TW: Disturbing scenes/informations, Extreme profanity, Mention of Suicide.
***
PASADO ala una y media na no'ng magpaalam siyang uuwi na dahil baka hinahanap na raw siya sa kanila. Iniwan niya sa 'kin ang address ng bahay nila para raw siguradong hindi siya nagsisinungaling. Natawa lang ako ro'n. Bago tuluyang umalis ay pinayuhan niya pa akong bumaba muna at kumain dahil nabanggit ko kaninang hindi pa ako kumakain simula nitong umaga. Pagkaalis niya ay saka ako bumaba upang maghanda ng makakain. Nag-init na lang ako ng ulam at binilisan ang pag-ubos ng mga 'yon dahil bigla akong inantok sa kalagitaan ng pagkain. Hindi ko na rin hinugasan ang pinagkainan at dumiretso na lang sa banyo upang magsepilyo. Nang matapos at makahiga na sa kama ay mabilis akong tinangay ng antok.
Pagkagising kinabukasan ay naabutan kong nakasandal si daddy sa door frame, nasa tapat niya si mommy na may kung anong sinasabi. No'ng una ay hindi ko agad naintindihan kung ano ang pinag-uusapan nila, hanggang sa tuluyan na akong bumangon at bahagyang kinusot ang mga mata.
"Good morning," bati ko sa kanila. Nakuha ko naman kaagad ang atensyon nila.
"Hey," maikling bati sa 'kin ni daddy. Tinanguan ko siya't bumaling naman kay mommy na halatang hindi maganda ang timpla.
Kung ano man 'yon, may ideya na akong tungkol sa kahapon 'yon.
Nilapitan niya ako at tinapik sa braso. "Great. Get ready and get down immediately. We'll talk over breakfast." Ginawaran niya lang ako ng magaang yakap at halik sa noo bago pinagmadaling kumilos upang maligo at magbihis. Si daddy naman ay tinanguan na lang ako at hindi na nagsalita pa.
"Okay," sagot ko na lang.
Pagkalabas nila ng kwarto ay saka ako nagmadaling maghanda. Wala pa yatang sampung minuto ay tapos na akong maligo. Binilisan ko na rin ang pagbibihis at pagsuklay ng buhok. Hindi na ako nag-abalang patuyuin 'yon dahil matatagalan pa, baka akyatin na ako ulit ni mommy kung gano'n.
Nag-charge muna ako ng cellphone bago bumaba. Nang makatating naman sa dining table ay sinalubong ako ng mahinang diskusyon nina mommy at daddy. Tumigil lang sila nang makitang papalapit na ako. May nakahanda nang pinggan para sa 'kin.
"Sit down, Cerina," utos sa 'kin ni daddy.
Tumango naman ako at agad na sumunod dahil binanggit niya na nang buo ang pangalan ko.
Pagkaupong-pagkaupo ko naman ay si mommy na ang nagsandok ng pagkain para sa 'kin. Nilagyan niya ng sinangag at bacon ang pinggan ko at inutusan ang isang kasambahay na pagsalinan ako ng gatas sa baso. Medyo naparami ang lagay ni mommy ng sinangag, pero hindi na ako nagreklamo dahil baka pagalitan lang ako. Wala pa naman sila sa mood pareho.
"Thank you," pasasalamat ko sa kasambahay na nagsalin ng gatas sa baso ko.
Pagkaalis niya ay nagsimula na akong kumain. Pinakikiramdaman ko lang kung sino kina mommy at daddy ang unang magsasalita. Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain nang si daddy ang unang magbukas ng topic at tama nga ako, tungkol 'yon sa insidente sa EDU kahapon. "About the girl who took her life in your university..."
"Hmm?" mahinang sagot ko, inaabangan lang kung ano ang sasabihin nila tungkol do'n.
Nang salubungin ko ng tingin si daddy ay ibinaba niya saglit ang kutsara at tinidor sa pinggan. "Are you... alright?" tanong niya, bakas ang pag-aalala sa mukha.
Kumunot naman ang noo ko.
Binalingan ko si mommy. Gano'n din sa kay daddy ang nababasa kong emosyon sa kaniyang mukha. Nag-aalala sila sa 'kin. Akala ko ay sesermonan ako o kaya naman ay pagsasabihan at sasabihing huwag tutulad, at kung ano ano pa.
"Huh?" gulat na tanong ko. Nilunok ko muna ang nginunguyang pagkain at uminom ng gatas bago muling nagsalita. "I am fine, dad," sagot ko nang makabawi.
"You sure?" paniniguro niya.
Tumango naman ako. "I am."
Hinintay kong muling magsalita si daddy, ngunit nagbuntong-hininga lang siya at kinuha ang cellphone, nagtipa siya ro'n at ibinaba rin pagkatapos. Binalingan niya si mommy, ibig sabihin ay hindi niya na alam kung ano pa ang pwedeng sabihin sa 'kin, kaya naman kay mommy na rin ako bumaling at naghintay sa sasabihin niya. "Hija..."
"Yes?" tanong ko.
Nagbuntong-hininga rin siya. "I heard you were with Ross and the other councils before the police came. And I also heard that the student was from the same department as you. I just want to make sure that you were indeed fine like you said so," sabi niya sa 'kin gamit ang malumanay na tono.
"I really am," pagsisinungaling ko.
Sinubukan ko ring ngumiti upang kumbinsihin silang ayos lang talaga, ngunit tila hindi gumana 'yon dahil hindi nagbago ang tinging ipinupukol sa 'kin ni mommy. "Okay," saad ni mommy pagkaraan ng ilang segundong pagtitig sa 'kin.
"Oka–" sasagot na sana ako, ngunit pinutol naman ni daddy ang dapat na sasabihin ko.
"But I suggest that you visit Dra. Lesandra later."
YOU ARE READING
Devil's Hour: When the Clock Struck Twelve | COMPLETED
HorrorSoon to be published under KM and H Black Serpent Publishing House! ___ Cerina Quien Ortega seems to be a typical nineteen-year-old student who has every single situation under her control. She has the wits, the beauty, the talents, the life, and ev...
