Kahit na kinikilig at nalilibogan na naman ay hindi nawala sa utak ko ang huling sinabi niya. Binabantaan ako ng damuho! At kumpyansang kumpyansa talaga na maaapektuhan ako kapag ginawa niya iyon! The arrogance of this man! His confidence is up to the sky. Grabe!

I needed to compartmentalize my emotions so I pulled myself together and gave him a seductive smile even when he's not looking at me anymore.

"Then, what else is my tumbler here for? Ibibigay ko na lang sa iba, eh, kung ganoon." I said, as if I'm just nonchalant about it. Nang lumingon siya'y inalis ko agad ang mapang-akit na ngiti lalo na't nandidilim na naman ang mga mata niya nang lumingon sa akin.

Kinikiliti na naman ako sa kilig nang tila nagalit ko na naman siya. I'm a fool, yes. At kung ang pagpapaniwala sa sarili kong naaapektuhan ko siya ng ganito ay kabaliwan na ay wala na akong pakialam. So be it.

"Subukan mo." He said coldly. He broke our eye contact and finished the remaining water inside of my tumbler. I giggled.

"I won't. Ikaw lang ang icing sa ibabaw ng cupcake ko, Tyson Matheus." Matapang kong sabi. Mabilis siyang napa-lingon. Nanginig ang mga labi ko sa pagpipigil ng tawa habang seryso at mariin niya akong tinititigan.

"You're crazy." Aniya at tumayo na. Tinalikuran niya ako at nag-ligpit na ng mga gamit niya. Tumayo na rin ako at natawa na talaga. Ba't ang baliw baliw ko? Baka isipin niyang pinagti-tripan ko siya! Pero kasi natatawa ako sa sarili ko at sa mga pinagsasabi ko sakaniya. At iyong mga reaksyon niyang parang nalulula sa akin. Jusko! Bababaan ko siguro nang konti ang dosage ng hormones ko! Punyeta talaga itong anting anting oh nakaka-angsha!

"Akin na." Sabi ko nang na-isuot niya na ang gym bag niya. Hawak-hawak niya pa rin kasi ang tumbler ko. Binigyan niya ako ng supladong tingin.

"Ano? Akin na. Uuwi na ako." Sabi ko sabay lahad ng kamay ko sa harap niya. Umigting ang panga niya at tila walang balak ibigay sa akin ang tumbler ko.

"Then let's get outside first." Aniya. Umawang ang bibig ko at gusto na talagang matawa ulit. Bakit iniisip ko na ayaw niyang ibigay dahil kakasabi ko lang na ipamimigay ko sa iba? Hibang na talaga ko.

"Okay. Bahala ka." Natatawa kong sabi at nag-lakad na. Naririnig ko siyang naka-sunod sa likod ko. May iilang napapa-tingin sa amin ngunit sa kasiyahan ko'y hindi ko na pinuna. Kebir!

Nang nasa labas na'y humarap ako sakaniya at napa-tigil naman siya sa pag-lalakad. His usual scowling face is on display but I smiled at him cutely.

"Thanks for today, Ty. Now, my tumbler, please." Sabi ko. I always thank him every after his game. His lips pursed.

Inabot niya naman sa akin ang tumbler ko at bumuga ng hininga. Palihim kong nilanghap iyon at umiikot talaga ang paningin ko sa sobrang bango. Tulong!

"On Sunday, at Manila Polo Club, be there. Just me and Jerro. Don't bring Claire."

Napa-nganga ako. This is the second time he's invited me to his endeavors. Lumipas man ang isang buwan at ano pa ay ang mga laro niya sa mga araw na iyon ay gine-gatecrash ko naman ulit. Ngunit ngayon ay iniimbitahan niya na naman ako. And it's polo! This is gonna be the third sport he's allowed me to come and see him play! Oh my! I can't wait.

"W-what time? And why can't I bring Claire?" Hindi mapakali ang utak ko. Pakiramdam ko'y sasabog ito anumang sandali. Jusko talaga! Hindi na pag-tira ng bola o pag-asinta ng baril ngayon. Kundi pag-sakay naman ng kabayo! Palagay ko'y hinahasa ako ni Tyson upang maging magaling na kasiping sa kama! Charez! Sasakyan kita sa lahat ng gusto mo, Tyson! Pinalaki ako ng sexbomb na lumaban at hinding hindi babawi! Eme lang.

"Tss. She brings trouble." Tyson sneered.

"Uy, hindi ah. Atsaka, sinong sasakyan ko? I can't let Kuya take me there." Tila umatras ang excitement ko. Bakit kasi ayaw niya! Eh, hindi naman kasalanan ni Claire na naging adik iyong si Ron. And for sure, she won't bring anyone anymore because Kuya reprimanded her to do so especially when I'm involved.

The Merciless Stud (Hot Trans Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon