36: Unknown Feeling

Start from the beginning
                                    

Si Jhon ang nagtuturo sa amin sa mga steps samantalang si Prince naman, naka-upo lang habang tinitingnan kami. Si Sarah naman, lapit ng lapit kay Prince. Habang ako, walang lumalabas sa bibig ko. Ni hindi ako makapagsalita ng maayos kapag nakatingin siya sakin.

4:00PM na natapos ang lahat. Kaya, medyo hapon na rin kaming umuwi. Si Marky ang naghatid sa akin sa bahay dahil nauna na si Nathalie sa akin. Habang nasa loob ng kotse, parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi sakin.

Pagdating ko sa bahay, ganoon parin. Galit na naman sakin si Nathalie. Kung ano-ano na lang ang sinasabi niya kay Mommy. Para pagalitan ako.

Hinayaan ko na lang. Hindi na ako pumatol dahil ayaw kong malaman nila na may asthma ulit ako. Araw-araw, nasanay na akong uminom ng gamot. Iniiwasan ko na ring pagurin ang sarili ko.

Pagdating naman sa paaralan, nasanay na rin akong makita ang SVT araw-araw. Pati si Sarah, nasanay na ako sa mga sigaw niya sakin. Ewan ko kung bakit parang pinagtutulungan nila ako ni Nathalie. Iyak lang ang magagawa ko. Hindi ko magawang lumaban dahil mahina ako.

Maraming tanong sa isip ko. Dahil hindi ko maintindihan kung bakit naging mabait si Prince sakin kapag ako lang mag-isa ang nakikita niya. Naipagtanggol niya na ako kay Sarah. Pang-ilang beses na. Hindi nga sila magkasintahan. Si Sarah lang ang may gusto ng ginagawa niya.

NGAYON, Biyernes na naman. Ang dali lang ng oras. Lumipas na naman ang isang Buwan. Habang nasa Harvend ako, maraming mga kaganapan ang nangyari. Wala na masyadong bully sa school. Dahil ipinatupad na dito yung anti-bullying.

Nandito ako ngayon sa rooftop ng building ng SVT. Ito na kasi yung paborito kong lugar dito sa Harvend. Dahil bukod sa mataas ito, tahimik pa, walang gulo, malamig yung hangin at grabe... maalis mo dito yung mga problema.

Naaalala ko yung nangyari kagabi sa bahay. Sinabi sakin ni Mommy na, palalayasin niya ako sa bahay kapag may ginawa ako kay Nathalie ulit.

Biglang tumagilid ang luha ko ng hindi ko namalayan. Sa tuwing pumupunta ako dito ng mag-isa, naiiyak na lang ako. Dito ko binuhos lahat ng iyak ko kasi alam kung walang makakarinig sakin...

"Are you okay?" nabigla na lang ako ng may biglang nagsalita sa likod ko.

Heto ang laging nagiging eksena. Si Marky ang nakakakita sakin sa tuwing umiiyak ako.

Dali-dali kong pinunasan ang luha ko.

"Ano ba, huwag mo nang punasan yang luha mo. Ayos lang na umiyak ka. Dahil, dapat lang na ilabas mo yan. Lagi kitang nakikita dito na umiiyak. Sabihin mo sakin, family problem ba?" mahinahong tanong niya.

Dahan-dahan akong tumango at nagpatuloy lang sa pag-iyak gaya ng sinabi niya.

"Ayos lang yan. By the way, sasabayan kita mamaya sa clinic." sabi niya.

Tumango na lang ako.

Laging siya ang kasama ko sa tuwing pumupunta ako ng clinic. Medyo busy na kasi si Missy at Pauline. Lalo na't may mga jowa na sila. Pero, hindi parin naman nila nakalimutan yung pagiging kaibigan nila sakin. Si Lisa naman, kailangan munang mag-focus sa 1st quarter exam nila. Malapit na rin matapos ang 1st exam namin.

"Nga pala Marky, nakita mo ba si Prince?" tanong ko sa kanya ng walang dahilan.

"Bakit mo siya hinahanap?" ngiting tanong niya.

Umiling agad ako. "Ah, wala. Sa ano lang, yung sa P.E" dali-daling sabi ko.

"Well, kasama niya yung iba. Tara, baba na tayo. May sasabihin rin ako sayo eh. Importante 'to kaya dun tayo sa SVT room. Nandun kasi yung iba." ngiting sabi niya.

HATE ME NOT (BOLS #1)Where stories live. Discover now