin ay tinatanong niya ako para makapagsalita ako.

"We don't have rules naman. Hindi naman kami masiyadong nagkikita ng family ko." Ngumiti ako ng alanganin. Medyo naiilang ako kapag pinag-uusapan ang ganito pero okay lang naman, mukha namang malinis ang intensiyon niya.

"Oh! I'm sorry. Are you uncomfortable to talk about it?" Xyanna softly asked.

"Ah ibahin nalang natin ang topic." Saad rin ni Ethan.

Mukha silang takot na ma offend ako! Okay lang naman saakin, Na guilty naman tuloy ako! Kahit wala naman akong ginawang masama kay Xyanna ay pakiramdam ko ako ang may kasalanan!

"Hala! Okay lang naman saakin!"

"Are you sure? It's okay, we can talk about something else, you're so quite kasi, I don't like it when someone feel out of place." Xyanna smiled, her eyes sparkling.

Pagkatapos naming magluto ay tinawag nanamin ang iba para kumain. Habang kumakain ay panay pa rin ang tawanan at asaran ng iba.

Hindi naman kami close kaya hindi pa rin ako masyadong umiimik.

Minsan ay nagtatanong ng mga hobbies para mas makilala namin ang isa't-isa. Pagkatapos naming kumain ay kanya-kanya na kaming ligo at nagbihis na rin.

Pinahiram lang kami ni Ethan ng mga damit kaya nakakapagbihis kami.

Pagkatapos naming magbihis ay kanya kanya na kaming pwesto sa kwarto ni Ethan. Mas mabuti raw na sa iisang kwarto lang kami para mas safe.

Nandito kami sa sahig na mga boys. Katabi ko si Dexter at Niel sa right side ng kama habang nasa left side naman ng kama sina Ethan at Axel. Nasa kama naman yung dalawang girls pati narin ang feeling girl na si Adrian.

"Good night, my girls" sigaw ni Niel sa tatlo at sabay na nagtawanan.

Isang araw ko palang silang nakasama pero masasabi kong ang genuine ng friendship nila, the way Niel referred to them as his 'girls'. I want to have a friendship like that too. Growing up, I only have Dexter as my bestfriend. We only had each other kaya masaya rin ako na makilala ang anim na 'to.

"Good night, baby" sigaw rin ni Tasha na dahilan ng pag-ungot naming lahat.

"Mga pokpok makakain sana kayo ng lamok." saad ni Adrian na tinawanan namin.

"Ulol mo Adrian walang jowa." Nagtawanan pa si Niel at Tasha na inirapan ni Adrian.

"Manahimik ka nalang, Adi. Ang bully niyo" pagpapatahimik ni Xyanna kay Adrian. "Goodnight everyone." Dagdag niya pa.

"Matutulog na tayo? Ang aga, ang boring 'nyo naman!" Sigaw ni Axel.

We flinched.

"Ano ba!? Magpaalam ka nga kung sisigaw ka!" Singhal sakanya ni Tasha.

"Okay, sisigaw ako ah?" saad niya. "Wag na muna tayong matulog!!" Sigaw niya.

Putangina.

"Tangina ka, Axel, ang pangit ng ugali mo hayop ka!"

"Pag tayo narinig ng mga zombie Ewan ko nalang sa'yong hayop ka talaga"

Kanya-kanyang mura nila dahil sa gulat.
Tumawa lang si Axel at nagyayang matulog na at inaantok na raw siya!

Parang tanga lang eh!

Mga ilang minuto pa ang lumipas ay pare-pareho na kaming hinila ng antok.

Struggle to Survive (on-going)Where stories live. Discover now