Chapter 23

111 45 0
                                        

TW: Disturbing scenes/informations, Extreme profanity, Violence

***
"'YONG iba? Sina Avril at Dain? Nakita niyo ba? Baka naman nasa ligtas na lugar sila, o kaya nasa kani-kanilang cottage pa? Baka naman pwede nating balikan?" sunod-sunod na tanong ko. 

Nagpumiglas ako, gunit hinigpitan lang ni Kuya Adi ang kapit sa kamay ko. Nang lalo akong maglikot ay inilipat niya ang kapit sa palapulsuhan ko at hinila ako palapit sa kaniya. Iling lang ang naging sagot niya sa 'kin. Gusto kong magpumilit na balikan ang iba, ngunit tila nabasa ko na sa mga mata niya ang sagot sa mga tanong ko. Habang tumatakbo ay nagpalinga-linga siya sa paligid, hawak niya pa rin ang palapulsuhan ko. "Wala na rin sila, nakita namin ang mga bangkay nila habang tumatakbo kami ni Lyden kanina. I don't know what the hell happened, but we really need to save our lives and get the h*ll out of this sh*thole!" pabulong niyang sagot, pinipigilang lakasan ang boses sa takot na marinig kami ng kung sino man ang pumatay sa mga kaibigan namin.

Itinikom ko na lang din ang bibig ko at hindi na nagsalita pa upang hindi na siya mahirapan. "Humingi na ba kayo ng tulong sa staff ng hotel?" tanong ko nang maalalang pagmamay-ari nga pala ng lolo ni Lyden itong tinutuluyan namin.

"We tried. That's why we're running for our lives now because there isn't any help we can ask for from them. Sinubukan naming tawagan ang manager ng hotel, pero walang sumasagot kaya pinuntahan na lang namin para humingi sana ng saklolo, kaya lang ay patay na rin ang lahat sa mula sa front desk hanggang sa opisina ng manager nang madatnan namin," si Lyden ang sumagot.

"Nagising ako nang may marinig na sigaw, paglabas ko ng cottage, naabutan ko na lang si Feather habang naka-bulagta sa damuhan. Nakasalubong ko si Adi kaya hihingi sana kami ng tulong, pero wala na kaming nadatnang buhay. All of them were dead. Nadaanan namin ang mga bangkay nila, hindi pa namin alam kung paano at sino ang pumatay sa kanila. Maaaring nandito lang siya kaya kailangan na nating makalabas ngayon din," paliwanag niya pa bilang sagot sa nauna kong tanong kanina bago nila kami hilain paalis.

Tumango na lang ako at hindi na nangulit pa.

Tinatahak namin ang madilim na daan palabas ng hotel, tumitigil din kami paminsan-minsan upang pakiramdaman ang paligid. Walang nakasinding ilaw, halos basag na ang karamihan sa mga 'yon o kaya naman ay pinatay lang talaga, kaya tanging ang mga cellphone lang namin ang nagsilbing liwanag sa aming dinaraanan.

Malapit na kami sa exit ng hotel nang tumunog ang ringtone ko. "Heto na naman! Ano ba talagang trip nito at tawag nang tawag? Hindi naman umiimik," naiiritang sambit ko. Sa takot na marinig ng kung sino ang ingay na nanggagaling sa cellphone ko ay nilagay ko na lang 'yon sa silent mode at nagpatuloy sa pagtakbo.

Wala rin akong balak na sagutin 'yon dahil nagmamadali na kaming tumakbo, makasasagabal lang ako kung sakali.

Nang hindi pa rin tumigil sa pagtawag ay papatayin ko na lang sana nang balingan ako ni Ate Luna. "Who's that? Sagutin mo, baka sakaling matulungan tayo," utos niya sa 'kin.

Nilingon ko siya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang maisip na baka tama nga siya at mahihingian namin ng tulong itong nasa kabilang linya, kahit na pinagtri-trip-an lang ako nito kanina. "Okay," sagot ko. Inilabas kong muli ang cellphone at sinagot ang tawag ng estranghero. "Hello..." pabulong na bungad ko, umaasang may sasagot na ngayon.

Ngunit hindi ko inaasahan ang kalalabasan ng pagsagot ko sa tawag na 'yon.

Mula sa kabilang linya ay narinig ko ang mahinang halakhak. Malalim ang boses nito na tila ba nanggagaling sa ilalim ng lupa. Naging dahilan 'yon upang manindig ang balahibo ko sa takot.

Ako na mismo ang nagpatay ng tawag. Halos mabitawan ko 'yong cellphone dahil sa panginginig ng kamay, pero sandali lang din ay muling lumiwanag ang screen at bumungad sa 'kin ang isa pang tawag, hindi ko sana 'yon sasagutin, ngunit dahil sa panginginig ng kamay ko ay aksidenteng napindot ang green button at nasagot ko.

"Hindi na kayo makalalabas diyan," sambit no'ng nasa kailang linya gamit ang malamig a nakakikilabot na boses.

Kinabahan ako at napahinto mula sa pagtakbo, kaunti na lang sana at makalalabas na kami. "Ceri, bakit?" tanong ni Lyden.

"Sino raw 'yong tumawag? Mahihingan ba natin ng tulong?" tanong naman ni Ate Luna.

Umiling ako at nagkagat-labi.

Saglit kaming nagkatitigan ni Ate Luna bago ako nito tinapik sbaikat at sinenyasang magpatuloy na lang sa pagtakbo. Sumunod naman ako sa kanila kahit tagaktak na ang pawis ko't nanlalamig ang mga kamay.

Devil's Hour: When the Clock Struck Twelve | COMPLETEDWhere stories live. Discover now