35: Thank You Prince

Start from the beginning
                                    

"Sarah, intindihin mo naman si Prince." sabi ni Marky sa kanya.

"Bakit, naintindihan niya ba ako?! Diba, hindi! Kaya, wag na wag niyo akong gagalitin!" sigaw niya samin.

Napatingin sa kanya ang lahat ng kumakain. "Sarah, nakaka-istorbo ka. Kung gusto mong pag-usapan 'yan, huwag dito." giit ko.

"Ayaw mo?" napatawa siya. "Pwes, everyone! Listen carefully. Si Prince ay jowa ko kaya huwag na kayong lumapit sa kanya kung ayaw niyong---" hindi ko na siya pinatapos. Hinila ko siya palabas.

Nang nasa malayo na kami ng canteen, agad ko siyang binitawan. "Stop it Sarah. Hindi mo'ko boyfriend. Hindi kita girlfriend. Pwede ba, tanggapin mo yung totoo. Wala tayong relasyon. Fake lang 'yun. Sinadya mong kumbinsihin yung matanda para maging girlfriend kita. Kaya, kung ako sayo... tigilan mo na ako." mariin kong giit sa kanya.

"Darating ang araw, na lalapit ka sakin. Babalik si chairman dito at sisiguraduhin kong matutuloy na yung kasal natin." giit niya naman.

"Hindi yan mangyayari---"

"Mangyayari yan. At ngayon nga ay sisimulan ko na eh. Tandaan mo 'to, lahat ng babaeng malapit sayo... pahihirapan ko." bulong niya sa'kin bago ngumiti. "Bye, mahal kong prinsipe" paalam niya habang nakangiti.

Napailing na lang ako. "Baliw talaga. Literal na baliw."

Bakit ba kasi kailangan pang mangyari sa buhay ko 'to?! The fvck.

"Tol, anong sabi niya sa'yo?" tanong ni Marky sa'kin habang papalapit.

Umiling ako. "Wala, nonsense lahat." sabi ko. "Tara na. Pumunta na tayo sa mga clubs natin." pagpatuloy ko bago nauna sa kanila.

Lahat ng babaeng malapit sakin, pahihirapan niya? Pftt, sino naman? Eh wala naman akong babaeng... wait, ang sabi ni Jhon si Trisha raw at si Jenny. Hindi ako malapit kay Nerd dahil, yikes! Baka, si Trisha nga ang pahihirapan ni Sarah.

'Sarah, baliw ka na talaga. Hindi pa ba sapat yung bakasyon mo sa Canada...'

Napailing na lang ako habang iniisip iyon.

NAGPAALAM muna ako sa mga kaibigan ko para puntahan si Trisha. Kawawa naman ang babaeng 'yun pag nadamay sa kabaliwan ni Sarah. Trisha is not my friend she's the daughter of our client. Kapag may ginawa sa kanya si Sarah, mawawalan kami ng kliyente.

"Prince, anong ginagawa mo dito?" tanong niya sakin habang nagdi-disenyo.

"Para saan pala ang mga 'yan?" I asked.

"Hey, Prince cutie!" biglang dumating si Joven.

Nasa SC room ako. Kaya nandito sila.

"Ang mga ito ay ibibigay namin sa mga club president mamaya. Nandito yung mga activities na gagawin" paliwanag ni Trisha.

"Prince, baka may suggestions ka diyan" ngiting sabi ni Joven sakin.

"Busy ako. Nga pala, si Sarah pumunta ba dito?" tanong ko sa kanila.

"Hindi namin nakita yung girlfriend mo dito---"

"Hindi ko siya girlfriend---"

"Asus, you know na ba? Na si Ms. Reyes at ikaw ang maging cover ng school paper magazine ng Harvend?" nabigla ako sa sinabi ni Joven.

"The fvck!" I cursed.

"Oh, easy lang. Si Sarah lang naman kasi ang nagsabi niyan kay Dean. Palibhasa'y model, hmpk!" singhal pa ni Joven na may halong pagkainis.

HATE ME NOT (BOLS #1)Where stories live. Discover now