Kaya pala nitong huling mga araw napansin kong napdalas ang pagbigay-bigay nito ng papaya kay lolo, yun pala may something na sila. Ang lalaki pa naman nung papaya niya, ang tatamis pa.

Mula dito sa kusina dinig ko ang tawanan ni Lolo at ng kausap niya. Nanibago ako dahil nung huling punta ni senyorito Gustavo dito tahimik lang naman sila ni Lolo, akala ko nga wala itong kausap sa sobrang tahimik nila. Nakarating at nakauwi na lang ang senyorito ng hindi ko namalayan. 

"Camilla, apo, masarap daw ang minatamis mo sabi ng sensyorito. Naubos niya ang nilagay mong minatamis para sa kanya, nagustuhan niya rin ang kape na tinimpla mo."

Wee? 

Wala namang espesyal sa kape na ginawa ko. Instant coffee lang naman yun, saka ang minatamis na saging wala din naman akong dinagdag doon maliban sa asukal at gata. Nagtataka akong tumingin kay lolo, akala ko nagbibiro lang ito pero seryoso naman ang mukha niya kaya nagkibit balikat na lang ako. 

Weird naman ni senyorito Gustavo. Sabagay, siguro ngayon lang ito nakakain ng ganun klaseng pagkain, mayaman e.

"Salamat Lo, nga pala nakapagluto na ako ng ulam." tinuro ko ang dalawang nakasalang na ulam sa lutuan. "Pakbet at ginataang paksiw na tilapya, Lo."

"Kaya naman pala umabot hanggang doon sa labas ang bango. Ang swerte ko talaga sayo, apo, maganda na matalino pa, plus masarap pang magluto." 

Bahagya akong natawa sa papuri ni Lolo, iwan ko ba sa kanya, para sa akin wala namang espesyal sa mga ulam na niluluto ko pero si lolo sarap na sarap talaga dito.

"Umuwi na si senyorito, Lo?" tanong ko ng mapansing bitbit na pala ni lolo yung pinag-kapehan nila.

"Ah hindi pa, andun sa mga kapitbahay nakipag kamustahan. Bilib ako sa batang yun ang galing makisama. Dinig mo ba yang tawanan sa labas, sila yan." 

Pagmamalaki pa ni lolo dito. Proud lolo ang peg ah. 

"Himala ata at naging maingay na si senyorito Gustavo, Lo. Dati kasi sabi mo hindi ito pala salita, sumasagot lang kapag kinakausap."

"Ah hindi si senyorito Gustavo ang kausap ko, Camilla." lumingon pa si lolo sa labas para tingnan ang senyorito. Magtatanong pa sa ako kung sino pero natigilan ako ng matanto ko na kung hindi si senyorito Gustavo ang kausap ni lolo, malamang ang hambog na senyorito ang andito ngayon. 

"Si senyorito Gaston ang dumating, siya na raw ang mamamahala dito sa planta, dahil si senyorito Gustavo magpo-focus na sa bakahan."

Hindi ko alam kung matutuwa ba o hindi pero isa lang ang ibig sabihin nun. Madalas ko nang makikita ang hambog na senyorito dito sa hacienda nila.

Bigla tuloy bumalik ang inis na naramdaman ko kanina at pakiramdam ko nagsiakyatan lahat ng dugo sa ulo ko. Pero hindi ko naman pwedeng ipakita kay lolo na naiinis ako sa senyorito at baka magtanong pa ito. 'Pag nagkataon anong isasagot ko? 

Di bale, hindi naman siguro alam ng senyorito na apo ako ni lolo Ignacio. Iiwas na lang ako sa kanya. Ilang linggo na lang din naman pasukan na, hindi na ako maglalagi dito sa bahay.

"Mabait ang batang yan, may pagka pilyo lang. " umiling-iling pa si Lolo na para bang may naalalang nagawang kalokohan ng senyorito noon. "Kaya nga doon yan pina-aral ng senyor Gideon sa US kasi baka pag dito hindi makapagtapos dahil puro kalokohan. Pero sabi niya, nagbago na raw siya." binuntutan pa ito ni Lolo ng tawa. 

Walang pinagbago, Lo, baka nga lumala pa ang pagiging mapilyo niya. Hindi lang mapilyo ang senyoritong yan, Lo, manyakis pa.Sigaw ng utak ko. Ninakaw nga ng hambog na yan ang first kiss ko tapos siya pa ang may ganang mambintang na hinalikan ko siya? Kung alam ko lang talaga na nagkukunwari siya baka tinuluyan ko na siya.

Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight (Soon to be published)Where stories live. Discover now