So This Is Where It Begun

6 1 0
                                    

1#So_This_Is_Where_It_Begun




— I  —

"Yan lang ba ang kaya mo, Amy? Sa tingin mo ba maliligtas mo ang sarili mo sa ganyang estilo ng pakikiaglaban mo?" sita sa kanya ni Patrick habang pinupunasan nito ang duguang labi gamit ang laylayan ng suot nitong t-shirt.

Nasa labas sila, sa bakuran ng bahay na sinimulan nilang tirhan magmula ng inampon sya ng naging mga bagong magulang nila.. Ang naging bahay nya magmula nong kinilala sya bilang si Amy Sullivan, ang nakababatang kapatid nila Patrick at Aleah Sullivan.

Nagtatakang nilapitan ni Amy si Patrick para tulungan sana ito pero isang malakas na suntok sa sikmura lang ang natamo nya sa paglapit dito dahilan para mapaupo sya at mapaubo ng dugo.

Dinama nya ang nasaktang panga na ramdam nyang parang nabasag ata para lang mabahiran ang palad nya ng dugo, di makapaniwalang nilingon nya ang Kuya Patrick nya ng narinig nalang nya ang pagak nitong pagtawa.

"Anong nangyayari sayo, Kuya? Akala ko ba warm-up lang ang gagawin natin?" sumbat niya dito.

Pero imbis na sagutin ang tanong nya ay hindi nito isinagot iyon at itinanong pa sya.

"Gusto mo bang mamatay ng walang kalaban-laban?" ang seryoso ng tingin nito sa kanya. Hindi nya ito naintindihan.

Hindi nya alam, magmula ng gumraduate sya ng junior high noong nakaraang linggo ay biglang tumigas ang ekspresyon ng Kuya Patrick nya sa kanya.

Na parang bang ang dami nitong iniisip, kung tatanongin naman nya kundi ay ni Leah ay hindi ito sumasagot. Ang sinasabi lang nito ay kailangan nilang matutong protektahan ang sarili namin.

"Amy?! Anong nangyari say--- Kuya Pat?! Anong ginawa mo?!"

Napalingon silang dalawa ng Kuya nya ng bigla nalang lumabas ng bahay si Leah, mabilis sya nitong nilapitan at tinulungang tumayo.

Hinarap nito si Patrick.

"Kuya, alam kong gusto mong matuto si Amy kung paano protektahan ang sarili nya kaya tinuturuan mo sya, pero wag mo namang abutin sa ganito!" nag-aalalang sita nito kay Pat na tinignan lang sila na blangko ang ekspresyon ng mukha at saka ay iniwanan sila sa labas.

Pumasok na ito sa bahay ng hindi man lang nag-iwan ng salita.

Narinig nya ang pagbuga ng hangin ni Leah at tinapik ng mahina ang likod nya, nilingon nya ito.

"Okay ka lang?" sabay hawak sa pisngi nya para tignan ang pasa nya, tumango naman si Amy at nginitian ito.

"Hindi ka okay, sasapakin kita. Pumasok na nga tayo para gamutin yan." inismiran sya nito at hinila papasok ng bahay.

Tatawa-tawa namang nagpahila lang sya dito papasok.

Pagkapasok ay agad syang pinaupo ni Leah sa sofa at nagpaalam para kunin ang first aid kit. Pagkaalis nito sa sala ay sya namang pagbaba ni Patrick mula sa itaas, nakabihis na ito at malinis na ang mukha.

Akala nya ay mapapansin sya nito pero dineadma lang sya habang papalapit ito sa pinto pero tumigil ito at nilingon sya.

"Amy.." tawag nito sa kanya.
"Kuya."

Ngumiti lang ito at saka ay lumabas, saglit man ay hindi nya maiwasang mapansin ang pag-aalala sa mukha nito.

"Pagkatapos nyang lagyan ng instant blush on ang mukha mo ayun, umalis. Di man lang nag-sorry. Tsk tsk." Leah na napailing-iling nalang saka nilapitan sya na dala-dala na ang box ng first aid nila.

Umupo na ito sa tabi niya, nilagay nito ang box sa maliit na mesang na nasa harap nila at sinimulan na sa misyon nito.

Habang nilalagyan nito ng alcohol ang bulak ng cotton ay may itinanong ito sa kanya.

"May naapplyan ka na bang school, Mi?" tanong ni Leah at maingat na idinampi yung bulak sa gilid ng labi nya.

"Aww- aaray.. W-Wala pa. Hinaantay ko yung desisyon ni Kuya Pat, sinabihan ko naman na sya sa mga gusto kong pasukan pero wala pa syang sinasabi sakin." sabi nya ng totoo sabay iniwas muna ang mukha sa kamay ni Leah.

"Oww. May natanggap kasi akong package kanina." inabot nito ang cold compress saka idinampi sa mukha nya.

Kinuha naman nya ito mula kay Lyra at sya na ang humawak. "Package? Baka para kay Kuya Pat yan."

"Hindi eh. Para kay Amy Rei Sullivan daw."

"Sakin? Wala naman akong ibang kakilala na nasa labas ng bansa o sa labas ng bayan, wala din akong pinurchase sa kung anong online store." ika nya at sinalubong ang tingin ni Leah na parang nagtatanong rin sa kanya.

Tinaasan sya nito ng kilay.

"Totoo!" itinaas pa nya ang kamay nya na parang sumusumpa.

Siniko sya ni Leah, "Baka may finiflirt kang Kanoy?"

Pinitik nya ang noo nito sabay inismiran. Ni halos hindi nga nya kayang makisakay sa flirt-flirt jokes sa mga classmates nyang lalaki sa school, Kanoy na kaya na kailangan ay exlert ka? Naloko na.

"Loka! Pero asan ba yang package na sinasabi mo?" tanong nya.

Agad namang tumayo si Leah at may kinuha sa loob ng cabinet kung saan nakapatong ang TV nila.
Pagkaharap nito ay may dala na itong kahon na kulay puti, inabot nito ang kahon sa kanya sabay mabilis na umupo para maki-usisa.

Inilagay nya muna sa maliit na palanggana ang cold compress saka ipinayong sa hita nya ang medyo may kalakihang kahon at may kabigatan na para bang may laman itong damit o ano ba.

"Buksan mo na." usog sa kanya ni Leah na mas excited pa ata sa kanya, mukhang iba ang iniisip nito sa iniisip nyang magiging laman ng kahon.

Sinunod naman nya ito at sinira ang scatchtape ng kahon, pagkabukas ay mas nagtaka sya, isa na namang kahon pero kulay itim na.

Parang hindi makapaghintay ay si Leah na ang bumukas para lang bumungad sa kanila ang isang-----

"Uniform?" ika nilang dalawa na magkasabay pa.

Nagkatinginan silang dalawa ng Leah ng tinampal sya nito sa braso.

"Akala ko ba wala ka pang naapplyan?!" sumbat nito habang ngumunguso, ayaw kasi nitong pinagsisinungalingan lalo na kapag sya ang nagsisinungaling.

"Pramis! Baka si Kuya Pat, may alam nito. Teka, may card sa loob." sumumpa na naman sya para hindi ito magtampo.

Kinuha nya ang card na nakapatong ibabaw at inilagay muna sa gilid ang box na may uniform.

"Shidigaiku... University?" basa nya sa naka embossed na letra sa labas ng itim na card.
"Wow. Ang sosyal ng pangalan ah, international ba yan? San mo nahanap ang school na yan? Sana jan nalang din ako pina-enroll ni Kuya." komento ni Leah sa tabi nya na nakikibasa din pala.

Di nalang sya nagreact dito at binuksan ang card ng may nahulog doon, agad nya itong pinulot para lang malamang isa itong--- I.D?

"May ID ka na agad, Mi?" kinuha ni Leah sa kanya ang ID na may picture nya.

P-pa-paanong? Wala syang binigyan ng kahit sino ng mga pictures nya pero bakit may ganito na agad? Paano nitong nakuha ang recent ID sized photo nya?

Lumunok muna sya bago basahin ang nakasulat sa loob. Ewan nya ba at bakit sya biglang kinabahan na halos ang hirap huminga, sa tingin nya ngayon ay parang may nakamasid sa kanya.

" Amy Rei Sullivan, Welcome to Shidigaiku University... ? " basa nya at napalingon kay Leah na nagtatanong ang mukha.

Ng bigla nalang bumukas ang pinto ng malakas.




tbc

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 07, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ShidigaikuWhere stories live. Discover now